Chapter 25: Franco

245 6 0
                                    

Franco

~~~

Cleopatra POV

Sinigurado ko muna na naka packing tape ang bibig nii Franco at naka tali ang mga kamay at paa niya bago ako umalis sa CR kung saan ko siya kinulong. Ginaya ko na ang itsura niya bago ko pa 'man siya iwan doon.

"Calling the attention of my future Wife." Napangiti ako ng marinig ang boses ni Van sa gadget na naka salpak sa tenga ko.

"Ano na naman bang kailangan mo?"Tanong ko.

"Tangina sino ito?" Napairap ako ng sabihin iyon ni Van.

"Future Wife mo po Mr. Van Vaughn." sabi ko at tumigil sa pag lalakad.

"Kelan pa naging lalaki ang boses ni Cleopatra? NANLALAKI KA BA HA?" Natawa ako sa sinabi niya.

"Gusto mong matulog sa labas mamaya?"Tanong ko.

"Hindi po master, ang panget naman kasi ng boses mo. Bakit naging lalaki na yan?"Tanong niya.

"Ginaya ko na si Franco."Bulong ko.

"AHH. Akala ko natuluyan ka na maging lalaki eh HAHAHAHA."Napairap ako. 

"Anong balita?"Tanong ko. Narinig ko ang malakas na pag tawa niya kasabay ang pagka hulog nng isang maingay na bagay.

"Van? Ayus ka lang? Ano yung nahulog?"Tanong ko.

"Ayus lang ako! Hindi naman ako nahulog." Nakahinga ako ng maayus ng sabihin niya yun.

"By the way, may nakita akong isang bagay na sure akong ikakagulat ni Von." Sabi nya kaya napakunot ang nuo ko.

"Makukuha mo ba ng hindi nila napapansin na nawawala yan?"Tanong ko. 

"Oo, medyo luma na kasi 'to saka isa pa,parang nakalimutan na ata ito dito." Sabi niya kaya napangiti ako.

"Ano na ang gagawin mo ngayun?"Tanong ko at nag simula na naman mag lakad para hanapin si Von.

"Nag lagay ako ng hidden mic at camera sa kwarto nila, pauwi na ko sa room naten." Sabi niya kaya tumango tango ako.

"Ibababa ko na muna itong tawag. Jan nalang tayo mag kitang tatlo, pupuntahan ko na si Lit."sabi ko.

"Okay, I love you. Wag mo ko pag papalit sa babaeng yan." Natawa ako sa sinabi niya.

"I love you too." Sabi ko at nag lakad ng normal sa gawi ni Lit na nag iisa lamang sa mesa namin. Nasaan na si Von?

"Hey, sorry napatagal ata ako."sabi ko at umupo sa tabi ni Lit. Tumingin siya sa akin, halata sa mata niya na umiyak siya.

"Okay ka lang ba? Bakit parang--"

"Pakawalan mo na ako Franco."natigilan ako sa sinabi niya, tama nga ang hinala ko.

"Hindi ako mag susumbong sa mga police o kanino man. Hayaan mo na lamang kami ng anak ko." Umiiyak niyang sabi.

Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ko inaasahan na ganito ang sasabihin ni Lit sa akin.

"Tumigil ka na Lit." Madiin kong sabi, para hindi ma halata na hindi ako si Franco. Ramdam ko na sa bawat pag patak ng luha niya ay nasasaktan sya kung ganon tama nga ang hinala ko. Malamang ay may ginagawa si Franco na hindi maganda kay Lit.

"Bakit mo ba ginagawa sakin ito? Franco alam mo na si Von ang gusto ko at hindi ikaw." Sabi niya kaya napangiti ako sa loob loob ko.

"Wag mo akong simulan Lit." Pag babanta ko para hindi niya mahalatang hindi ako si Franco.

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon