Chapter 29

282 8 1
                                        

Aphrodite POV

Isang unregistered number ang biglang tumawag sakin kanina kaya nag paalam ako kila Von na sasagutin ko ang tawag.

Lumabas ako ng bahay nila upang maka layo sa dalawa saka sinagot ang tawag.

"Hello? Sino 'to?"tanong ko. Walang sumagot kaya tumingin ako sa phone ko sa pag aakalang binaba na ang tawag. Ngunit ongoing parin ang tawag kaya muli kong itinapat sa tenga ko.

"Hello?"tanong ko.

(Aphrodite...) Kumunot ang nuo ko dahil isang boses ng isang lalaki ang tumawag sa pangalan ko. Hindi ko alam kung sino ito.

"Ako nga, who's this?"tanong ko habang naka kunot ang nuo ko. Narinig ko pa ang maliit niyang pag tawa bago siya sumagot.

(Sabihin nalang natin na ako ang guardian Angel mo.) Sabi niya kaya mas lalong kumunot ang nuo ko.

"Sorry, pero saan mo ba nakuha ang number ko?"tanong ko.

(None of your business my dear.)

Luh?

"Awts gege." Sabi ko at pinatay ang tawag. Mga nilalang nga naman ngayun, walang matinong magawa.

Akmang papasok na sana ako sa loob ng bigla na namang tumawag ang number kanina. Inis kong sinagot ang tawag.

"Pwede ba ha--"

(Mamamatay ang anak ng pinaka mamahal mong bampira kung hindi ka pupunta dito sa bermuda triangle.) Nanigas ang katawan ko sa mga narinig ko.

Posible ba na itong kausap ko ngayun ay may kinalaman sa nangyare kay Yezrah ngayun? Kung oo ay punyeta siya. Wala siyang awa. Pati bata ay dinadamay niya.

"Wag kang duwag kung sino ka man. Wag mong idadamay ang isang paslit sa kung ano man ang binabalak mong gawin." Diin ko. Natawa siya sa sinabi ko bagay na kina inis ko.

(Hindi ako duwag Aphrodite.) Sabi niya. (Kaya kitang patayin ngayun jan sa harap ng bahay ng pinaka mamahal mong bampira kung gugustuhin ko.) Nanindig ang balahibo ko sa narinig ko.

Nilibot ko ang paningin ko para hanapin kung may naka tingin ba sa akin pero wala.
Natakot ako bigla dahil paano niya nalaman kung nasaan ako?

Sino ba sya?

(Ngayun simple lang ang nais ko, pumunta ka mag isa sa bermuda triangle at dumiretso ka agad sa babanggitin kong lugar bago matapos ang araw na ito. Dahil kung hindi, dahan dahan kong papatayin ang anak ng pinaka mamahal mong bampira Aphrodite.)

Napalunok ako sa sinabi niya. Napamahal na sa akin si Yezrah, ayokong may masamang mangyare sa bata o di kaya ay kay Von.

"Hintayin mo ko." Madiin kong sabi bago ko pinatay ang tawag. Inayus ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa loob.

Nakita ko si Von na naka tingin sa anak niya habang si Leona naman ay may kung anong ginagawa na sa tabi ni Yezrah.

Tumabi ako kay Fin na hawak ang anak niya saka siya siniko.

"Susunduin ko muna si Leana." Bulong ko. Tumingin siya sa akin.

"Dalhan mo ko pasalubong." Sabi niya at binalik ang paningin kila Von.

Napa tingin ako kay Von na kitang kita ang pag aalala sa kanyang mukha para sa kanyang anak. Ayokong may masamang mangyare kay Von at kay Yezrah. Kung sino man ang tumawag sakin ay siguradong siya ang may pakana kung ano man ang nangyayare kay Yezrah ngayun. Sigurado din ako na hawak ng tumawag sa akin ang gamot para kay Yezrah.

Tinapik ko muna ang balikat ni Von at saka nag paalam na aalis na ako. Lumabas ako sa bahay nila at agad na sumakay sa sasakyan ko.

'Wag kang mag alala Von, pag dating ko ay dala dala ko na ang gamot para sa anak mo.'

Von POV

Mangiyak ngiyak kong tinignan si Yezrah na namumula na ang mukha ngayun. Ni hindi ko siya mahawakan dahil dumoble ang init ng katawan niya, bagay na sobrang kina babahala ko.

May kung anong ginagawa si Leona kay Yezrah ngayun habang si Aphrodite ay nag paalam na aalis siya.

"Ano bang ginawa mo?"tanong ni Fin kay Leona ng tumayo ito.

"Inaalam ko kung nasa loob ng katawan niya ang espirito niya." Sagot ni Leona saka tumingin sa akin.

"Ano, nasa loob ba ng katawan niya ang kaluluwa niya?"tanong ko. Umiling siya kaya mas lalo akong nang hina.

Ano bang nangyayare sa anak ko?

"Kailangan ko si Leana para matukoy ko kung sino ang may kagagawan nito sa kanya."sabi ni Leona at huminga ng malalim.

"Sa ngayun, dito muna ang katawan ni Yezrah, since hindi natin siya mahawakan." Sabi ni Leona saka tumingin sa akin.

"Natawagan ko na si Creed. Pauwi na daw sila ng asawa niya."sabi ni Fin saka binaba ang phone na hawak.

"Kailangan may may bantay ng katawan ni Yezrah. Hindi siya pwedeng iwanan mag isa dahil delekado pag nakuha ang katawan niya."sabi ni Leona. Wala akong naintindihan sa mga ilang sinabi ni Leona. Lutang ang isip ko habang naka tingin sa anak ko na walang malay.

Sobrang sakit para sa akin na makita ang ganitong kalagayan ng anak ko.
Kung pwede lang na kunin ko ang sakit na nararamdaman niya ay ginawa ko na.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Where stories live. Discover now