Chapter 48

155 5 0
                                        

Von POV

Dahil sa ikinuwento ni Lit, parang dinurog ang puso ko habang iniisip kung gaano kahirap ang pinag daanan niya noong mga panahong wala ako sa tabi niya.

Halos sapakin ko na ang sarili ko habang iniisip kung gaano kamiserable ang buhay ni Lit noon dahil sa mga ginawa ni Franco, kung paano niya pilitin si Lit, kung paano niya takotin si Lit at kung paano niya ilayo si Yezrah kay Lit.

Hindi ko akalain  na kayang gawin ni Franco ang lahat ng iyon, si Franco ang matalik kong kaibigan sa Vampire high, lagi ko siyang kasama sa tuwing hindi ko kasama sila Van o ang iba sa mga kapatid ko, hindi ko lubos akalain na ang inosenteng mukha ni Franco ang syang kabaliktaran ng kanyang ugali.

"Hinintay kita Von, at hanggang ngayon hinihintay parin kita." Umiiyak na sabi ni Lit sa akin, hindi ko alam kung saan ako mag sisimulang humingi ng tawad sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas upang mag salita, wala akong kwentang lalaki, dahil noong mga panahong kailangan niya ako ay wala ako sa tabi niya.

Mag isa nyang hinarap ang lahat at ngayon na nasa harap niya na ako pakiramdam ko ay mag isa niya paring hinaharap ang lahat.

"Sa totoo lang, ang laki ng tampo ko sayo dahil noong mga panahong kailangan kita..."Tumingin sya sa akin at nakita ko ang pagbuhos ng kanyang luha, agad kong kinabig ang kamay ko para punasan ang mga iyon. "Noong kailangan kita ay wala ka, pero naiintindihan ko dahil gusto mong tulongan ang kapatid mo, naiintindihan ko dahil para rin iyon sa kapakanan ni Clementine." Sabi niya dahilan para maalala ko ang dahilan kung bakit kinailangan kong lumabas ng Vampire High at iwan siya mag isa. 

"Sorry..."Yan lang ang salitang nabitawan ko habang nakahawak sa kanyang pisngi at nakatitig sa kanyang malungkot na mga mata.

Ngumiti siya sa akin, isang ngiti na malungkot.

"Sorry... sorry... sorry..sorry...sorry..."

Bigla niya akong niyakap, naging dahilan ng tuloyang pagtulo ng aking mga luha, hindi ko lubos maisip ang mga pinagdaanan niya noong panahong kailangan niya ako ngunit ang inisip ko lang ay ang kapakanan ni Fin at Clementine.

Sa pagtulong ko na iyon ang syang pagkawala sa akin ni Lit at ng anak ko, kung noong mga panahong nasa tabi lang sana ako ni Lit ay siguro wala kaming problema ngayon. Hindi ko lubos maisip kung gaano nya hinarap ang mga pagsubok na iyon habang natatakot siya.

"Patawad Lit patawarin mo ako, hindi ko alam.. wala akong kwenta... patawad...hindi ko alam na ganon ang mangyayare saiyo, wala akong ideya na ganon ang kakaharapin mo... patawarin mo ako..." Umiiyak kong sabi habang yakap yakap siya.

"Walang araw na hindi kita pinatawad Von, hindi ako galit sayo at kahit kailan hinding hindi ako magagalit sayo, alam mo iyan." Umiiyak niyang sabi. "Kahit kailan hindi rin kita pinalitan at kahit kailan hindi ko naisip na itago sayo ang anak natin dahil alam kong matutuwa ka sa oras na nalaman mong may anak na tayo." Sabi niya. "Hindi ko lang magawang sabihin sayo noon na siya ang anak natin dahil sa naririnig tayo ni Franco, kung alam mo lang kung gaano ko kagustong sabihin sayo na anak natin siya Von. Ni minsan rin ay hindi kita pinaglaruan, kung iniisip mo na pinaglalaruan ko ang nararamdaman mo, Von, nag kakamali ka. Dahil kung ano ang mga sinabi ko sayo noon tungkol sa kung gaano kita ka mahal ay totoo iyon." Paliwag niya dahilan para maalala ko ang ilang mga pagkakataon na sinasabi niya sa akin na mahal niya ako.

"Noong mga oras na sinasabi ko sayo na hindi kita mahal ay napilitan lamang akong sabihin dahil hawak ni Franco ang isip ko noon at naririnig ni Franco ang mga sinasabi ko kaya patawarin mo ako kung naisip mo na pinag lalaruan lamang kita." Sabi niya, umiling ako saka iniharap siya sa akin.

"Hindi Lit, ako ang patawarin mo dahil naisip ko ang mga bagay na iyon, tama nga si Leana. Siguro ay may dahilan kung bakit mo ginagawa ang mga bagay na iyon at ngayon nalaman ko na ang mga dahilan na iyon." Sabi ko, ngumiti sya sa akin saka pinunasan ang luhang tumulo sa aking mga mata.

"Mahal na mahal kita Von, kahit kailan ay hindi yun nag bago at hinding hindi iyon magbabago." Sabi niya dahilan para mapangiti ako.

Akmang hahalikan ko na si Lit ng may marinig kaming boses.

"Alam nyo, tama na muna iyan." napatingin kami sa nag salita, si Fin. "Kanina pa namin kayo naririnig ni Cleopatra, mawalang galang naman diba? bago kayo mag halikan isipin niyo muna kung paano natin makukuha ang anak niyo at kung paano magigising ang asawa ko at ang mga kapatid natin." Sabi ni Fin sa akin kaya natawa ako ganon rin si Lit at Cleopatra, natigil ako sa pag tawa ng may sumagi sa isip ko.

"Sya nga pala." Sabi ko saka humarap kay Cleopatra. "Naalala mo yung ginawa nating plano noon sa Bermuda kasama si Van? kung paano natin makukumpirma kung anak ko nga si Yezrah o hindi?" Tanong ko, kumunot ang nuo ni Cleopatra saka umiling.

"Anong sinasabi mo? una kong nakita si Lit sa mall noong akala niyo ay nawawala si Yezrah." Sabi niya kaya napatingin ako kay Lit. Huminga siya ng malalim saka tumingin sa akin.

"Inalis ni Franco ang ala-ala niya tungkol sa bagay na iyon dahil nalaman niya ang tungkol sa mga nangyare sa akin noon at nalaman ni Cleopatra kung paano ako pilitin ni Franco magpakasal." Sabi ni Lit kaya napatingin ako kay Cleopatra na nakakunot nuo. "Nahuli siya noon ni Franco at akmang papatayin na siya pero nag makaawa ako sa kanya na palampasin si Cleopatra, kapalit noon ang tuloyan kong paglayo kay Yezrah at sayo." Sabi niya kaya napatingin ako kay Lit, hinawakan ko ang kaliwang kamay niya kaya napangiti siya.

"Pero ngayon sawa na ako sa mga pinag gagawa ni Franco sa akin, sa pag kontrol niya sa akin at sa pamimilit sa akin." Sabi niya habang nakatingin siya sa akin. "Gusto kong mamuhay ng normal kasama ka at ang anak natin, gusto kong mamuhay ng masaya at malaya." Dagdag niya kaya hinalikan ko ang kaliwang kamay niya saka ngumiti sa kanya.

"Babawiin natin si Yezrah at mag sasama tayong tatlo bilang isang buong pamilya, pangako iyan." Sabi ko kaya ngumiti sya sa akin.

"So anong plano?"Tanong ni Fin. Tumingin ako kay Cleopatra at kay Lit.

"Alam ko na kung anong plano natin." Sabi ni Cleopatra kaya napangiti ako.

Sa oras na mabawi namin si Yezrah, pinapangako ko na magsasama kaming tatlo bilang isang masayang pamilya.

~~~

Tweet me redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Where stories live. Discover now