Von POV
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko kay Van ng maiupo ko siya sa kama niya, tumango siya sa akin bilang sagot habang habol parin ang hininga niya.
Sa totoo lang, hindi ko talaga alam ang nagyare, ang huli kong natatandaan ay nakatingin lamang ako sa larawan ni Yezrah.
"Ano bang... ano ba ang totoong nangyare?" Tanong ko, tumingin siya sa akin saka huminga ng malalim at ngumiti sa akin.
"Nag sleep walking ka nga." Sabi niya, alam ko na nag sisinugaling siya dahil kilala ko ang kakambal ko, namumula ang tenga niya sa tuwing nag sisinungaling siya.
"Huwag ka na mag sinungaling Von, sabihin mo na sa akin ang totoong nangyare." Sabi ko, huminga siya ng malalim saka sumenyas na umupo ako sa tabi niya.
"Von, alam ko na nahihirapan ka sa sitwasyon mo dahil nawala ang anak mo." Sabi niya, bigla tuloy akong natigilan at lumingon sa ibang dereksyon. Sa totoo lang, hindi ko parin matanggap na wala na si Yezrah. Sumabay pa na nawawala si Lit ngayon, gusto kong hanapin si Lit pero nawala yung lakas ko at parang tinamad na ako na kumilos simula ng mawala ang anak ko.
"Pinipilit ko naman na ibalik ang dating sigla ko Van." Sabi ko.
"Alam ko, pero Von, Wala kang ibang ginawa buong araw kundi ng tumulala at mag kulong sa kwarto mo. Ni hindi mo narin kami nakakasabay kumain." Sabi niya, hindi ako sumagot dahil tama naman ang mga sinabi niya.
"Ayaw ko na nakakain ka ng lungkot mo Von, ayaw ko na kinukulong mo ang sarili mo sa madilim na nakaraan Von." Dagdag niya.
"Hindi ko naman alam ang gagawin ko." Sabi ko.
"Pwede kang sumama sa akin sa mga lakad ko, o simulang haapin ulit si Lit." Sabi niya. "Hindi ba't gusto mong makasama si Lit? Iyon nga ang dahilan mo kung bakit ayaw mong mag pakasal kay Cleopatra at ayaw mo kay Aphrodite dahil si Lit lang ang gusto mo." Sabi niya. Tinignan ko siya.
Tama siya. Pero paano ko gagawin ang mga bagay na iyon kung wala akong lakas?
"Sa totoo lang, mas gugustuhin ko muna na magkulong sa kwarto ko kesa sa lumabas." Sabi ko.
"Von, sa ginagawa mo hindi ka talaga makaka move on niyan." Sabi niya. "Gusto mo ba hanapin natin si Lit? sasamahan kita. Para naman mawala ang lungkot mo." Sabi niya, umiling ako.
Huminga siya ng malalim saka umiwas ng tingin.
"Sa totoo lang, natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyare sayo Von." Sabi niya.
"Wala namang mangyayare sa akin Van." Sabi ko, lumingon siya sa akin muli saka tinitigan ang mga mata ko.
"Hindi ko talaga alam kung paano ako mag tatago ng sekreto sayo." Sabi niya. "May sinabi sa amin si Leona kanina tungkol sa Ying yang wolf." Sabi niya. "Sinasabi ni Leona na isa tayong Ying yang wolf, ikaw daw ang Ying wolf at ako raw ang Yang wolf." Sabi niya kaya nakuha niya ang atensyon ko.
"Hinddi ko rin maintindihan noong umpisa ang mga pinag sasabi ni Leona dahil unang beses ko lang naman marinig sa kanya ang tungkol doon, o baka narinig ko na siya kaso nakalimutan ko lang ang ibig sabihin." Kwento niya.
"Sinasabi ni Leona na maaari kang makapanakit sa oras na nag transform ka bilang isang Ying wolf. Sinuportahan pa siya ni Cleopatra kanina at sinabi na maaring pati kaming mga kapatid mo ay hindi mo makilala sa oras na nakapag transform ka bilang isang Ying wolf." Dagdag niya.
Nanatili akong tahimik at nakikinig sa kaya, pati ako sa totoo lang ay hindi ko maunawaan ang mga sinasabi niya.
"Sabi ni Cleopatra sa oras ng eclipse naka takda tayong mag bago ng anyo bilang mga Ying yang wolf sa oras na hindi mo napigilan ang sarili mo na mag palamon sa lungkot at galit." Sabi niya, huminga siya ng malalim saka tumayo mula sa kinauupuan niya.
Umupo siya sa harap ko saka tumingin sa akin ng seryoso.
"Ang sabi pa ni Leona kanina ay ako lang daw ang makakapigil sa iyo sa oras na mag transform tayo bilang ying yang wolf." Dagdag niya.
"Sa mga sinasabi mo Van, imposible na mangyare iyan dahil matagal naman ng wala ang mga ying yang wolf." Sabi ko.
"Von, ayaw ko mang maniwala sa mga sinabi nila kanina pero..." Natigilan siya at seryosong tumingin sa mga mata ko.
"Pero ano?" Tanong ko.
"Natuklasan ko mismo kung paano ka lamunin ng galit mo kanina." Sabi niya kaya natahimik ako.
"Ang totoo niyan ay hindi ka talaga ng sleep walking kanina. Naging agresibo ka at hindi mo ako natandaan kanina kaya nasakal mo ako." Sabi niya dahilan para pilitin ko ang sarili ko na alalahanin ang mga naganap kanina.
"Doon palang Von masasabi ko na na tama sila Leona at Cleopatra." Sabi niya. "Kitang kita ko mismo ang galit sa mga mata mo, kung paano mo ako sakalin kanina." Dagdag niya.
Umiwas ako ng tingin.
"Pasensya na." Sabi ko.
"Von, huwag kang humingi sa akin ng pasensya." Sabi niya. " Ang gawin mo ay libangin mo ang sarili mo na huwag mag palamon sa galit at lungkot na nararamdaman mo, kasi hindi naman ito para sa akin Von, kundi para rin ito sayo at sa mga kapatid natin." Sabi niya kaya tumingin ako sa kanya muli. "Lalo na kay Yezrah." Dagdag niya.
Tila napunit ang puso ko dahil sa pag banggit niya sa pangalan ni Yezrah.
"Isipin mo nalamang kung nandito si Yezrah, ano ang gagawin siya sa mga oras na malungkot ka?" Tanong niya. Bigla akong napangiti ng maalala ko kung paano ako lambigin ni Yezrah sa tuwing malungkot ako, kung paano niya ako yakapin at bigyan ng munting halik sa pisngi sa tuwing galit ako.
Biglang nanumbalik sa aking ala-ala ang mga ginagawang panlalambing ni Yezrah sa akin.
"Isipin mo ang mga magagandang ala-ala sayo ni Yezrah, Von. Isipin mo kung paano ka niya lambingin."
Unti unting nawala ang ngiti sa labi ko at dahan dahang namuo ang luha sa mga mata ko ng maalala ko kung paano sabihin ni Yezrah sa akin ang salitang 'I love you tito Daddy.'
'Von.." Tumingin ako kay Van na nakatingin sa akin at nag aalala.
"Pasensya na." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. "Pasensya na ngunit halos lahat ng ala-ala ko kay Yezrah ay nagagawa akong maging emosyonal." Sabi ko saka pinigilan ang luha ko.
"Von..."
"Mahirap para sa akin na saglit ko lamang nakasama ang anak ko, na saglit na panahon lamang ang ibinigay sa akin upang makasama ko siya." Sabi ko. saka tumingin kay Van.
"Alam kong maiintindihan mo ako sa oras na magkaruon ka ng anak." Dagdag ko saka tumayo mula sa aking kinauupuan.
"Babalik na ako sa kwarto ko, pasensya na kung nasaktan kita." Sabi ko saka lumabas sa kwarto ni Van.
Akmang papasok na ako sa aking kwarto ng maaninag ko ang anino ng babae sa hagdan, nakatayo siya doon at nakatalikod sa akin.
"Von." Rinig kong tawag ni Van sa akin dahilan para biglang lumingon sa gawi ko ang babaeng nakatalikod.
"Lit..."
~~~
Tweet me redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

YOU ARE READING
Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)
WerewolfVaughn Series 4 VON FLOYD VAUGHN Half Vampire and Half Werewolf, meet Von Vaughn. The twin brother of Van Vaughn. He is waiting for someone to come back when he suddenly met Aphrodite.