Chapter 10: I found her

276 9 1
                                    

I Found Her.

~~~

Von POV

Kumatok muna ako sa pinto ng hotel room ni Aphrodite bago ako pumasok dala ang first aid kit.

Nakita ko siyang naka upo sa isang upuan sa terrace. Lumapit ako don at halata namang nagulat siya ng makita ako.

"Von..."tawag niya. Halatang malalim ang iniisip niya kaya hindi niya narinig ang pagkatok ko. Umupo lang ako sa harap niya at kinuha ang isang kamay niya.

Ang tanga ko naman, nasaktan ko pa si Aphrodite ng physical kanina. Hindi ko naman sinasadya yun. Iniisip ko lang si Lit na nakita ko kanina kasama ang isang lalaki.

"Von..."

"Sorry." Sabi ko habang ginagamot ang gasgas niya.

"Nasaktan kita ng physical kanina."sabi ko at tinignan siya, naka tingin sya sa akin.

"At muntik ka ng mapahamak kanina ng dahil sa katangahan ko."dagdag ko.

Ngumiti lang siya at umiling.

"Wala yun."sabi niya habang naka ngiti. Pinag patuloy ko lang ang pag gagamot sa gasgas niya hanggang sa matapos. Hindi ako kumikibo dahil na gu-guilty ako sa ginawa ko kanina. Naging violente ako kanina.

"Ayus ka lang ba?" Biglang tanong niya. Kaya napa tingin ako sa kanya.

"Nakita mo si Lit tama ba?"tanong niya. Bigla kong naalala si Lit kanina na naka ngiti kaharap ang isang lalaki.

"Kasama ang isang lalaki." Sabay naming sabi kaya natahimik kami. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko kaya napa tingin ako don.

"Mag kikita din kayo."sabi niya at ngumiti. "Pero kailangan mo lang tibayan ang loob mo kasi mag kikita kayo sa paraang hindi mo nais."dagdag niya kaya natahimik ako.

"Sa tingin mo ba, may pamilya na talaga si Lit?"tanong ko.

Naka tingin lang siya sa akin at ngumiti.

"Mag pahinga ka na Von."sabi niya. Hindi ako kumibo.

"Kailangan mo mag pahinga kasi bukas, dadalhin kita sa kanya."sabi niya kaya napa tingin ako sa kanya.

"Alam mo kung nasaan si Lit?"tanong ko.

"Nakita ko lang sa pangitain ko."naka ngiti niyang sabi kaya napa ngiti ako. Agad ko siyang niyakap sa tuwa.

"Thank you." Sabi ko at kumalas sa yakap. Nag paalam na ako na pupunta sa room ko.

Makikita ko na din si Lit bukas.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, mas nauna pa nga akong magising kay Aphrodite. Sa sobrang excited kong makita si Lit ay nagpa deliver na ko ng pagkain namin ni Aphrodite, dito kami ngayun sa room niya kakain. Tulog pa siya ng pumasok ako, ayoko namang gisingin siya kasi baka isipin niya na nag mamadali ako.

"Paki lagay nalang jan." Sabi ko sa nag deliver ng pagkain namin. Inayus niya iyon sa mesa bago umalis. Sakto naman na nagising na si Aphrodite.

"Hi, Good morning tara kain na tayo?" Naka ngiti kong sabi. Nagulat ata siya kaya natawa ako.

"Maaga lang akong nagising ngayun."sabi ko.

Tumango tango siya at nag punta sa banyo para maligo. Hinintay ko siya matapos para sabay kaming kumain.

Iniisip ko kung ano ang sasabihin ko kay Lit pag nag kita kami.

"Sorry napag antay ba kita?"tanong niya at umupo sa tapat ko. Umiling ako.

"By the way, may gagawin ka pa ba ngayun?"tanong ko kaya napa tingin siya sa akin.

"Ughm... Baka kasi may gawin ka ngayun bago tayo pumunta kay Lit."sabi ko at ngumiti. Natawa siya at umiling.

"Saktong 9 aalis na tayo."sabi niya kaya napa tingin ako sa orasan ko. 8:30 na.

"Sya nga pala, paano mo nakita si Lit sa pangitain mo?"tanong ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti lang.

"Nakita mo ba na yayakapin niya ako? Or magugulat siya pag nakita ako?"tanong ko. Hindi siya sumagot.

"Oi, haha ayus ka lang ba?"tanong ko.

"Oo naman medyo di ko lang maalala kung ano  yung mga nakita ko kagabi sa pangitain ko."sabi niya saka tumingin sa mga mata ko.

"Basta, nandito lang ako lagi para masandalan mo."sabi niya at ngumiti. Hindi ko naman na gets yung sinabi niya pero hindi ko na pinansin yun. Ang mahalaga sa akin ay makikita ko si Lit ngayung araw.

Saktong 9 nga ng umalis kami sa hotel na tinutuluyan namin. Siya ang nag maneho dahil siya ang nakaka alam kung nasaan si Lit. Kinakabahan talaga ako kase after 5 years makikita ko ulit si Lit. Ni hindi ko nga alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya pag nag kita kami.

Tumigil ang sasakyan namin sa isang patag na lugar, sa gitna non ay parang may magaganap na kasal.

Baka dito nag ta-trabaho si Lit, o baka naman bisita siya dito.

Tumingin ako kay Aphrodite na tahimik lang habang naka tingin sa harap.

"Excited ka na ba?"tanong niya at lumingon sa akin. Ngumiti ako at muli siyang niyakap.

"Buti nalang talaga sinama kita, mas napadali ang pag hahanap ko sa kanya."sabi ko at kumalas ng yakap.

Tumingin siya sa akin at nakita ko ang pag tulo ng luha niya. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Mag paka tatag ka."sabi niya kaya kumunot ang nuo ko at kinabahan sa sinabi niya.

"Hindi dapat sa ganitong sitwasyon mo siya makita pero yun ang dapat mangyare."sabi niya kaya mas lalo akong kinabahan.

"Ano bang sinasabi mo Aphrodite?"tanong ko. Umiling sya at pinunasan ang luha niya.

"Bumaba ka na don, hihintayin kita dito."sabi niya. Tumingin lang muna ako sa kanya ng ilang saglit saka nag pasya na bumaba ng sasakyan at nag lakad palapit doon sa nagaganap na event sa gitna.

Napalunok ako ng makita ang pangalan ng ikakasal.

Franco and Lit.

Napa tigil ako sa pag lalakad at Huminga ako ng malalim at tumingin sa gitna ng aisle, nakita ko siya. Siya na hinihintay ko. Siya na ang tagal kong umasa na babalik.

Naalala ko pa ang sinabi niya sakin 5 years ago bago ako umalis sa Vampire High.

She once said " malay mo 5 years from now, mag kita tayo ulit tas tayo pala talagang dalawa para sa isa't isa"

It was 5 years ago today and i saw her walking in the middle of the aisle, wearing her white gown and holding the wedding flowers, she stop walking when the man in front of her held his hand and guide her to face the priest.

Tumulo ang luha ko. Pinunasan ko ito agad habang naka tingin sa kanya.

She's getting married to my best friend.

I turned back to them and start to walked slowly.

Ang daya nya, ang daya daya niya. Ang sabi niya after 5 years mag kikita ulit kami at kami ang para sa isa't isa. Ngayun nag kita na nga kami pero para pala siya sa iba.

I stopped walking and lumingon ulit sa gawi nila.

I'm seeing her Happy now with her husband.

"Congratulations..... Mon Amour......" With that bumuhos ang mga luha ko muli.

Nag lakad ako pabalik sa sasakyan ko at ng maka sakay na ako ay hinampas ko ang manubela saka umiyak.

I waited for almost 5 years for her, i waited 5 fucking years to be with her again but now.... She's getting married to my best friend.

"I hope you are happy now....  Lit Tallulah Fuertez."

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
YTC: Arlina Laure

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon