Chapter 30

208 10 1
                                    

Aphrodite POV

Tinignan ko muna ang aking cellphone bago lumabas sa sasakyan ko upang malaman kung saan ako tutungo dahil narito na ako sa Bermuda Triangle.

Ngunit wala namang text sa akin o ano kaya naman ay sinubukan kong tawagan ang unregistered number na tumawag sakin kanina para sabihin na nandito na ako.

Napa irap ako ng unreachable ang number. Inis akong lumabas sa sasakyan ko at pinag masdan ang paligid ko. Iba't ibang klase ng mga halimaw at ilang super natural na nilalang ang naririto at nag sasaya. Nilibot ko pa ang paningin ko at sinubukan ulit tawagan ang numerong tumawag sa akin ngunit gaya ng kanina ay unreachable ang number nito.

Pinag titripan ba ako?

'Room 666'

Nilibot ko ang aking paningin ng may bumulong sa akin na boses. Tumigil ang paningin ko sa nag iisang hotel dito sa Bermuda. Room 666.  Kunot nuo akong nag lakad papasok sa hotel. sa Reception area ay dumeretso ako.

"Excuse me, anong floor ang room 666?"Tanong ko sa receptionist.

"Kayo po ba si Ms. Aphrodite?" Kumunot ang nuo ko ng itanong ng receptionist ang pangalan ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Malamang ay ang nag papunta sa akin ang may pakana nito.

"Ako nga." Sagot ko. Ngumiti siya at may kinuha na susi sa isang drawer at iniabot sa akin. Naguguluhan 'man ako ay tinanggap ko ang Susi.

"Kanina pa po kayo hinihintay ng aming panginoon." Sabi niya kaya mas lalo akong naguluhan. Kanilang panginuon? Kelan pa naging Panginuon ang isang halimaw?

"69TH Floor po pang 13 na pinto pakaliwa." turo nito sa dereksyon saka ngumiti. Tumango lang ako at naguguluhang nag lakad papunta sa elevator. 

Pag pasok sa loob ng elevator ay nakaramdam ako ng kaba. May masama akong kutob doon sa tinawag ng receptionist na 'Panginuon.'

Napalunok ako habang  hinihintay na makarating sa 69th floor ng hotel. 

Nilabas ko ang phone ko at dinayal ang numero ni Liana. ngunit hindi ito sumasagot kaya napairap ako.

Tinago ko nalamang ang phone ko at tumingin sa numero na papaangat, habang palapit ng palapit ang 69th floor ay mas lalo akong kinakabahan. Huminga ako ng malalim ng makita ko na isang palapag na lamang ay 69th floor na. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang numerong 69. Tumunog ang bell ng   makarating ako sa 69th floor. Dahan dahang nag bukas ang pinto ng elevator.

Sumalubong sa akin ang tahimik na espasyo ng lobby ng hotel. Huminga ako ng malalim at nag lakad palabas ng elevator. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid, walang ibang nilalang na naririto kundi ako lang. 

Gaya ng tinurong dereksyon ng receptionist kanina ay nag lakad ako pakaliwa at tumigil sa tapat ng pinto na may nakalagay na 666. Napalunok ako at naramdaman ko ang pag tulo ng pawis ko. Tagaktak na ito at dahil sa kaba. Nanginginig ang kamay kong itinaas ang kamay ko para katukin ang pinto ngunit kusa itong bumukas at bumulaga sa akin si Lit na gulat din ang reaction.

Siya ba ang nag papunta sa akin dito?

"Anong ginagawa mo dito?" Sabay naming tanong sa isa't isa. Napairap siya at agad na hinila ang kamay ko saka hinatak palayo sa pinto na iyon. Naguguluhan akong nag patangay sa kanya. Pumasok kami sa loob ng elevator  saka niya ako binitawan at tinignan.

"Umuwi ka na." Hindi ko alam kung inuutusan niya ba ako o binibigyan niya ako ng babala.

"Hindi ka dapat naririto. Bakit ka papasok sa pintong iyon? hindi mo ba alam na yun ang kwarto namin ng asawa ko?" Tanong niya.

"Narito ako dahil may isang unregistered number ang tumawag sa akin at tinatakot akong papatayin niya si Von pag hindi ako nag punta." Sabi ko at nag crossarms. Nakita ko ang pag iiba ng emosyon niya ng banggitin ko ang pangalang Von.

" Mag kasama kayo ni Von?" Tanong niya. Hindi ko siya sinagot, sa halip ay ngumisi ako at huminga ng malalim.

"May asawa ka na, bakit tinatanong mo pa sa akin si Von?" Tanong ko. Umiwas siya ng tingin at tumayo ng tuwid.

"Kamusta siya? Kamusta sila ng anak ko?" Tanong niya.

"Pinapunta mo ba ako dito at tinakot takot para lang itanong ang bagay na yan?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin.

"Hindi ako ang nag papunta sayo dito." Sabi niya saka huminga ng malalim. "Gusto ko lang alamin ang kalagayan ng mag ama ko." Dagdag niya.

Nakaramdam ako ng pagka irita matapos kong marinig ang salitang 'mag ama ko' ngunit agad ding nawala ang iritang nararamdaman ko ng maalala ko ang kalagayan ni Yezrah.

"Kailangan ka ng anak mo." Pagkasabi ko non ay nakita ko mismo kung paano tumulo ang luha niya. Hindi ko alam kung maawa ba ako o maartehan sa pag iyak niya.

"Mukhang ginawa niya taalaga ang balak niya." Bulong niya sapat para marinig ko.

"Ano kamo?" Tanong ko. Agad niyang pinunasan ang luha niya at tumingin sa akin ng deretso.

"Umuwi ka na. Bumalik ka na don." Sabi niya.

"May alam ka ba kung sino ang may gawa kay Yezrah non?" Tanong ko. Hindi siya sumagot sa halip ay tumingin siya sa pinto ng elevator saka lumabas. Narito na pala kami sa baba ng hotel. Agad ko siyang sinundan at hinarangan ang daan niya. 

"Sumagod ka Lit, Kilala  mo ba ang may gawa non sa anak mo?"Tanong ko. Kumunot ang nuo niya.

"Anong klase kang ina?" Tila napantig ang tenga nya ng itanong ko yun. Akmang sasampalin niya ako pero hindi niya ginawa. Nakatigil lamang ang kamay niya sa ere at aambang sasampalin ako.

Nakita ko kung paano siya mag pigil ng galit. Agad na tumulo ang luha niya.

"Wag na wag mo kong susumbatan sa bagay na yan dahil di mo alam kung ano ang mga isinakripisyo ko maprotektahan lang ang anak ko." Madiin niyang sabi habang nanatili sa ere ang palad niya.

"Wala kang karapatan para itanong sakin ang bagay na yan dahil una sa lahat wala kang koneksyon sa buhay ko at sa buhay ng anak ko." Dagdag niya saka dahan dahang binaba ang palad niya.

"Ginagawa ko ang lahat para protektahan ang anak ko. Kaya wala kang karapatang itanong sakin kung anong klaseng ina ako." Lumuluha niyang sabi at nilagpasan ako.

Naiwan akong nakatingin sa kanina niyang pwesto.

"Wag ka ng bumalik." Sabi ko at humarap sa kanya. Nakita ko ang pag tigil niya. Naka talikod parin siya sa akin.

"Wag ka ng bumalik sa buhay ni Von dahil masaya na kami."dagdag ko. Hindi siya nag salita.

Lumapit ako sa kanya at akmang hahawakan ang likod niya ng bigla siyang humarap at sinampal ako.

Sa pag lapat ng kanyang palad sa aking mukha ay nakita ko ang ilang pangyayare na magaganap sa hinaharap.

Napalunok ako dahil sa nakita ko.

"Wala kang karapatan para utusan ako. Sampid ." Sabi niya.

"Umuwi ka na bago pa mag bago ang isip kong ihatid ka sa asawa ko." Pananakot niya saka nag lakad palayo.

Tumayo ako ng tuwid at pinag masdan siyang mag lakad palayo sakin.

Hindi ko alam kung bakit pero tumulo ang luha ko matapos kong makita ang mga mangyayare sa hinaharap.

Wag naman sana....

Wag naman sanang dumating sa punto na mamahalin ako ni Von kung kelan wala na ko.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon