Von POV
"Alagaan mo ang anak natin Von.... Babalik ako pag ayus na ang lahat."
Napa pikit ako ng maalala ang huling salitang binitawan ni Lit bago niya ako iwan.
Tumingin ako sa madilim na kalangitan na puno ng mga bituin, kitang kita ko kung paano dumaan ang isang shooting star.Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim.
Ginagawa namin ito ni Lit noon, pag may nakikita kaming shooting star ay pumipikit kami at sabay na humihiling.Ngayun, ako nalang mag isa ang gagawa nito.
"Hinihiling ko, na sana ay... Mabuo kaming tatlo."Dahan dahan kong minulat ang mata ko ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko, nilingon ko iyon at nakita si Yezrah. Napa ngiti ako ng makita siyang naka pikit habang naka tingala sa langit.
"Anong hiniling mo?"tanong ko ng buksan na niya ang kanyang mga mata.
Ngumiti siya at lumingon sa akin.
"Hiniling ko po na sana makita ko na po ang tunay kong ama." Sabi niya kaya napangiti ako sa loob ko. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya na ako ang hinahanap niya, gusto ko si Lit ang mag sabi sa kanya kahit na alam kong malabo.
"Saka hiniling ko din po na sana umuwi na si Mommy." Sabi niya kaya napa iwas ako ng tingin.
"Saan po pala kayo galing Tito Daddy?"tanong niya. Ngumiti ako sa kanya at lumapit sa kanya saka siya inakbayan saka tumingin sa harap.
"Pinuntahan ko ang mommy mo." Sagot ko kaya nanlaki ang mata niya na para bang natuwa siya sa sinabi ko.
"Talaga po? Nakita niyo po si Mommy? Uuwi na po ba sya? Kamusta daw po siya? Na miss niya po ba ako? Nasaan po siya? Ano pong ginagawa niya doon?" Sunod sunod niyang tanong kaya naman natawa ako.
Ang cute niya, parehas sila ni Lit pag excited sila.
"Oo nakita ko ang mommy mo, ang sabi niya miss ka na daw niya at alam mo ba sabi niya maging good girl ka daw kasi dito ka daw muna sa amin titira habang wala siya. Ang sabi niya pa pag balik niya may pasalubong siya sayo." Naka ngiting sabi ko sa kanya. Halos matunaw ang puso ko ng makita kong mangiyak ngiyak siya.
"Miss ko na po si Mommy." Naiiyak niyang sabi at bigla akong niyakap. "Dapat po sinama niyo ako para po makita ko si Mommy." Sabi niya habang yakap ako.
Niyakap ko siya pabalik at huminga ng malalim.
"Bawal pa ang bata doon eh."pag dadahilan ko.
"Pero sabi niya miss ka na din niya at malapit na siyang umuwi." Pag sisinungaling ko saka kumalas sa yakap at pinunasan ang luha niya.
"Kaya wag ka na malungkot kasi malapit na umuwi si Mommy." Naka ngiti kong sabi saka kumunot ang nuo ko. "Teka nga, bakit hindi ka pa natutulog ha? Nasaan na si Tita Aphrodite?"tanong ko. Natawa siya saka nag pout.
"Pinapatulog ka na ni Tita Aphrodite kanina diba?"tanong ko.
"Siya po ang nakatulog eh. Napagod po ata siya ngayung araw kakabantay sa akin." Sabi niya kaya napa ngiti ako.
"Alam niyo po ba, ang bait bait po ni Tita Mommy. Nong wala po kayo lagi niya po akong binabantayan at pinag luluto. Tapos po alam niyo po ba nag shopping po kami nong isang araw. Tapos lagi po kaming nag lalaro ng tea party. Bago po siya umalis sinisigurado niya po na tulog na ako tapos tuwing umaga may naka luto na pong umagahan para sa akin." Mas lalo akong napangiti sa kinuwento ni Yezrah sa akin.
Talagang mapapagkatiwalaan si Aphrodite. Nakaka lungkot lang dahil hindi ko kayang ibigay sa kanya ang pag mamahal na binibigay niya sa akin at sa anak ko.

YOU ARE READING
Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)
WerewolfVaughn Series 4 VON FLOYD VAUGHN Half Vampire and Half Werewolf, meet Von Vaughn. The twin brother of Van Vaughn. He is waiting for someone to come back when he suddenly met Aphrodite.