Lit POV
Nakangiti akong lumabas sa banyo at muling nag tungo sa tabi ni Von, dama ko ang kakaibang katahimikan sa pagitan ng magkakapatid na Vaughn.
"Mas mabuting mag pahinga muna kayo ni Lit, Von." Napatingin ako kay Fin ng sabihin niya iyon.
"Tama si Fin, kami na muna ang bahala kay Yezrah kung sakaling magigising siya." Dagdag ni Creed.
Napalingon ako sa gawi ni Von na nakatingin sa kawalan, bumuntong hininga siya saka tumingin sa akin.
"Tama sila, kailangan nating mag paahinga kahit papaano." Sabi ni Von sa akin, ngumiti ako ng pilit sa kanya, nauna siyang tumayo at nagtungo sa master's bedroom, pinagmasdan ko ang kanyang likod habang siya ay papalayo sa akin.
"Samahan mo na siya doon, Lit." Tumingin ako sa nag salita, si Leona. Tumango ako sa kanya saka sumunod kay Von. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa master's bedroom. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Von na nakaupo sa kanyang kama at nakaharap sa akin, umiwas ako ng tingin ng tumingin siya sa akin.
"Sabi ni Leona, samahan daw kita dito." Sabi ko saka tuluyang pumasok sa loob ng master's bedroom, nagkaruon ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa, dama ko ang awkward na atmospera sa pagitan naming dalawa.
Huminga ako ng malalim saka pinakalma ang aking sarili, muli akong tumitig sa kanya, nakita kong hindi niya inaalis ang tingin niya sa akin kaya muli akong napaiwas ng tingin, sa mga oras na ito kakaiba ang kabog ng aking dibdib, hindi ko mawari kung kinakabahan ba ako o ano.
"Patawad." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya, hindi ko alam kung para saan iyon, muling nanumbalik sa akin ang nakita ko kay Von.
Tama nga na may gusto si Von kay Aphrodite.
Yumuko si Von kaya dahan dahan akong lumapit sa tabi niya at naupo.
Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso ngayong katabi ko na si Von.
"Hindi mo kailangang humingi ng tawad." Sabi ko habang nakatingin sa aking mga kamay. "Nauunawaan ko ang lahat Von, alam kong may mga pagkukulang ako na si Aphrodite ang nakapuna." Sabi ko, ramdam ko na tumitig siya sa akin.
"Hindi kita masisisi kung nagustohan mo siya." dagdag ko, unti unting nanikip ang aking dibdib dahil sa mga sinabi ko, ang totoo ay nagsisisi ako na nawalay ako kay Von, na nag padala ako sa takot na nararamdaman ko. Ang totoo ay sinisii ko ang sarili ko dahil huli na ang lahat. Kung kailan nakabalik na ako ang siya namang pagkawala ng nararamdaman sa akin ni Von.
"Ano bang sinasabi mo Lit?" Napalingon ako sa kanya dahil sa tanong niya.
"Inaakala mo ba talaga na gusto ko si Aphrodite?"Tanong niya, hindi ba't yun naman ang totoo dahil yun ang nakita ko at nararamdaman kong pakiramdam ni Von, noong araw na nawala si Aphrodite labis ang pagsisisi niya.
"Lit kaibigan ko lamang si Aphrodite, ni minsan hindi ako nagkagusto sa kanya, nalulungkot lamang ako na nawala na siya ng dahil sa akin." Paliwanag niya.
"Humihingi ako ng tawad dahil hindi ko naprotektahan ng maayos si Yezrah." Dagdag niya dahilan para mamuo ang luha sa aking mga mata.
"Lit, ang sinabi mo sa akin na magkakaruon ako ng nararamdaman para kay Aphrodite, ilang beses kong tinanong ang aking sarili kung talagang meron ba, at alam mo iisa lang ang laging sinasabi ng aking puso at nararamdaman na kahit may iba akong kasamang babae ikaw parin ang gusto ko, na hindi ko magagawang ipagpalit ka sa kahit sinong nilalang." Sabi niya dahilan para tumulo ang luha ko. Buong akala ko huli na ang lahat.
"Tahan na, wala kang dapat ikalungkot, dahil kahit kailan siguradong nasayo lang ang puso ko." Sabi niya at pinunasan ang aking mga luha dahilan para mas lalo akong maiyak, nakita ko ang ngti sa kanyang labi habang pinupunasan ang aking mga luha. Agad ko siyang niyakap at doon humagulgol.
"Tahan na Lit, alam mong ayaw ko na nakikita kitang umiiyak." Sabi niya at niyakap ako.
"Buong akala ko huli na ako." Sabi ko narinig ko ang mahinang pagtawa niya saka niya ako muling iniharap sa kanya at pinunasan ang mga luha ko.
"Kahit kailan hindi ka mahuhuli Lit, balewala lang ang paghahanap ko sayo kung magkakagusto ako sa iba." Sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata.
"Hindi ko hahayaan na masira ang pamilya natin, hindi ba't nangako rin ako na kapag naging maayos na ang lahat ay magsasama na tayong tatlo ni Yezrah." Sabi niya kaya parang bata akong tumango sa kanya bilang sagot.
"Tahan na Lit, ikaw lang ang mahal ko." Sabi niya kaya napatitig ako sa kanyang mga labi, agad ko siyang hinila palapit sa akin at hinalikan siya sa kanyang mga labi, sa wakas, muli kong nalasap ang kanyang labi, agad siyang tumugon sa aking halik hanggang sa unti-unti itong lumalim, nag simulang mag gala ang kanyang mga kamay habang walang tigil rin ang pagtugon niya saa aking mga halik.
"Von.."Napaungol ako ng hawakan niya ang aking dibdib at dahan dahan niya itong minasahe.
"Von.." Muli akong napaungol ng bumaba ang kanyaang halik sa aking leeg, napakagat ako sa aking labi ng dahan dahan niyang ipasok ang kanyang kamay sa damit ko.
"VON!" Agad kaming napahiwalay sa isa't isa ng biglang bumukas ang pinto ng master's bedroom at niluwa noon si Creed at Fin, agad kong inayos ang aking damit at buhok habang si Von naman ay hinarangan ako.
"Ano ba?!" inis na tanong ni Von.
"Si Yezrah." Sabi ni Fin kaya natigilan kami ni Von at nagkatitigan, agad kaming napatayo ni Von at nag teleport patungo sa kwarto kung saan naruruon si Yezrah.
"Nasaan si Yezrah?" Tanong ko ng makitang wala si Yezrah sa kwarto ni Von.
"Anong nangyare dito?" Tanong ni Von habang nakatingin sa kambal na sila Leona at Leana na walang malay.
"Hindi namin alam, pag pasok ni Creed dito para tanongin sana si Leona ay nakita niya nalang na wala ng malay ang dalawa habang si Yezrah naman ay wala sa higaan." Sabi ni Rizden.
Napatigil ako at mukhang alam ko na kung sino ang may gawa, si Franco. Pero may usapan kaming dalawa na magkikita kami bukas ng hating gabi.
Napatingin ako sa bulsa ko ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko,
Napalingon ako kay Von na kausap sila Creed at Fin habang si Rizden naman ay nakikinig sa kanila, agad kong kinuha ang cellphone ko at binasa ang natanggap na mensahe, mula ito kay Franco.
"Sa tingin mo ba ay papayag ako na may mangyare sa inyo ni Von? Mag kakapatayan muna kami bago ka niya magalaw Lit."
Sa ibaba noon ay may larawan ni Yezrah na walang malay.
Agad na dumaloy ang kaba sa aking dibdib at agad na itinago ang cellphone ko ng maramdaman ko na papalapit si Von asa akin.
"Ichecheck nila Creed ang CCTV kung anong nangyare dito." Sabi ni Von sa akin kaya agad akong tumango kahit na alam ko na kung ano ang nangyare dito.
~~~
Tweet me redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

YOU ARE READING
Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)
WerewolfVaughn Series 4 VON FLOYD VAUGHN Half Vampire and Half Werewolf, meet Von Vaughn. The twin brother of Van Vaughn. He is waiting for someone to come back when he suddenly met Aphrodite.