Chapter 55

102 2 0
                                    

Lit POV  

Napahinto ako sa kanyang sinabi, mula sa kanyang mga mata ay ramdam ko ang pagkalito dahil sa kinilos ko kanina, dahan dahan akong napalayo sa kanya saka pinagmasdan ang mukha niya. Hindi ako maaaring magkamali, siya si Von mula sa hubog ng kanyang katawan at sa kanyang mukha siya si Von. Pero bakit hindi niya ako maalala? 

"Von.. ako ito, si Lit." Sabi ko, nakita ko kung paano kumunot ang kanyang nuo, pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa saka muling binalik sa mga mata ko ang kanyang tingin.

"Lit?" Tanong niya, agad na tumulo ang luha ko habang nakatingin sa kanyang mga mata, naramdaman ko ang sakit sa aking dibdib habang nakatingin kay Von na hindi ako maalala. Dati ay napapanuod ko lamang ito sa mga palabas, totoo ngang masakit para sa mga bida sa palabas ang makalimutan sila ng kanilang minamahal. Pakiramdam ko ay nawala ang kaluluwa ko dahil sa tanong ni Von na 'Do I know you?'

"Von, ako ito si Lit." Hinawakan ko ang kanyang kamay saka tumingin sa kanyang mga mata. "Hindi mo ba ako naalala?" Tanong ko sa kanya kahit na alam ko ang totoo. Tumitig siya sa aking mga mata na para bang inaalala niya talaga ako. "Si Yezrah, hindi mo ba siya naalala?"Tanong ko habang nakatingin sa kanya, patuloy lamang ang pag tulo ng aking luha habang nakatingin sa kanya, umaasa ako na sana ay maalala niya ako sa mga oras na ito.

"Von ako ito, si Lit." Ulit ko habang umiiyak sa harap niya.

Sinubukan kong basahin ang nasa isip niya pero hindi ko ito magawang pasukin dahil sa may humaharang na kapangyarihan.

"Von..."

"Ms. Pasensya na pero hindi talaga kita kilala." sabi niya na mas lalong nag padurog sa puso ko.

"Baka nagkamali ka lang ng nalapitan, baka hindi ako ang hinahanap mo."Sabi niya saka ngumiti sa akin. "Pasensya ka na." Dagdag niya,

"Von.."

"Von, hindi mo ba talaga kami maalala?"Singit ni Fin na ngayon ay katabi ko at gaya ko ay nakatingin kay Von, kumunot ang nuo ni Von.

"Nagugulohan ako, kilala niyo ako ngunit kayo naman ang hindi ko makilala, kahit anong pilit kong isipin kung sino ba kayo ay walang pumapasok sa isip ko." Sabi niya.

"Von ako ito si Fin ang kapatid mo, at siya si Lit ang nanay ng anak mo." Sabi ni Fin kay Von kaya kumunot ang nuo ni Von.

"Kapatid? nanay? anak?"sunod sunod niyang tanong saka tumingin sa akin.

"Von may anak tayo si Yezrah, at hinihintay ka na niya umuwi." Sabi ko.

"Hinihintay ka ng umuwi ni Dad at ng ibang kapatid natin Von, hinihintay ka narin ni Van." Sabi ni Fin, mas lalong kumunot ang nuo ni Von habang nakatingin sa aming dalawa ni Fin, hindi ko alam kung ano ang naiisip ni Von ngayon.

"Von sumama ka sa amin ngayon, kami ang tunay mong pamilya hindi sila Aphrodite at Franco." Sabi ko habang nakatingin sa kanya. "Hindi mo ba naalala na may pinainom si Franco sayo noon kapalit ng kalayaan namin at ang gamot sa mga kapatid mo? Von kaaway si Franco." Sabi ko.

"Sandali."Sabi niya at natawa. "Ano bang pinag sasabi niyo? Sino si Aphrodite? paano naging kaaway si Franco? Wala akong kilalang Aphrodite." Sabi niya habang nakatingin sa aming dalawa ni Fin.

"Saka ano bang sinasabi niyo? paano tayo nagkaruon ng anak kung may girlfriend ako? at yon ay si Lit.."Natigilan siya ng sabihin ang pangalan ko, napalunok ako habang nakatingin sa kanya.

"Maniwala ka sa amin Von, niloloko ka lang nila--"

"Von." Sabay kaming tatlong napatingin sa tumawag kay Von, si Aphrodite nakatingin siya sa aming dalawa ni Fin ng masama.

"Lit.."Tawag ni Von kay Aphrodite kaya napatingin ako kay Von.

"Von.."Mahinang bulong ko, tumingin saakin saglit si Von bago siya lumapit kay Aphrodite.

Nanatiling nakatingin sa aming dalawa ni Fin si Aphrodite habang nasa tabi niya si Von.

"Ibalik mo sa amin si Von." Sabi ni Fin kay Aphrodite.

Tinitigan lang siya ng masama ni Aphrodite bago ito tumingin kay Von.

"Pumunta ka na sa room natin." Sabi ni Aphrodite kay Von na agad namang sinunod ni Von.

Muling tumingin sa amin si Von bago siya naglakad palayo.

"Napaka angas mo rin no, talagang ang kapal ng mukha mo para ganyanin si Von." Sabi ni Fin kay Aphrodite, dama ko ang galit ni Fin kaya napalunok nalang ako.

"Aphrodite, alam kong kinokontrol ka lang ni Franco, pakiusap ibalik mo na sa amin si Von, makiag tulongan ka sa amin para--"

"At sa tingin mo ba gagawin ko yan? ngayon na ako na ang mahal ni Von sa tingin mo ibibigay ko siya sayo ng ganon ganon lang?" Tanong ni Aphrodite sa akin.

"Si Lit ang mahal niya hindi ikaw." Sabi ni Fin kaya tinitigan siya ni Aphrodite ng masama.

"Hindi ka ba naawa sa sarili mo? tinatawag kang 'Lit' ni Von kahit na ang pangalan mo talaga ay Aphrodite? Hindi ka ba naawa sa sarili mo na ang pangalan ni Lit ang pinanghahawakan ni Von para manatili siya sayo at hindi ang pangalan mo?" Tanong ni Fin sa kanya.

"Kahit anong sabihin niyo hindi namin ibibigay si Von, hindi ko ibibigay si Von."Sabi niya saka tumingin sa akin.

"Layuan mo na kami ni Von kung ayaw mong isumbong kita kay Franco na nakikipag ugnayan ka sa kapatid ni Von laban sa kanya." Sabi niya.

"Sige gawin mo, ng magka-alaman kung hanggang saan ang lakas ng Franco na iyan." Sabi ni Fin kay Aphrodite. 

"Natatawa nalang talaga ako sayo Aphrodite, alam mong wala kang pag-asa kay Von kaya nakikipag ugnayan ka kay Franco para maasayo ang kapatid ko." Agad na hinagisan ni Aphrodite si Fin ng blade na agad namang nasalo  ni Fin.

"Wag mo akong simulan Aphrodite, hindi mo gugustohing makitang magalit ang isang Vaughn." Sabi ni Fin na nag pakaba sa akin, alam ko kung anong kayang gawin ni Fin kay Aphrodite, walang laban si Aphrodite kay Fin kung tutuosin dahil mas makapangyarihan parin ang lakas na dumadaloy kay Fin kumpara kay Aphrodite.

Agad kong hinawakan si Fin sa balikat. 

"Tama na Fin, hindi tayo pumarito upang makipag away." Sabi ko, agad na inalis ni Fin ang pagkakahawak ko sa kanya. 

"Wag mo akong hawakan, hindi ikaw si Clementine." Sabi niya saka muling binaling ang paningin kay Aphrodite.

"Sa oras na mabawi namin si Von sa kamay niyo ni Franco, ikaw mismo ang una kong hahanapin para tapusin." Sabi niya saka tumingin sa akin.

"Tara na." sabi nito saka nagsimulang maglakad. 

Tumingin ako kay Aphrodite, nakatingin lang siya sa akin. Huminga ako ng malalim saka lumapit sa kanya, agad niya akong tinutukan ng patalim sa leeg pero hindi ko ito pinansin, hinawakan ko ang kanyang kamay saka tumingin sa mga mata niya.

"Alam kong nanjan ka Aphrodite, alam kong ayaw mo sa ganito, alam kong ayaw mo na mahalin ka ni Von ng papilit. Nakikiusap ako sayo, makipag tulongan ka sa amin upang maligtas si Von, at upang maligtas ka." Sabi ko, nakatitig lang sa akin si Aphrodite. Isang malamig na titig kaya naman ngumiti ako sa kanya at agad na nag teleport papunta sa lugar kung saan naruon na si Fin.

~~~


Tweet Me redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon