Chapter 54

89 3 0
                                    

Lit POV

Maaga palang ay umalis na kami ni Leana patungo sa Bermuda Triangle, nakatanggap kami kagabi ng tawag mula kay Leona na kailangan ako sa Bermuda at nakita na nila si Von, isinama ko si Leana sa akin patungo sa Bermuda dahil nais niya rin makapunta doon.

Hindi ko alam kung ano at bakit kailangan ako sa Bermuda, sa ngayon ang mahalaga sa akin ay nakita na si Von.

"I'm sure Von will hug you if nakita ka niya." Sabi ni Leana habang nag dadrive. Napangiti lang ako, naiilang parin ako hanggang ngayon dahil si Leana ang kasama ko, ni isa sa mga kapatid ni Von ay hindi ko ka close maliban kay Leona. Pero dahil sa binura ni Franco ang ala-ala ni Leona patungkol sa akin naging malamig ang pakikitungo ni Leona sa akin.

Ramdam ko na tumingin sa akin si Leana saka binalik ang tingin sa pag mamaneho.

"Are you naiilang ba?"tanong niya kaya napatingin ako sa kanya at agad na umiling.

"Hindi ah." Sabi ko, natawa siya habang ang mga mata ay nanatiling nakatingin sa daan.

"Don't be. I know we're not that close but I'm not kumakain ng vampire." Sabi niya kaya napangiti lang ako. Nakakahiya, nababasa niya nga pala ang nasa isip ko.

Buong byahe ay tahimik lang ako si Leana ang nag iingay, kung ano anong mga bagay ang kanyang kinukwento sa akin kahit na hindi ko alam ang mga iyon ay nakikinig parin ako, hindi ko alam pero masaya ako sa oras na ito. Isa sa mga kapatid ni Von ang ngayon ay aking kasama at kumakausap sa akin. Dati ay wala sa kanila ang gusto akong kausapin maliban kay Leona.

Nakarating kami sa Bermuda, agad kaming nag tungo sa hotel room number na ibinigay sa amin ni Leona kahapon, pag pasok namin ay mukha agad ni Fin ang sumalubong sa amin. Naka kunot ang kanyang kilay at wari ba'y naiirita.

"Grow up Fin." Rinig kong sabi ng isang lalaki na nasa likod niya, nilagpasan lang kami ni Fin at dere-deretsong lumabas sa pinto.

"Are you making fun of Fin na naman ba Freddrick?"tanong ni Leana sa lalaking nag salita kanina. Sinara ko ang pinto at nilibot ang tingin sa paligid upang hanapin si Von.

"Leana, kailangan ko ng tulong mo rito." Napatingin ako sa gilid ko ng marinig ko ang boses ni Leona. Tumingin ito sa akin saka ngumiti saka muling pumasok sa loob, sumunod naman si Leana kay Leona habang ako naman ay akmang papasok na ng harangan ako ni Creed.

"Hindi pwedeng pumasok sa loob." Sabi niya habang naka harang sa pinto. Kumunot ang nuo ko saka sumilip nalang sa siwang ng pinto. Napansin naman iyon agad ni Creed kaya agad niyang isinara ang pinto. Huminga ako ng malalim.

"Nasaan si Von?" Tanong ko, tumingin sa akin si Creed saka muling binaling ang paningin niya sa isdang nasa aquarium.

"Wala dito si Von." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Wala siya rito? Akala ko ba ay nakita niyo na si Von?"tanong ko.

"Oo nga, nakita namin pero hindi namin sinabi na kasama na namin."Sabi niya kaya natahimik ako.

"Bakit?"tanong ko, tumingin siya sa akin saka tumayo ng maayos. Pinag cross niya ang kanyang braso saka nakakunot ang nuong nag salita.

"Dahil sa hindi nya kami naaalala."sabi niya dahilan para matigilan ako.

"Ano kamo?"

"Ako ang nakakita kay Von kanina. Kasama niya si Franco at si Aphrodite, ng lapitan ko siya ay hindi niya ako makilala. At ang isa pang pinag tataka ko ay tinawag ni Von ang pangalan mo kay Aphrodite."paliwanag niya kaya napaawang ang aking labi.

"Pinapunta ka namin ngayon dito dahil gusto naming itesting kung makikilala ka ba ni Von o hindi, si Leona gumagawa siya ng potion para kay Von, at walang kasiguradohan kung tatalab ba iyon kapag ininom iyon ni Von." Sabi niya, tila nanghina ako sa sinabi niya. Buong akala ko ay kasama na nila si Von.

"Kung ganon nasaan si Von?"tanong ko, nag simula siyang maglakad, agad ko naman siyang sinundan hanggang sa makarating kami sa labas ng hotel sa bahagi ng dalampasigan kung saan may mga nilalang na lumalangoy ngayon sa karagatan.

"Dito ko huling nakita si Von." Sabi niya habang nakatayo sa harap ko, nilibot ko ang aking paningin, walang Von sa paligid.

"Kung gusto mo siyang makita pwede kang mag hintay dito dahil sigurado ako na dito tatambay si Von." Sabi niya bago ako iwan mag isa dito. Napalunok ako at muling nilibot ang aking paningin, umaasa na makita o mahagip ng aking paningin si Von, pero lumipas ng ilang minuto ay wala akong nakitang Von.

Kaya naman napag pasyahan ko na mag lakad lakad sa gilid ng dalampasigan, hanggang sa napagpasyahan kong umupo muna malapit sa dagat, pinagmasdan ko ang karagatan papalubog na ang araw, nakita ko ang ilang mga sirena na lumalangoy sa karagatan habang ang ilan ay nakaupo rin sa dalampasigan.

"Von, nasaan ka na?" Tanong ko sa aking sarili.

Naghintay ako ng mahigit dalawang oras sa gilid ng dalampasigan, umaasa na sana ay makita ko ngayon si Von. Pero wala akong nakita kahit anino niya.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan saka muling nag lakad.

"Lit." Napalingon ako sa tumawag sa akin, si Fin. Hinihingal siya kaya napakunot ako habang nakatingin sa kanya.

"Sira ulo talaga ang Creed na iyon, iniwan ka ba naman nya mag isa rito." Sabi niya saka tumingin sa akin.

"Gusto kang makita ni Daddy." Dagdag niya kaya medyo kinabahan ako, ang ama ni Von ay gusto akong makita.

"B-bakit daw?"utal kong tanong, nag kibit balikat lang siya bilang sagot. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

"Tara." Sabi ko saka akmang mag lalakad na ng mahagip ng aking mga mata si Von na nakatayo sa likod ni Fin. Nanlaki ang aking mga mata ng makita siyang nakatayo sa harap ng dagat mag isa.

"Von..." Bulong ko at agad na nag teleport papunta likod niya. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso habang nakatingin kay Von na nakatalikod sa akin.

"Von..." Tawag ko sa kanya, agad na namuo ang aking luha habang nakatingin sa kanya, napalunok ako ng tumingin sa akin si Von. Isang tingin na hindi ko mawari ang expression niya.

"Von..."agad na tumulo ang luha ko, mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit habang umiiyak sa kanya.

"Akala ko hindi na kita makikita."  Sabi ko habang yakap yakap siya.

"Hinihintay ka na ni Yezrah, umuwi na tayo Von, hinihintay ka namin." Sabi ko at tumingin sa mukha nya. Natigilan ako ng makita ko ang malamig na awra ni Von habang siya ay nakatingin sa akin.

"Von?.."

"Sorry Ms. Do I know you?"

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon