Chapter 45

85 2 0
                                    

Von POV

Isang masinsinang plano ang pinag iisipan naming tatlo ngayon, bigla tuloy nanumbalik sa akin ang aking ala-ala noon, kung paano kami nag plano nila Van at Cleopatra para malaman kung anak ko ba talaga si Yezrah o hindi. 
Ngayon si Fin naman ang kasama namin ni Cleopatra upang bumuo ng isang plano para makuha ang anak ko.

"Ang naisip ko ay patago tayong susugod sa bermuda saka natin patagong kukunin si Yezrah." Sabi ni Fin.

"Fin, ang problema nga ay hindi natin alam kung saang parte ng bermuda dinala ni Aphrodite si Yezrah." Sabi ko.

"Ang hindi ko naman talaga maintindihan ay kung bakit naman ginawa ni Aphrodite ang bagay na ito." Sabi ni Fin habang karga karga si Ozix.

"Kumain na muna kayo." Sabi ni Cleopatra saka inilapag sa mesa ang hinanda niyang pagkain.

"Titignan ko muna si Van saglit, mauna na kayo kumain." Sabi niya kaya tumango ako, pinanuod namin siyang umakyat sa hagdan bago kami mag simulang kumain ni Fin, karga ni Fin ang anak niya habang kumakain siya, kaya naman medyo nahihirapan siyang kumain dahil sa makulit si Ozix at inaagaw nito ang kutsara kay Fin.

"Akin na nga muna si Ozix, para naman makakain ka ng maayos." Sabi ko, tumingin sa akin si Fin saka kumunot ang kanyang nuo.

"Kawawa ka naman eh." Dagdag ko saka inagaw sa kanya si Ozix, nakita ko ang ngiti sa labi ni Fin bago siya sumubo ng pagkain, nilaro laro ko muna si Ozix habang hinihintay na matapos si Fin na kumain.

"VON!" Sabay kaming napatingin ni Fin sa hagdan ng makita namin si Cleopatra na dali daling bumababa sa hagdan at halatang kinakabahan.

"Bakit?" Tanong ko.

"Si Leana, nag iba ang kulay ng labi ni Leana." Sabi niya kaya dali dali akong nag teleport dala si Ozix papunta sa kwarto ko kung saan naruruon si Leana.

"Anong meron?" Tanong ni Fin na kakarating lang sa kwarto ko habang dala ang plato niya. Napatingin siya kay Leana at gaya ko ay nagulat siya sa kanyang nakita, Sobrang itim ng labi ni Leana at maging ang kuko niya ay nangingitim narin.

"Gusto ko rin sanang tignan si Leana kung okay na ba siya pero yan yung nakita ko." Sabi ni Cleopatra na kakapasok lang din sa kwarto ko.

"Si Clementine!" Agad naming sabi ni Fin at agad na nag teleport papunta sa kwarto nilang mag asawa. Nabitawan ni Fin ang hawak niyang plato ng makita niyang itim narin ang labi ni Clementine at ang mga kuko nito gaya ng kay Leana.

"CLEMENTINE!" sigaw ni Fin at inalog si Clementine para gising.

"Ang lamig nya." Sabi ni Fin at ano mang oras ay parang iiyak na siya dahil sa kalagayan ng kanyang asawa.

"Ano bang nangyayare?" nagugulohang tanong ko at walang magawa kundi ang tignan si Fin na gisingin ang asawa niya.

"Clementine! tangina yung magina ko." Umiiyak niyang sabi saka ko lang naalala na buntis nga pala si Clementine.

"Buntis si Clemetine?"Tanong ni Cleopatra.  "Yung bata.." Dagdag niya.

"Clementine gumising ka." Iniabot ko muna si Ozix kay Cleopatra saka kinuha ang cellphone ko at dinayal ang numero ni Aphrodite, akmang tatawagan ko na siya ng may makita akong kwagong dumapo sa bintana ng kwarto nila Fin at kinakatok nito ang bintana gamit ang bibig niya. 

Dahan dahan akong lumapit sa bintana para buksan ito, sa pagbukas ko ng bintana ang sya namang pag pasok ng kwago sa loob. Bigla itong nag palit ng anyo, si Lit.

"Lit." bulong ko, tumingin siya sa akin saka ngumiti bago tumingin kay Fin na ginigising ang  kanyang asawang si Clementine.

"Umi-epekto na ang lason na naamoy nila." Sabi niya saka nagmadaling lumapit kay Clementine na siya namang kinagulat ni Fin.

"Anong ginagawa mo rito?"Tanong ni Fin kay Lit, hindi siya pinansin ni Lit, kinapa ni Lit ang palapulsuhan ni Clementine.

"Humihina na ang pulso nya." Sabi niya saka tumingin sa amin. "Pahiram ng kutsilyo."Sabi niya.

"Hoy, anong gagawin mo sa kutsilyo?" Tanong ni Fin kay Lit.

"Kailangan matanggal ang lason sa katawan niya, humihina na ang pulso niya." Sabi ni Lit at lumingon sa akin.

"Von, kailangan ko ng kutsilyo." Sabi niya tumngo ako, narinig ko pa ang pag-angal ni Fin bago ako tuloyang mag teleport papunta sa kusina para kumuha ng kutsilyo, nang makakuha na ako ay agad akong nag teleport pabalik sa kwarto nila Fin dala ang kutsilyo na hinihingi ni Lit.

"Tangina anong gagawin mo?" Tanong ni Fin kay Lit, ibinigay ko kay Lit ang kutsilyong hawak ko, agad kong pinigilan si Fin na lumapit kay Lit.

"Fin, kung gusto mong magising ang asawa mo kailangan nating magtiwala sa kanya." Sabi ko, tumingin ng masama sa akin si Fin.

Lumingon kami sa gawi ni Lit na sinugatan si Clementine sa braso nito saka may kung anong pinainom na gamot kay Clementine, nakita ko ang pag labas ng itim na dugo mula sa braso ni Clementine, sabay noon ang unti unting pagbalik sa normal na kulay ang labi ni Clementine at ang kuko nito.

"Clementine.."Bulong ni Fin ng makitang unti unting nag babalik sa dating kulay nito ang labi at mga kuko ni Clementine, lumingon sa amin si Lit saka huminga ng malalim.

"Inalis ko lang ang lason na nasa katawan niya para hindi ito tuloyang kumalat, pinainom ko siya ng gamot pampawala ng lason pero hindi ibig sabihin noon ay gigising na siya." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ni Fin.

"Anong ibig mong sabihin?"Tanong ni Fin.

"Malubhang lason ang naamoy niya, maaring mag dulot yun ng kamatayan kung hindi ito maagapan, kapag naagapan naman kinakailangang uminom ng pampagising ang nakalanghap ng lason para tuloyang magising." Sabi ni Lit, tumingin sya sa akin.

"Meron pa bang ibang nakalanghap ng lason maliban sa kanya?" Tanong niya sa akin, tumango ako.

"Dalhin mo ko sa kanila ngayon." Sabi niya, tumango ako bilang sagot, lumabas kami sa kwarto nila Fin at dinala siya sa kwarto ko kung saan naruon si Leana, gaya ng ginawa niya kay Clementine, sinugatan niya ang braso ni Leana saka pinainom ang sinasabi niyang gamot na pampawala ng lason. Ganon rin kila Leona, Creed at Rizden.

Ilang minuto ang lumipas bago sya matapos sa ginagawa niya, kalmado na muli si Fin at karga karga niya na si Ozix na inaantok na. 

"Maraming salamat." Sabi ko kay Lit na nasa tabi ko, ngayon ay nakaupo na kaming lahat at panatag na matapos ang nakakakabang nangyare kanina.

"Kung di dahil sayo baka may masama ng nangyare kila Clementine,Rizden at sa mga kapatid ko."Dagdag ko, ngumiti lang siya sa akin ng malumanay saka hinawakan ang mga kamay ko, halata sa kanyang mga mata ang pag-aalala.

"Si Yezrah.."Sabay namin sabi sa isa't isa, biglang bumuhos ang luha niya habang nakatingin sa akin.

"Si Yezrah... Kailangan ng tulong ni Yezrah, kailangan tayo ng anak natin Von."Sabi niya, agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa kanya saka ngumiti sa kanya.

"Babawiin natin si Yezrah, babawiin natin ang anak natin." Sabi ko, bigla niya akong niyakap, bagay na kinagulat ko, bumilis nag pagtibok ng aking puso, bigla rin akong napangiti dahil sa ginawa niya.

"Patawarin mo ako kung inakala mong hindi kita hinintay."Sabi niya dahilan para matigilan ako, biglang bumalik sa akin ang mga nangayre sa nakaraan, kung paano ko nakita at pinanuod ang kasal nila ni Franco, kung paano ilang beses niya akong pinatabuyan, kung paano niya itinago sa akin ang anak ko.

"Hinintay kita.... Von.."


~~~

Tweet meredious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon