Chapter 42

194 8 1
                                        

Aphrodite POV

Minulat ko ang aking mga mata at puting kisame agad ang aking nakita, sunod noon ay ang mukha ni Leona na nakatingin sa akin.

"Gising ka na, mabuti naman." Malamig niyang sabi, dahan dahan akong umupo at nilibot ang paningin.

"Ilang araw ka ng walang malay." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Ayos ka lang ba?"tanong niya kaya tumango tango ako. Tumitig siya sa akin isang titig na parang sinusuri ang kaluluwa ko.

"Bakit?"tanong ko. "May nangyare ba?"dagdag ko. Umiling sya saka umupo sa sofa.

"Si Lit ang kumuha kay Yezrah, ginaya niya ang anyo ni Rizden para makapasok sa bahay."napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Ano?"tanong ko.

"Nakita ni Cleopatra kahapon si Lit at Yezrah sa mall." Kwento niya.

"Alam naba ito ni Von? "tanong ko. Tumango sya bilang sagot.

"Nasaan si Von?"tanong ko.

"Nasa kwarto nya."sagot niya. Tumingin sa akin si Leona. "Umamin ka nga sa akin, ayos ka lang ba talaga?"tanong niya.

"Oo naman." Sagot ko.

"Kung ganon, bakit may naaamoy akong lason sa katawan mo? Kaparehas sa naamoy ni Von na lason sa katawan ni Van." Sabi ni Leona kaya napatigil ako. Napatingin ako sa bintana at naalala ang mga sinabi sa akin ni Franco noong gabing nagkita kami sa Bermuda.

Bigla akong napalunok at pinigilan ang pag tulo ng aking luha.

"Si Yezrah, nakita na ba siya?"tanong ko.

"Oo, si Lit ang kumuha sa kanya, nag disguise bilang si Rizden." Kwento niya. Tumango tango ako.

"Madaming pinoproblema si Von ngayon, wag naman sanang dumagdag ka." Biglang sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Huh?"

"Hindi ko alam kung may tinatago ka ba sa amin Aphrodite, alam ko na hindi nag kakamali ang pang amoy ko." Sabi niya.

"Leona, ayos lang talaga ako." Biglang tumulo ang luha ko ng sabihin ko ang mga katagang iyon. Huminga siya ng malalim saka lumapit sa akin at umupo sa tapat ko.

"Pwede mong sabihin sa akin kung anong nangyayare sayo Aphrodite, isa ka sa mga malapit na kaibigan namin." Sabi niya, lumihis ang aking paningin ng titigan niya ako sa aking mga mata.

"Patawad." Sabi ko at dahan dahang nilabas ang binigay sa akin ni Franco na isang potion na ipapainom ko raw kay Von.

Kinuha ni Leona sa akin ang maliit na boteng hawak ko saka tinitigan ito. Kumunot ang nuo niya saka binuksan ang bote at inamoy ang laman nito, kaagad siyang tumingin sa akin.

"Isa itong love potion, saan mo ito nakuha?"tanong niya. Napahagulgok ako habang nakatingin sa kanya. Sunod kong nilabas ang isang bote na nag lalaman ng lason na inutos sa akin ni Franco para ipainom kay Yezrah.

Muli niya itong kinuha at inamoy.

"Lason ito, Aphrodite ano bang nangyayare?"tanong niya.

"Si... si Fra--"

"Leona?" Sabay kaming napatingin sa pinto ng pumasok si Von. Napatingin siya sa akin at kumunot ang nuo.

" Aphrodite, gising ka na pala. Bakit ka umiiyak?"tanong niya, bumilis ang tibok ng puso ko ng tanongin niya ako. Napatingin sa akin si Leona saka huminga ng malalim.

"Anong meron Von?"tanong ni Leona kay Von at napansin ko na tinago niya ang hawak niyang dalawang bote.

"Nakita mo ba si Yezrah? Wala sya sa kwarto niya eh." Sabi ni Von.

"Kasama ni Fin at Clementine, sila daw muna ang mag babantay kay Yezrah habang may problema ka." Sagot ni Leona. Tumango tango si Von saka tumingin sa akin.

"May pagkain na sa baba, kumain ka na." Pagkasabi nya noon ay isinara na niya ang pinto ng kwarto kung saan naririto kami ni Leona.

Muling tumitig sa akin si Leona saka huminga ng malalim.

"Hindi ko alam kung anong meron pero, pwede mo ng sabihin sa akin kung anong nangyayare." Sabi niya. Napalunok ako.

"Si.. si Fra--"

"Leona?"

"Punyeta. Ano ba?!" Inis na tanong ni Leona at sabay kaming napatingin sa pinto.

"High blood ka masyado, samahan mo nga si Rizden mag grocery,  ayaw niya ako ipasama eh, nag tatampo sakin, nag aalala naman ako baka may mangyareng masama sa kanya." Sabi ni Creed. Inis na huminga ng malalim si Leona saka tumayo mula sa pagkakaupo.

"Nasaan ba si Leana at ako pa ang naisip mong ipasama kay Rizden?"iritang tanong ni Leona bago isara ang pinto.

Napa buntong hininga nalang ako saka tumingin sa bintana. Muli kong naalala ang sinabi ni Franco, dahan dahan akong mamamatay kapag hindi ko ginawa ang gusto niya. Ngayong nakay Leona na ang potion, alam ko kung ano ang kakahantungan ko sa mga susunod na lingo.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Leona sa akin kanina, si Lit ang kumuha sa anak nila ni Von, ni wala manlang siyang pasabi kay Von. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko saka inayos ang aking sarili bago lumabas ng kwarto at bumaba, nakita ko pa si Von na naka upo sa sala at nanunuod ng telebisyon.

Agad akong nag lakad palabas ng bahay nila, hindi ko na tinawag si Von para gulohin, agad na akong lumabas at nag tungo sa gate. Nag hintay ako ng ilang minuto bago may dumaang taxi sa harap ng bahay nila Von, agad ko itong pinara at sumakay, itinuro ko sa driver ang dereksyon papunta sa bahay nila Cleopatra, ilang minuto ang tinagal ng byahe bago ako makarating sa bahay nila Cleopatra.

Huminga ako ng malalim bago mag doorbell. Nag hintay ako ng dalawang minuto ngunit walang lumabas kaya muli akong nag doorbell at ss pag kakataong ito lumabas ang kuya ni Cleopatra, si Freddrick.

"Ano?"tanong niya. Huminga ako ng malalim saka tumingin sa bintana ng kwarto ni Cleopatra.

"Nanjan ba si Cleopatra?"tanong ko.

"Pinadala ka ba ng Vaughn na yon para makausap ang kapatid ko? Wala siya dito umalis." Masungit niyang sabi.

"Hindi niya ako pinadala, gusto ko lang sana makausap siya." Sabi ko.

"Wala nga rito ang kulit mo, umalis nga at hindi ko alam kung saan nag punta." Iritang sabi niya tumango nalang ako.

"Salamat nalang."sabi ko saka tumalikod mula sa kanya.

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa harap, kung kailan kailangan kong makausap si Cleopatra saka pa siya wala.

"Aphrodite.."
Napailing ako ng may marinig akong boses mula sa aking tenga. Isang boses ng nakakatakot na lalaki.

"Aphrodite... HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH" 
kumabog ang aking dibdib ng muli ko itong marinig, alam ko kung kanino nanggagaling ang boses na iyon, sigurado ako na hindi niya na ako titigilan, ngayon pa'man na nakay Leona na ang potion na ibinigay niya sa akin.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
TikTok: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Where stories live. Discover now