Chapter 9: White House

240 9 0
                                    

White House

~~~~

Von POV

"Eto na ata yun Von." Sabi ni Aphrodite habang naka tingin sa malaking puting bahay. Tumingin din ako sa puting bahay, mas maganda itong tignan kesa doon sa itim na bahay nila Lit.

Maaliwalas sa mata ang bahay na ito, halatang naalagaan din ito hindi tulad doon sa black house.

Sagabo ang mga bulaklak na nasa garden, gumagana din ang fountain nito. Malamang ay nandito nga si Lit.

Lumapit ako sa doorbell at pinindot iyon.

Maya maya lang ay may lumabas na isang batang babae, siguro ay mga 4 years old palang ito.

"Sino po sila?"tanong ng bata sa amin. May kayumanggi siyang mga mata, cute siya at mahaba ang kulay kayumanggi niyang buhok.

"Ughm... Hi, nanjan ba si Lit?"tanong ko. Kumunot ang nuo ng bata.

"Sino po kayo?"tanong niya.

"Kaibigan kami ni Lit."sagot ni Aphrodite habang naka ngiti. Tinignan kami ng bata mula ulo hanggang paa saka ngumiti.

"Wala po si Mama umalis po siya dalawang araw ang nakakaraan kasama si Papa." Natigilan ako sa sinabi ng bata. Napa tingin sa akin si Aphrodite. Nanatiling naka tingin ako sa bata.

"Ughm... Bata anong pangalan mo?"tanong ni Aphrodite.

"Yezrah po." Sagot nito.

"Wala po si mama umalis po siya dalawang araw ang nakakaraan kasama si papa."

Napa tingin ako ulit sa bata.

Mama at papa.

May anak na si Lit?

Hindi ko na alam kung ano ang mga pinag uusapan nila Aphrodite at ng bata. Natulala nalang ako sa nalaman ko at sa mga narinig ko.

May pamilya na si Lit?

Pero wala pa siyang 100 Years old.

"Ilang taon ka mag sisimulang bumuo ng pamilya?"tanong ko kay Lit. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"100. Yan ang age na mag papakasal ako." Sagot niya. At tumingin sa akin.

"Ikaw kailan ka mag papakasal?"tanong niya.

"Pag 100 years old ka na."sagot ko kaya natawa siya ng malakas.

"Ang hakdog mo talaga."natatawa niyang sabia at tumingin sa harap.

"Pag 100 na ako at di mo pa ako niyaya mag pakasal, sa iba nalang ako mag papakasal." Nanlaki ang mga mata ko at agad na lumuhod sa harap niya.

"Will you marry me ?"tanong ko. Nanlaki ang mga mata niya.

"Joke lang Von." Sabi nya at hinila ako patayo.

"Napaka hakdog mo talaga."natatawa niyang sabi.

"Sabi mo kasi sa iba ka mag papakasal eh."

"As if mangyayare yun Von. Saka na ako mag papakasal sa iba kapag nakalimutan ko ang pangalan na Von Vaughn." Sabi niya at tumingin sa akin ng seryoso.

"Pero paano ko makakalimutan ang isang Von Flynn Vaughn kung pati sa Puso ko ay nakatatak na ang pangalan at pag mumukha mo?"

Naramdaman ko ang pag tapik ni Aphrodite sa pisngi ko. Nasa harap ko na pala siya. Tinignan ko ang pwesto ng bata kanina, wala na ito don.

"Pumasok na si Yezrah sa loob."sabi niya. Hindi ako nag salita.

"Gusto mo kumain muna tayo? Libre ko." Sabi niya. Tumango lang ako at akmang papasok na sa kotse ko ng pigilan ako ni Aphrodite.

"Ako nalang ang mag mamaneho. Mag pahinga ka nalang muna."sabi niya. Tahimik akong pumasok sa kabilang pinto at sumandal sa upuan. Naramdaman ko nalang ang pag andar ng sasakyan at pag galaw nito.

Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi ng bata kanina.

Papa, may asawa na si Lit? Ang daya. Akala ko ba 100 years old pa siya mag papakasal? 98 years old palang siya. May dalawang taon pa. Bakit parang ang daya naman.

Aphrodite POV

Buong byahe ay tahimik lang si Von, malamang ay iniisip niya ang sinabi ng bata kanina. Pati ako ay nagulat sa sinabi ng bata. Alam kong nasasaktan si Von at naguguluhan ngayun. Naaawa ako para sa kanya.

"Von?"  Lumingon sya sa akin.

"Nandito na tayo."sabi ko. Nasa tapat kami ng isang Arcade Restaurant. Dito ko dinala si Von para naman malibang siya kahit papaano.

"Tara, libre ko." Sabi ko at naunang lumabas sa kotse. Hinintay ko siyang lumabas sa kotse bago kami sabay na pumasok sa loob ng restaurant.

Umupo kami sa upuan katabi ng bintana. May inabot na Menu ang waiter sa amin. Tumingin ako kay Von na naka tingin lang sa Bintana.

"Von?"tawag ko. Lumingon siya sa akin.

"Anong order mo? Kumuha ka ng kahit ano, ako naman ang mag babayad eh."sabi ko at ngumiti.

"Kung ano sayo yun ang akin." Malamig niyang sabi kaya napa lunok ako. Binaling ko ang paningin ko sa menu.

Masakit para sa akin na makitang ganyan si Von. Masakit din para sa akin na tulungan siya hanapin ang babaeng mahal niya. At masakit din para sakin na ipag pilitan ko ang sarili ko sa kanya.

"Lit....." Napa tingin ako kay Von na biglang tumayo habang naka tingin sa bintana. Napatingin ako sa bintana at nakita ang isang babae na naka ngiti habang may kasamang lalaki. Papatawid sila sa kabilang kalye. Napa tingin ako kay Von na papalabas na ng restaurant kaya agad ko siyang hinabol.

"Von!" Sigaw ko at agad na nag teleport papunta sa harap niya saka siya hinarangan.

"Umalis ka jan Aphrodite." Sabi niya at tinignan ang gawi nila Lit.

"Saan ka ba pupunta?"tanong ko at muli siyang hinarangan.

"Umalis ka jan Aphrodite nakita ko si Lit." Sabi niya.

"Von wala--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong itulak ng pagka lakas lakas dahilan para mapaupo ako sa lapag. Nagasgasan pa ang palad ko ng lumagapak ako sa sahig.

"Ahh." Daing ko habang naka tingin sa dalawang palad ko na may gasgas. Napa tingin si Von sa akin at nanlaki ang mga mata.

"Aphrodite!" Sigaw niya at agad akong niyakap ng mahigpit at sa isang iglap ay napunta kami sa gilid. Nakita ko ang pag daan ng isang kotse sa daan kung saan ako napa upo kanina.

Tumingin ako kay Von na nakatingin sa gawi nila Lit kanina. Wala na sila don. Tumingin sa akin si Von, nag iwas ako ng tingin ng tumingin siya sa mga kamay ko. Agad ko iyong tinago sa likod ko. Umupo siya sa harap ko at kinuha ang dalawang kamay ko saka tinignan ang palad ko.

"Masakit ba?"tanong niya at tumingin sa akin. Umiling ako.

"Ayus lang ako. Malayo sa sik--"

"Umuwi na tayo sa hotel room natin."malamig niyang sabi at tinulungan akong tumayo. Nauna siyang mag lakad papasok sa kotse.

Napa lunok ako at agad na tumulo ang luha ko sa hindi ko alam na kadahilanan. Agad ko iyong pinunasan at naka ngiting pumasok sa loob ng sasakyan ni Von.

Nilingon ko pa siya na nasa drivers seat, seryosong pinapaandar ang sasakyan niya. Walang emosyon at malamig ang awra.

'Bakit kasi ayaw mo sakin Von?'tanong ko sa sarili ko saka binaling ang paningin sa bintana.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon