Special Chapter

132 3 1
                                    

Von POV 
Agad akong napangiti ng makita ko si Lit na nakaupo sa sofa at nanunuod ng palabas, agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya dahilan para magulat siya.

"Von! Sabi ko naman sayo huwag mo akong gulatin." Inis na sabi niya habang nakatingin sa akin ng masama dahilan para tawanan ko siya.

"Pasensya na, hindi ko mapigilan ang sarili ko." Natatawa kong sabi saka umupo sa tabi niya.

"Ano iyang ginagawa mo?" Tanong ko at tinignan ang hawak niyang libro. "Akala ko naman ay nanunuod ka nang palabas." Dagdag ko nang makita ko na nag babasa siya ng magazine.

"Sabi ni Dad, kailangan na pumili na daw ako ng dress na susuotin ko para sa kasal natin." Sabi niya kaya napangiti ako.

"Ganon? May napili ka na?" Tanong ko, umiling siya saka tumingin muli sa magazine na hawak niya.

"Mamili ka na." Sabi ko kaya natawa siya.

"Kung makapag salita ka parang ang dali lang para sayo na mamili ng susuotin no?" Tanong niya kaya natawa ako.

"Malamang,  hindi naman kasi ako maarte kagaya mo." Sabi ko kaya mas lalo siyang natawa saka ako hinampas sa braso.

"Ang asar talo mo." Sabi ko saka tumayo mula sa kinauupuan ko at tinignan siya.

"Doon ka na nga, huwag kang magulo. Hindi ko kailangan ang ambag mo sa pamimili ng gown ng susuotin ko." Masungit niyang sabi kaya natawa ako at nag lakad palayo sa kanya.

Napadpad ako sa garden kung saan naruon si Van at Cleopatra na nag uusap.

"What's up guys." Bati ko at lumapit sa kanila natawa si Van ng makita ako saka umusog sa kinauupuan niya para makaupo ako.

"Ano na naman ang problema mo Von?" Tanong ni Van kaya natawa ako at umiling.

"Wala, gusto ko lang kayong guluhin. Ayaw kasi magpagulo ni Lit sa akin." Sabi ko kaya nagkatinginan ang mag asawa saka huminga ng malalim si Van at tumingin sa akin.

"Von, hindi siya si Lit. Kakambal siya ni Lit." Sabi niya kaya napatigil ako at natawa ng maalala na siya nga pala si Seraphine.

"Von, hindi ka parin ba nakaka move on? Matagal nang wala si Lit." Sabi ni Cleopatra kaya ngumiti ako ng mapait saka tumingin sa ibang dereksyon.

"Syempre naka move on na ako." Sabi ko dahilan para magkatinginan ulit silang dalawa.

"Von naman, kinukulong mo parin ang sarili mo sa nakaraan." Sabi ni Van kaya tumingin ako sa kanilang dalawa at natawa.

"Ano ba naman kayo? Syempre hindi ko ginagawa ang bagay na iyon." Sabi ko saka natawa.

"Naka move on na ako." Dagdag ko.

"Kung ganon, bakit Lit parin ang tawag mo kay Seraphine?" Tanong ni Van kaya natigilan ako at natahimik dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niya.

"Von, sigurado ka na ba na papakasalan mo siya?" Tanong ulit ni Van matapos kong hindi sagutin ang tanong niya, ngumiti ako sa kanya at tumango.

Sigurado naman ata ako sa bagay na iyon.

"Von, ipapa alala ko lamang sayo, na ang kasal ay isang banal na ritual na ginagawa lamang sa dalawang taong nag mamahalan." Sabi ni Van saka tumingin sa mga mata ko.

"Sa palagay ko hindi mo pa nakakalimutan si Lit at nakikita mo lamang si Lit sa pagkatao ni Seraphine dahil kamukha siya nito." Dagdag niya.

"Ano bang sinasabi mo Van?" Natatawang tanong ko saka tumayo mula sa kinauupuan ko.

"Tama naman si Van, Von." Sabi ni Cleopatra kaya tumingin ako sa kanya.

"Ayaw lamang ng kakambal mo na pag sisihan mo sa huli ang desisyon  na hindi ka naman sigurado." Sabi niya kaya ngumiti ako sa kanilang dalawa saka tumingin sa ibang dereksyon at napakamot sa aking nuo.

"Alam ko naman ang sinasabi niyo." Sabi ko saka huminga ng malalim at muling naalala kung paano namatay si Lit sa harap ko.

Napalunok ako ng maramdaman ko na namumuo na naman ang luha sa aking mga mata kaya natawa ako saka tumingin sa taas.

"Hindi ka pa nga nakaka move on." Sabi ni Van kaya natawa ako, hanggang ang tawa na iyon ay naging hagulgol dahilan para tumayo si Van at alalayan ako.

"Hindi ko alam." Sabi ko at tumingin sa kanilang dalawa.

"Hindi ko alam kung saan ba patungo ang buhay ko, o ano pa ba ang purpose ng buhay ko Van." Sabi ko saka tumingin sa malayo.

"Sinusubukan kong mag move on dahil ayoko nang mabuhay na naka depende lamang ang mood ko sa kung kelan hindi ko maalala si Lit at Yezrah, ayokong mabuhay na malungkot, giusto kong ibalik yung dating ako Van." Sabi ko at muling naalala kung paano ko sabihin kay Lit ang mga pangako na ginawa namin.

"Ang gusto ko lamang ay mabuhay kasama sila, kasama si Lit at Yezrah, pero tanginang kupido ito, kung saan saang landas nilalagay ang buhay ko." Sabi ko saka tumingin kay Van na nakikinig lamang sa akin.

"Naiintindihan ko Von." Sabi niya saka ngumiti sa akin.

"Nakikita ko na sinusubukan mo ang bagay na iyon, pero ang sa akin lang kung sigurado ka ba na papakasalan mo si Seraphine? Von tandaan mo na hindi ito laro at hindi siya si Lit." Sabi niya dahilan para matahimik ako at mapaisip.

"Kung papakasalan mo siya dahil nakikita mo sa kanya si Lit then hindi pag mamahal ang tawag doon Von." Sabi niya kaya napayuko ako.

"Gusto mo lang siya dahil sa mukha niya."
"Anong gagawin ko Van?" Tanong ko kaya huminga siya ng malalim saka ngumiti sa akin.

"Gawin mo ang sa tingin mong tama Von."

~~~

Nakatayo ako ngayon sa puntod ni Lit at Yezrah habang hawak hawak ang bulaklak na binili ko bago ako mag tungo dito.

Agad kong nilapag sa mga puntod nila ang mga bulaklak saka ngumiti.

"Hello girls, na miss ko na kayo." Bulong ko habang nakatingin sa puntod nila.

"Naalala ko yung sinabi sa akin ni Van noong mga nakaraang araw kaya naman pinili ko na mag tungo dito kesa sa kasal namin ni Seraphine." Dagdag ko at natawa.

Ngayon nakatakda ang kasal namin ni Seraphine, pero dahil sa mga sinabi ni Van mas pinili ko nalamang na mag tungo sa puntod nila Yezrah at Lit kesa sa ituloy ang kasal.

Tama si Van, na hindi naman si Seraphine si Lit at hindi ko naman talaga siya mahal. kaya mas pinili ko na pumunta nalang dito sa puntod ng tunay kong minamahal.

"Na mimiss ko na kayo, sure ako na pinag tatawanan niyo akong dalawa ngayon." Sabi ko saka umupo sa harap ng puntod nila.

"Pasensya na Lit, kung iniwan ko mag isa ang kakambal mo sa altar, na realize ko na hindi ko kayang ikasal sa babaeng hindi ko mahal." Sabi ko at napangiti dahil naalala ko kung paano ko sabihin kay Lit na gusto kong ikasal sa kanya.

"Mas pipiliin ko nalamang maging matandang binata kesa sa ikasal sa hindi ko mahal." Bulong ko at tumulo ang aking luha.

Kung hindi lang rin naman si Lit ang papakasalan ko, mas mabuti pang maging matandang binata nalamang ako at hintayin ang araw na makasama ko ulit silang dalawa ni Yezrah.

Masakit para sa akin dahil nawala sa akin ang dalawang mahal ko sa buhay, ang anak ko at si Lit. Pero gaya nga ng sinasabi ni Lit sa akin, kailangan kong ipag patuloy ang buhay ko dahil hindi naman ito naka base sa iba. Hindi naman ito kontrol ng iba kundi ako lamang.

Kaya naman, ako si Von Floyd Vaughn, ay mas pipiliin na maging matandang binata nalamang kesa sa pakasalan ang ibang babaeng hindi naman si Lit. Dahl alam ko sa buong sistema ng pagka tao ko na si Lit lamang ang mamahalin ko, pang habang buhay.

~~~~~The end~~~


Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon