Chapter 23: Errand

296 10 0
                                        

Errand

~~~

Von POV

Gaya ng usapan. Inayusan ako ni Cleopatra. Nilagyan niya ng Concealer ang nunal ko sa ilong at ginaya ang nunal ni Van na nasa gilid ng kaliwang kilay niya.

Inayus din ang Buhok ko, ginaya ni Cleopatra ang buhok ni Van na pompadour ang laging ayus.

Tinanggal din ni Cleopatra ang Hikaw sa kaliwang tenga ko at may kung anong nilagay don para matakpan ang butas at nag lagay ng fake earring sa kanan kung saan may hikaw don si Van.

"Ano yan?"tanong ko kay Cleopatra na may hawak na kung ano sa kamay.

"Contact lens."sagot ni Cleopatra at pinakita sakin.  "Kulay Kape ang mata ni Van habang ikaw naman ay kulay abo."sabi ni Cleopatra.
"Sa mata kayo mahahalata."dagdag niya. Napa lunok ako ng ilagay yun ni Cleopatra sa mata ko. Halos maiyak ako dahil hindi naman ako sanay mag lagay ng kung ano ano sa katawan.

"Ayus ah." Sabi ni Van habang naka tingin sa akin. "Nahawaan ka na din ng kagwapohan ko kahit papaano."dagdag niya. Natawa ako at tumingin sa salamin.

Kamukhang kamukha ko si Van. Parang xerox copy niya ako. Tanging ang suot lang naming damit ang magka iba.

"Grabe, iba talaga pag Vaughn. Malakas ang kamandag. Rawr." Biro ni Van at inakbayan ako. "Pogi 150."bulong niya. Binatukan ko sya kaagad kaya naman humagalpak siya ng tawa.

"3 minutes nalang mag sisimula na ang party."sabi ni Cleopatra na kanina pa naka bihis. May inabot siya kay Van na isang maliit na device. "Isuot mo yan sa tenga mo. Bibigyan kita ng signal pag kasama na namin sila."sabi ni Cleopatra.

"Paano yung mga CCTV?"tanong ko bigla. Tumingin si Cleopatra sa akin.

"Kanina ko pa napatay."sabi niya at kinuha ang bag niya sa sofa.

"Wag mo ipapasayaw sa iba yan ah." Sabi ni Van sa akin. Natawa ako.

"Seryoso ako men."bulong niya. Inakbayan ko siya.

"Ako nang bahala."sabi ko kaya sinamaan nya ako ng tingin na mas nag patawa sakin.

Nag lakad na kaming tatlo palabas ng hotel room nila, sa elevator may inabot si Van kay Cleopatra na isang papel. Malamang ay invitation letter yun.

"Sa fountain ng lower ground nag aantay sila Franco." Sabi ni Van saka sinuot at shades niya.

"Sa hotel room nalang tayo mag kita." Sabi ni Cleopatra kay Van at hinalikan sa labi. Eh di sana all.

Tahimik lang akong naka tingin sa kanila ng tumingin sa akin si Van at dinilaan ako, napa irap ako.

"Inggit si Von." pang aasar niya. pumasok na si Cleopatra sa elevator habang ako ay nasa harap pa ni Van.

"Gusto mo kiss kita?" tanong ni Van kaya napa pasok ako ng di oras sa loob ng elevator at agad na sinara.

Sa loob ng elevator, tahimik lang kaming dalawa ni Cleopatra. Nasa likod ko siya habang ako naman ay nasa unahan. Kinakabahan ako baka makilala ako ni Franco o ni Lit mamaya.

"Mahahalata ka ni Lit mamaya." Nagulat ako ng humawak si Cleopatra sa braso ko at idinikit ang katawan nya sa katawan ko. Napalunok ako sa ginawa niya. Baka mamaya ay magalit sa akin si Van.

"Sa sobrang tahimik mo ay mahahalata ka talaga ni Lit na ikaw si Von." Sabi niya. 

"Kailangan ba na ganito kalapit ang katawan mo sa katawan ko?" Natawa sya sa tanong ko.

"Clingy si Van pag nasa public place kami. Kailangan mo din maging clingy sa akin mamaya para hindi ka mahalata na ikaw si Von. Mag kamukha nga kayo ni Van pero ang laki ng pinag kaiba niyo sa ugali. Si Van masyadong Maingay at malakas ang trip, habang ikaw naman ay sobrang tahimik at mahiyain." Sabi niya kaya napalunok ako.

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Where stories live. Discover now