Chapter 72

66 1 0
                                    

Von POV

Minulat ko ang aking mga mata at tinignan ang paligid, nasa basement ako kung hindi ako nag kakamali, dahil nakita ko ang ilan sa mga lumang gamit sa paligid at ang ilan ay may alikabok na.

"Raise and shine, baby boy." Tumingin ako sa nag salita, si Franco at naka ngiti sya ng malawak sa akin habang pinagmamasdan ako.

Napansin ko rin ang mga kakaibang aparato sa paligid at ang ilang mga aparato na naka kabit sa katawan ko at kumokonekta sa isang macine, maging ang isang doctor na babaeng nakatayo sa tabi ng mga aparato at may kung anong inaayos mula doon.

"Anong gagawin mo sa akin?" Tanong ko at tumingin sa kanya, nakita ko ang kakaibang ngiti ni Franco sa kanyang labi habang nakatingin sa akin.

"Gagawin? Wala akong gagawin sayo, Von." Sabi niya saka natawa. "May kukunin ako mula sayo."Sabi niya kaya naman kumunot ang nuo ko. Ano naman ang kukunin ng lalaking ito mula sa akin?

"Ano na naman ba ang kailangan mo?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Tumingin siya bigla sa mga aparatong nasa gilid saka muling binalik ang tingin sa akin.

"Kailangan ko ang lakas mo." Sabi niya kaya naman kumunot ang nuo ko dahil sa sinabi niya.
"Ano bang pinagsasabi mo? Pakawalan mo ako dito at mag laban tayo ng patas!" Sigaw ko dahilan para matawa siya lalo.

"Ang mga Vaughn talaga ay maiinit ang ulo." Sabi nya saka huminga ng malalim.
"Kailangan kita dahil nasayong katawan ang lakas na taglay ng Ying wolf." Sabi niya kaya natigilan ako at naalala ang sinabi sa akin ni Van tungkol sa Ying yang wolf.

"Sa dinami rami ng pwedeng magkaruon ng taglay na lakas ng ying wolf, ikaw pa talaga ang napili para makuha ang lakas na yan." Sabi niya at biglang nag seryoso ang mukha niya.

"Naiinggit ako sa totoo lang." dagdag niya saka lumapit sa akin.

"Ikaw na nga ang mahal ni Lit, sayo pa napunta ang kapangyarihan ng Ying wolf." Sabi niya kaya natawa ako.

"Bampira ka Franco, kaya bakit mo aasahan na mapunta sayo ang kapangyarihan na kagaya ng meron sa akin?" Tanong ko natawa siya saka pumalakpak.

"Exactly!" Sigaw niya habang hindi naalis sa labi niya ang mapaglarong ngiti.

"Kaya nga narito ang kaibigan kong doctor para tulungan ako na maging werewolf." Sabi niya dahilan para kumunot ang nuo ko, nababaliw na ata sya, isa syang pure vampire na gustong maging werewolf, sa tulong ng kaibigan nyang doctor? anong kasiguraduhan na matutulungan siya nito at magiging matagumpay ang plano niya?

"Ang ambisyon mo na iyan ay isang malaking kalokohan, Franco." sabi ko kaya unti unting nawala ang ngiti sa labi niya.

"Nais mong maging isang  werewolf, gayon na isa kang bampira? anong kasiguraduhan na matutulungan ka ng kaibigan mo?" tanong ko dahilan para lumapit siya sa akin at suntukin ako ng malakas dahilan para mapadaing ako.

"Panira ka talaga, Von. Kahit noong nasa vampire high tayo talagang panira  ka na."Sabi nya habang nakatingin sa akin ng masama.

"Sinasabi ko lamang ang totoo, dahil baka nakakalimutan mo na walang kahit anong gamit o bagay sa mundo ang makakagawa sayo ng ambisyon mo, tanggapin mo nalamang kung sino ka at kung ano ang kakayahan mo." Sabi ko dahilan para matawa siya at umiling.

"Hindi Von, nag kakamali ka." Sabi niya habang nag sisimula na namang umukit sa  kanyang labi ang mapaglarong ngiti. At nag tungo sa tabi ng machine na pinapagana ng kaibigan  niyang doctor.

"Sapagkat nasa tabi ko ang syang mag bibigay daan sa pangarap ko." Sabi niya saka tumingin sa machine na nasa tabi.

"Ito ang syang mismong mag bibigay daan para sa matagumpay na pagtupad sa pangarap ko Von." Sabi niya saka ngumiti sa akin.

"Pag natupad ko na ang nais ko maari na kitang pabayaan na makasama si Lit." Sabi niya habang may kakaibang ngiti sa labi.

"Sa kabilang buhay nga lang." Dagdag niya, tinitigan ko siya ng masama. "At least makokompleto na ang pamilya mo sa kabilang buhay, makakasama niyo na si Yezrah." Sabi niya kaya mas lalong sumiklab sa aking dibdib ang galit nang banggitin niya ang pangalan ng anak ko.

Muli ko na naman naalala kung paanong nakita ko si Yezrah na wala nang buhay, at kung paanong gumawa siya ng isang pekeng ala-ala para mapapunta ako dito sa Bermuda at mahulog sa patibong niya.

Isa nga siyang tuso, ngunit ang pgiging tuso niya mismo ang mag lalagay sa kapahamakan.

Ngumisi ako habang nakatingin sa kanya.

"Ang aparato na nasa katawan mo ngayon ang siyang mag bibigay daan nang saganon ay mapasa sa akin ang kapangyarihan mo, Von." Sabi niya saka hinawakan ang ilang aparato na nasa tabi niya.

"At dito dadaan ang lakas na meron ka papunta sa katawan ko, hanggang sa makuha ko lahat ng kapangyarihan mo at ako na ang magiging ying wolf," Dagdag niya habang may ngisi sa labi niya.

"Pag nangyare iyon, tatlong minuto bago sumapit ang eclipse ay sigurado akong mag tatransform ako bilang isang wolf, kagaya ng mga ginagawa niyo ni Van." Sabi niya.

"Baliw ka na." Sabi ko kaya natawa siya.

"Alam ko, at matagal na Von." Sagot niya saka huminga ng malalim at lumapit sa akin.

"Dapat mag pasalamat ka nalamang sa akin dahil sa pamamaraan na naisip ko ay mabubuo ang pamilya niyo ni Lit, hindi ba't iyon ang nais ninyong mangyare? Ang mabuo ang pamilya niyo at mamuhay kayo nang mapayapa at tahimik?" Tanong niya saka pinag cross ang kanyang braso.

"Ito na iyon Von, ibibigay ko na ang kapayapaan na ninanais ninyo ni Lit." Sabi niya kaya natawa ako.

"Kahit anong gawin mo sa sarili  mo, Franco isa ka paring bampira na nag aasam na maging isang werewolf, ganyan ka ba kadisperado na lagpasan ako? Kaya pati ang lakas ko nais mo naring makuha?" Tanong ko habang nakangisi sa kanya.

Nakita ko na mabilis na kumunot ang kanyang nuo simbolo na naasar siya sa sinabi ko.

Kahit kailan ay napaka asar talo niya, kaya hindi ko na iisipin pa kung bakit madaming may ayaw sa kanya.

"Sabihin mo na anmg lahat ng nais mong sabihin, Von, dahil maya-maya lang ay nasisigurado ko na mawawala lahat ng lakas mo para makapag salita." Sabi niya saka tumingin sa doctor na kaibigan niya at saka sumenyas.

Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa taas at nakitang sampong minuto nalamang ay magaganap na ang eclipse.

Muli kong binalik ang aking paningin kay Franco na ngayon ay sinisimulan nang lagyan ng kaibigan niyang doctor ng  mga aparato sa katawan.

Kung totoo nga ang sinasabi nila Leona sa akin tungkol sa ying wolf, ilang minuto mula ngayon ay malamang mag tatransform na ako.

~~~
Tweet  me @redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon