Your Name Hurts.
~~~~
Von POV
A/n: Play Your Name Hurts by Hailee Steinfeld
Pinauna ko ng umuwi sa bahay niya si Aphrodite, ayokong mahawa pa siya sa lungkot na nadarama ko ngayung mga oras na ito.
Para akong pinag bagsakan ng langit at lupa sa mga nalaman at mga natuklasan ko.
Sobrang sakit, sobrang sobrang sakit. Ang tagal ko hinintay eh, ang tagal kong pinang hawakan yung pangako niya sa akin. Tapos sa isang iglap malalaman ko nalang na kasal na siya, at sa best friend ko pa talaga.
Ininum ko ang alak na nasa basong hawak ko.
Pumikit ako kasabay ng pag lunok ko sa alak. Muli ko na namang naramdaman ang Pag tulo ng luha ko habang inaalala si Lit.Tangina, tangina lang.
"TANGINA!"sigaw ko at binato ang hawak kong baso sa pader ng bar. Napa tingin ang mga costumers sa akin, pati na ang mga bartender. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawang kamay ko saka napa hagulgol sa iyak.
Sobrang talo na ako, Ang daya! Ang daya daya dahil akala ko tutuparin nya ang pangako niya sa akin. Sinugal ko lahat e, sinugal ko lahat para sa kanya pero tangina, anong napala ko.
Tanging pag iyak lang ang nagawa ko, kung maibabalik ko lang ang panahon. Hindi ko na siya papakawalan pa. Hindi na ako aalis sa Vampire high.
Napa tigil ako sa pag iyak ng maalala ko ang ability ni Clementine. Tama, nakokontrol niya ang oras, pwede niya akong tulungan.
Agad kong nilabas ang wallet ko at nag lapag ng pera sa mesa saka tumakbo papunta sa kotse ko. Nakaramdam ako ng pagka hilo dahil siguro ay may tama na ako, naparami ang inom ko.
Sumakay na ako sa sasakyan ko at nag maneho papunta sa bahay medyo malapit na lang ang bahay namin kaya kaya ko pang mag maneho.
Pag dating ko sa bahay, agad kong pinarada ang sasakyan ko ng makaramdam ako ng pagka hilo. Sumandal ako sa upuan ko ng muli ko na namang maalala si Lit. Muli na naman akong napa iyak ng maalala ko siya, lumabas na ako sa kotse at nag pagewang gewang na nag lakad papasok sa bahay."Von?" Tumigil ako sa pag lalakad, nakita ko si Van na naka tingin sa akin kaya napa ngiti ako.
"K-kambal ko." Sabi ko at lumapit sa kanya.
Bigla akong natapilok sa bato kaya napa yakap ako sa kakambal ko.
"Bakit nag lasing ka?" Tanong niya habang salo salo ako."K-kambal ko." Hindi ko na napigilan pa, napaiyak na ako dahil sa nararamdaman kong bigat at sama ng loob.
"Von."tawag niya.
Iyak lamang ang tanging nagawa ko habang yakap yakap ang kakambal ko, hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang sabi ko sa sarili ko ay tatanggapin ko nalang kung saan sasaya si Lit, ngunit bakit ganito? Bakit hindi ko kayang tanggapin.
"K-kambal ko."
"Anong nangyare?"tanong niya at tumingin sa akin na may pag aalala sa kanyang mata.
"N-nakita ko na siya." Sabi ko. Nakita ko na siya, nakita ko kung paano siya ikasal sa kaibigan ko.
"Von?" Yan na lamang ang huli kong narinig bago ko ipikit ang mga mata ko.
Sana ay panaginip lamang ang lahat.

YOU ARE READING
Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)
WerewolfVaughn Series 4 VON FLOYD VAUGHN Half Vampire and Half Werewolf, meet Von Vaughn. The twin brother of Van Vaughn. He is waiting for someone to come back when he suddenly met Aphrodite.