Chapter 8: A night

249 9 0
                                    

A night.

~~~~

Von POV

Tumambay ako sa rooftop ng hotel para uminom ng beer. Dismayado parin ako na hindi ko nakita si Lit kanina sa Bahay nila. Akala ko kasi ay makikita ko siya agad don.

Napa buntong hininga ako, bakit ba ang tagal bumalik sa akin ni Lit? Ang sabi niya ay after 5 years ay mag kikita kami at pag nag kita kami ay pag paplanuhan na namin ang kasal namin.

Miss na miss ko na siya, sobra.

"Von." Lumingon ako sa tumawag sakin. Si Aphrodite.
Ngumiti siya at lumapit sa akin.

"Bakit gising ka pa?"tanong ko. Akala ko kasi ay tulog na siya kaya hindi ko siya inalok na samahan ako uminom dito.

"Hindi ako makatulog."sagot niya at umupo sa tabi ko.

"Dapat ay pinilit mong matulog, siguradong napagod ka ngayung araw."sabi ko habang naka tingin sa harap ko.

Hindi siya sumagot kaya natahimik ang paligid.

"Ikaw ba, bakit umiinom ka dito mag isa?"tanong niya.

"Trip ko lang."sagot ko at kinuha ang isang beer saka inalok sa kanya. Tumanggi siya.

Tumingin siya sa kalangitan habang naka ngiti.

"Ang swerte niya."biglang sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya. Naka ngiti siya habang naka tingin sa langit pero halata sa mga mata niya na nasasaktan siya.

Natali lang akong tahimik dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Ano nga palang gagawin mo pag nakita na natin siya?"tanong niya at lumingon sa akin.

Nag iwas ako ng tingin.

"Madami."sagot ko at napa ngiti.

"Una yayakapin ko siya ng mahigpit. Pangalawa, hahalikan ko siya sa labi niya at pangatlo, pag uusapan namin ang kasal namin."dagdag ko. Hindi siya sumagot kaya napa tingin ako sa kanya. Halata sa mga mata niya na nasasaktan siya.

Ngumiti siya sa akin at halatang pilit yun.

"Mahal na mahal mo talaga siya no?"tanong niya. Tumango ako.

"Bakit ba kayo nagka hiwalay?"tanong niya. Nakatingin lang ako sa mukha niya, binabasa ko kung masukista ba talaga siya kasi kahit na alam niyang masasaktan siya ay tanong parin siya ng tanong ng mga bagay na ikakasakit niya.

"Five years ago, matapos ang kaguluhan na naganap kila Clementine at Fin, unang lumabas si Creed para ipagamot si Clementine. Tapos sumunod kami ni Van kay Creed para tulungan siyang ipagamot si Clementine. Bago ako umalis non, nag paalam siya sakin na pagka labas na pagkalabas niya ng Vampire high ay Uuwi muna siya sa pamilya niya dahil miss na miss niya na sila. Nangako din siya na babalik siya sakin pero hanggang ngayun, wala parin siya."kwento ko. Mahabang katahimikan ang bumalot sa paligid.

"Bakit mo naisipang hanapin siya?"tanong niya habang naka tingin sa harap.

Ininum ko muna ang alak na hawak ko saka siya sinagot.

"Yung niregalo niyang orasan sakin, tumigil ang kamay sa pag galaw." Sagot ko. Tumingin siya sa akin.

"Ang sabi nya, kapag tumigil ang kamay non. May iba nang nag papasaya sa kanya."dagdag ko, nanikip ang dibdib ko ng maalala ko ang orasan na tumigil ang kamay sa pag galaw. Hindi ko maiwasang isipin na baka masaya na siya sa iba ngayun at nakalimutan ako.

"Paano nga kung may iba nang nag papasaya sa kanya, anong gagawin mo?" Lumingon ako kay Aphrodite dahil sa tanong niya.

Ano nga ba ang gagawin ko?

Hindi ako makasagot. Napalunok lang ako at nag isip. Ano ba ang gagawin ko kung sakaling totoo nga yun?

"Hindi ko alam." Sagot ko at tumingin sa langit.

"Sigurado ako na, kapag nakita ka niya. Matutuwa siya at maiiyak dahil muli ka niyang nakita." Napatingin ako kay Aphrodite.

"Diba nakikita mo kung ano ang mangyayare sa hinaharap?"tanong ko. Lumingon siya sa akin at tumango bilang sagot.

"Nakikita mo ba na bukas ay makikita natin si Lit?"tanong ko. Tumingin lang siya sa mukha ko na para bang sumasagot siya gamit ang isip niya. Gusto kong basahin ang isip niya pero hindi ko magawa. Hinaharangan niya.

"Hindi." Sagot niya.

"Hindi ko makita ang mangyayare bukas." Dagdag niya at tumayo.

"Malalim na ang gabi, matutulog na ako."sabi niya at tumalikod.

"Aphrodite." Tawag ko kaya napa tigil siya sa pag lalakad at nanatiling naka talikod sakin.

"Bakit sinasaktan mo ang sarili mo sa ganitong paraan?" Tanong ko. Hindi siya sumagot.

Humarap siya sa akin at nakita ko ang pag ngiti niya.

"Kasama sa pag mamahal ang masaktan."sagot niya at napa kamot sa ulo niya.

"Hinahayaan ko nalang ang sarili ko na mahalin ka at masaktan hanggang sa mapagod at mag sawa ako." Dagdag niya dahilan para mapalunok ako.

"Siguro pag pagod na ako, titigil din ako."sabi niya at ngumiti.

"Matutulog na ako Von. Bukas nalang." Pagkasabi niya non ay tumakbo na siya paalis ng rooftop. Naiwan akong mag isa na naka upo dito habang naka tingin sa daang dinaanan niya.

Ininom ko ang hawak kong beer saka nilipat ang paningin ko sa langit.

Hindi ko gustong makasakit, wala akong balak na makasakit. Hindi ko ginustong saktan si Aphrodite.

Huminga ako ng malalim at napa pikit.

"Kung pwede lang bumalik sa dati ang lahat, iiwasan kong makilala si Aphrodite, nang sa ganon ay hindi siya masaktan gaya ng nangyayare sa kanya ngayun." Bulong ko sa sarili ko at muling uminom ng Beer.

Tumayo ako at lumapit sa railings ng Rooftop saka tinignan ang mga ilaw na galing sa ibang building at kalsada.

"Nasaan ka ba Lit? Nahihirapan akong isipin na baka nga masaya ka na sa iba at kinalimutan ako." Bulong ko at napa yuko.

Ang tagal tagal ko na siyang hinihintay, kailan pa ba kita makikita, Mon Amour.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon