Chapter 31

193 7 0
                                    

Aphrodite POV

"What are you doing here ba?" Tanong ni Leana pag upo na pag upo ko palang sa sofa. Kanina ay nasa mart ako para bumili ng pagkain ng makita ko si Van, Kinuha ko na ang pagkakataon para ayain siyang lumabas bukas para makapag usap kaming dalawa. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya at sana ay tanggapin niya iyon.

Bigla ko ding nakita itong si Leana kanina na nag lalakad sa labas ng mart kaya naman ay iniwan ko si Van para habulin si Leana.

Matapos ang sagutan namin ni Lit kanina ay nakaramdam ako ng gutom kaya naruon ako sa mart. Balak ko na din sanang umuwi kanina kaso naisipan ko na kumain muna bago umuwi.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Leana, kung  sasabihin ko ba na narito ako dahil may tumawag sa akin o narito ako dahil susunduin ko siya.

"Hoi, are you listening to me ba?"

"Oo."sagot ko, umirap siya at umupo sa katapat kong upuan.

"So, Why are you here nga?"tanong niya.

"Kailangan ka ni Yezrah."sabi ko kaya naman kumunot ang nuo niya.

"What's with Yezrah?"tanong niya.

"Ang hirap i explain pero pinapasundo ka sakin ni Leona. Sobrang kailangan ka ni Yezrah dahil parang... Kinulam siya na ewan." Sabi ko kaya nanlaki ang mga mata nya.

"For real? Omigie, how's Von? Is He okay?"tanong niya. Tumango ako.

"Omigie, ughm... Let me ask my jowa first okay?"sabi niya. Tumango ako.

"Nakita ko si Van kanina, niyaya ko siyang mag kape bukas. Gusto ko din siyang makausap kaya may panahon ka pa para mag paalam sa boyfriend mo."sabi ko. Eh di sana all may boyfriend.

"That's good, by the way I'm going to make ayus your room muna. If you want to eat just go there." Sabi nya at tinuro ang Kusina.

"May Food naman a fridge, eat all you want but don't eat my steak okay?"sabi niya at tumayo. Gaya ng sabi niya ay nag lakad ako papunta sa kusina para mag hanap ng makakain.

Napa tigil ako at napa hawak sa pader ng makaramdam ako ng hilo.

'room 666'

Parang eco ang bumulong sa akinh tenga. Napa pikit ako sa paulit ulit nitong pag bigkas. Isang tinig ng lalaki na may mala demonyong boses ang bumubulong.

Sino ba sya? Bakit niya tinuturo ang room number nila Lit?

'12 AM, Room 666'

Biglang nawala ang boses na bumubulong sa aking tenga ng hawakan ako ni Liana. Naka kunot ang nuo niyang naka tingin sa akin.

"Are you alright? Why are you screaming ba? Is there a ipis ba here?"tanong niya at nilibot ang paningin sa kusina. Hindi ako sumagot.

12 AM? Room 666, ano bang meron at bakit gustong gusto ng boses na iyon na mag tungo ako sa kwarto nila Lit?

Dahil sa nangyare ay nawalan ako ng ganang kumain, sinabi ko nalang kay Leana na biglang sumakit ang ulo at gusto ko nalang matulog.

11:58 PM ng mapag pasyahan kong bumangon at mag tungo sa labas ng room ni Leana.

Tahimik ang pasilyo ng hotel, may ilan akong nadadaanan na halimaw at staff ng hotel. Sa hindi ko alam na kadahilanan ay bigla nalamang akong nag tungo sa tapat ng elevator. Parang may kapangyarihan na kumokuntrol sa akin.

"What the fuck?" Sabi ko sa aking sarili ng kusang pinindot ang aking kamay ang button ng pang 69th floor. Pinilit kong igalaw ang katawan ko ngunit parang may naka tali sa aking katawan dahilan upang hindi ako maka kilos.

'Room 666'

"Sino ka ba?! Tama na!" Sigaw ko, napatingin ako sa gilid ng elevator at nakitang paakyat ng paakyat ng mabilis ang numero.

"Tama na please..." Bulong ko at pinikit ang mga mata ko. Kung sino'man ang halimaw na nakikipag laro sa akin sigurado akong malakas siya dahil nakakaya niyang kontrolin ang katawan ko.

"Natatakot ka na ba?" Napa hinto ako at nanigas sa kinagagalawan ko ng may marinig akong boses sa likod ko. Boses ng isang lalaki at sa palagay ko ay naka ngiti siya at masaya sa mga pinag gagagawa niya sa akin.

"Wala kang dapat ikatakot Aphrodite." Bulong niya sa tenga ko, tumaas ang mga balahibo ko  at dahan dahang pinag masdan ang reflection niya sa elevator,ngunit gaya ko ay wala siyang reflection. Isa din ba siyang bampira?

"Kaibigan mo ako, at handa kitang tulungan kung paano mapapasayo si Von." Napa lunok ako ng maramdaman ko ang matulis niyanh kuko sa leeg ko.

"S-sino ka ba?"tanong ko. Narinig ko ang pag tawa niya na mas mag padagdag ng kaba sa akin.

"Isa akong kaibigan Aphrodite." Sabi niya at inakbayan ako. Napatingin ako sa numero ng elevator at naka tigil iyon sa pang isang daang palapag ng hotel.

"A-ano bang kailangan mo sa akin?"tanong ko.

Narinig ko ang pag buntong hininga niya.

"Kanina pa kita inaantay kaso ang asawa ko ata ang nakita mo." Kumunot ang nuo ko sa sinabi niya.

Asawa niya?

Bigla kong naalala si Lit. Hindi kaya... Asawa ni Lit ang nag papunta sa akin?

Nanatili ang paningin ko sa ibaba, pilit kong pinapatatag ang loob ko at nilalabanan ang takot.

Nakita ko ang dalawang pares ng sapatos sa baba kung saan ako naka tingin. Dahan dahan kong inangat ang aking paningin at doon nakita ko ang isang lalaking matangkad, at kung tama ako ay isa syang Pure Vampire.

Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinalikan sa likod ng palad.

"Franco Aludiaz." Pakilala niya at ngumiti sa akin. Siya nga, siya nga ang asawa ni Lit.

"Nice to meet you, Aphrodite."

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure
Tiktok: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon