Chapter 58

130 6 0
                                        

Von POV

Palubog na ang araw ng ako ay bumalik sa tinutuluyan naming bahay ni Lit, tahimik akong pumasok sa pinto ng bahay, ramdam ko na agad ang presensya ni Lit na nag aabang sa sala.

Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya, gaya ng inaasahan ko ay nakatingin na siya sa akin at hinihintay ang paliwanag ko kung bakit ngayon lang ako nakauwi.

"Dumaan pa ko sa bakeshop at ilang shop para mamili." Sabi ko at pinakita ang mga dala ko, bago ako umuwi ay nag tungo ako sa ilang shops para mag uwi ng pasalubong para di halata kung saan ako galing.

Nakita kong nawala ang pag kunot sa kanyang nuo saka lumapit sa akin at niyakap ako.

"Na miss kita, ang tagal mong nawala."sabi niya habang yakap yakap ako, huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung bakit wala akong maramdamang excitement habang papauwi kanina, hindi maalis sa isip ko si Van.

"Para sayo ito."sabi ko at biniga sa kanya lahat ng dala ko, tumingin siya sa akin habang naka ngiti at nakangiting tinanggap ang alok ko.

"Thank you."sabi niya saka tumalikod sa akin at nag lakad patungo sa kusina. "Kumain ka na ba Von?"tanong niya habang inaayos ang dala ko, umupo ako sa sofa at umunat.

"Oo tapos na."sagot ko. Hindi ko alam kung paano ko hahanapan ng timing ang pag tanong sa kanya kung sino ba si Van, nais kong makumpirma kung totoo ba ang sinabi sa akin ng babae kanina bago ako umalis sa bahay na iyon, kung totoo bang itatanggi ni Lit na may kakambal ako o wala.

Hinintay ko na matapos si Lit sa kanyang ginagawa sa kusina, bumalik siya dito sa sala dala ang nakahiwang mga tinapay na binili ko kanina. Umupo siya sa tabi ko saka tumingin sa akin at ngumiti.

"Hinintay pa naman kita para sana sabay tayo kumain, naka kain ka na pala."sabi niya dahilam para makaramdam ako ng guilt sa sinabi ko. Ngumiti ako ng malumanay sa kanya.

"Bigla akong nagutom kanina, kaya naman dumaan muna ako sa isang fast food para kumain. Biglaan rin yun, pasensya na."sabi ko, umiling siya saka ngumiti at sinubuan ako ng tinapay, habang ngumunguya ako ay iniisip ko na kung paano ko ba siya tatanongin.

"Lit, may itatanong sana ako." Sabi ko matapos kong lunukin ang isinubo niya sa aking tinapay.

"Ano iyon?"tanong niya at sumubo rin ng tinapay, napalunok muna ako ulit bago tuluyang tanongin siya tungkol sa bagay na iyon.

"May kakambal  ba ako?"tanong ko dahilan para bigla siyang maubo, agad akong naalarma dahil baka nabulunan siya sa sinabi ko, agad kong inabot sa kanya ang tubig at hinintay na maging ayos siya.

Tumingin siya sa akin, namumutla siya at kinakabahan.

"Bakit mo naman naitanong ang bagay na iyan Von?"tanong niya, napalunok ako muli.

"Meron akong napapanaginipang mga bagay, isang lalako na kamukha ko at tinatawag kong Van."pag sisinungaling ko, natawa siya at umiwas ng tingin.

"Von wala kang kakambal, sa pag kakaalam ko ay ikaw lamang ang nag iisang anak nila tito."sabi niya dahilan para maalala ko ang sinabi sa akin ng babae kanina.

"Sa tingin ko ay malakas na ebidensya ito para patunayan na kami ang tunay mong pamilya Von, ang kakambal mo ang isa sa mga maaari naming gawing katibayan." Napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko.

"Bakit hindi sinabi sa akin ni Lit ang tungkol dito?"tanong ko, huminga siya ng malalim.

"Von, dahil ang Lit na kasama mo ay huwad, ako ang tunay na Lit Von, at sa tingin ko kaya hindi niya ipinapaalam sa iyo ang totoo iyon ay dahil alam niya na hindi siya kakampihan ng mga kapatid mo." Sabi niya.

Napalunok ako at muling napatingin kay Van.

"Bukod sa inyo ni Van, may kambal pa kayong kapatid na babae, sila Leana at Leona. At kung pag sasama samahin kayong apat, sigurado ako na sigawan na naman ang magaganap sa loob ng bahay na ito." Natatawa niyang kwento, hindi ko alam kung bakit ako napangiti sa sinabi niya na iyon.

"Madalas nyong kinakalaban ni Von ang dalawang kambal na minsan nagiging dahilan sa pagkasira ng ilang gamit dito sa bahay, minsan pa ay sinusumpa kayo ng dalawa para maging palaka." Kwento niya kaya napatingin ako sa kanya, kung pag mamasdan ay tila marami siyang nalalaman tungkol sa akin.

Totoo kaya na siya si Lit? Pero imposible na ang kasama ko ngayon ay isang huwad na Lit.

"Alam mo ba noong unang araw na nakita ko kayong mag kakambal sa Vampire high, doon palang alam ko na namalalim ang relasyon niyong dalawa, dahil bukod sa  magkamukha kayo ay parehas rin kayo ng trip sa buhay." Sabi niya kaya napatingin naman ako kay Van na walang malay.

"Eh ikaw, paano kita nakilala?" Tanong ko at muling napatingin sa kanya, ngumiti siya sa akin habang hindi inaalis ang titig sa akin.

"Nakilala mo ako dahil kay Clementine, yung asawa ni Fin, ang bunso mong kapatid. Kaibigan ko si Clementine noon sa Vampire high at siya ang lagi kong kasama, unang beeses na kinausap mo ako noon ay nong nasa game tayo ng National Vampire High, kung saan tayong dalawa lang ang nasa loob ng kweba noon." kwento niya.

Napalunok ako habang pinagmamasdan si Lit na nasa tabi ko ngayon.

"Lit, paano mo ako nakilala?"Tanong ko, muli siyang tumingin sa akin at ngumiti.

"Von, hindi ba't mag kababata tayo, lumaki tayo sa bayan kasama si Franco, pati rin ba yun ay hindi mo naaalala?" Tanong niya kaya natigilan ako, sa pagkakataon na ito parang malinaw na sa akin kung sino ang nag sasabi ng totoo sa pakitan ni Lit na kasama ko at sa Lit na lumapit sa akin sa dalampasigan.

"Sinabi sa akin ni Van noon na sobrang strikto daw sa inyo ng ama niyo kaya pinag enroll niya kayo sa Vampire High para hindi kayo makalabas sa bayan, tapos kayo naman ni Van naging bully naman kayo kasi lagi kayong binubully ng dalawang mag kambal na sila Leana at Leona."

Malinaw na sa akin kung sino ang tunay na Lit...


"Hindi ba bawal tayo lumabas Von?"
"Bakit ba ayaw mo sa babae? grabe bakla ka ba?"
"Hoy Von, si Lit palang ang unang nilapitan mong babae dito sa Vampire High, crush mo 'no?"
"Yieee Umiibig na si Von!"

Ang ilan sa mga ala-ala na nakita ko ng hawakan ko si Van ay  nabanggit ni Van na si Lit ang kauna-unahang babaeng nilapitan ko sa Vampire High, ibig sabihin huwad nga ang Lit na kasama ko ngayon.

~~~

Tweet me redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Where stories live. Discover now