Chapter 70

66 2 10
                                    

Von POV 

Alam ko na si Lit ang nakita ko, alam ko na siya ang nakatayo kanina pero bigla nalamang siyang nawala at biglang sumulpot si Leana. 
Namamalikmata lang ba ako? Huminga ako ng malalim saka tumingin kay Van na hinabol ako palabas ng kwarto niya.

"Von, pag-isipan mo muna ang sinabi ko sayo." Sabi niya habang nakatingin sa akin ng sensero, ngumiti lang ako sa kanya saka tumango at muling naglakad patungo sa kwarto ko.

Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay agad kong sinara ang pinto saka humiga sa kama ko, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gusto kong hanapin si Lit pero may bagay na pumipigil sa akin, hindi ko na alam ang gagawin ko. 

Tama si Van na dapat ay ilabas ko ang sarili ko sa apat na sulok ng kwartong ito, na dapat ay simulan kong mag move on sa pag kamatay ni Yezrah at simulang hanapin si Lit. Pero sa tuwing iniisip ko kung paano sisimulan ang bagay na iyon ay mas lalo lang akong nawawalan ng gana.

"Bakit hindi mo subukang tanongin ako kung nasaan si Lit." Napalingon ako sa nag salita, si Franco at nakatayo siya sa may bintana ko habang nakatingin sa akin at may kakaibang ngiti sa labi.

"Anong ginawa mo dito?" Tanong ko saka tumayo mula sa kinauupuan ko. Agad na nanumbalik sa akin ang galit at hinanakit ng maalala ko na siya ang pumatay sa anak ko.

"Tinutulungan ka na hanapin si Lit?" Patanong niyang sabi saka natawa.

"Saan mo dinala si Lit?" Tanong ko. Isang ngisi lamang ang binigay niya sa akin at alam ko na sa mga oras na ito ay hindi siya seryoso at pinag lalaruan niya lamang ako.

"Von, kalmahan mo, ayaw mo muna bang malaman kung anong ginawa ko sa anak mo?" Pag kasabi iniya noon ay agad akong nag teleport papunta sa harap niya at akmang sasakalin siya ng bigla siyang mawala sa paningin ko.

"Ang init naman ata ng ulo m Von." Natatawang sabi ni Franco na halatang nang aasar. Wala akong oras para makipag asaran sa kanya, pinatay niya ang anak ko kaya nararapat lang na patayin ko siya. Hindi ako papayag na hindi ko makuha ang hustisya para sa anak ko.

"Nasaan ka? Lumabas ka!" Sigaw ko habang hinahanap siya sa kwarto ko, hindi ko siya makita.

"Huwag kang duwag, Franco." Dagdag ko saka pinakiramdaman ang paligid, alam ko na nasa loob lang siya ng kwarto ko at nakikipag taguan sa akin.

"Von, ayaw mo bang kalmahan muna at pag kwentohan natin ang tungkol sa anak mo?" Tanong niya pero hindi ko siya pinakinggan.

Pinikit ko ang mga mata ko saka sinimulan ang aking pag kokonsentrasyon ng sa ganon ay malaman ko kung saan siya nag tatago at upang makita ko kung ano ang galaw niya.

"Masyadong mainit ang ulo mo, Von. Paano tayo mag kakaruon ng magandang usapan kung pinapairal mo ang init ng ulo mo?" Tanong niya at mula sa kanan ko ay nakita ko ang anino niya na papalapit sa akin kaya naman inunahan ko na siya sa gagawin niya at agad na nagteleport pa punta malapit sa kaya saka sinakal siya dahilan para mawala ang invisibility niya at mag pakita sa akin.

"Pinatay mo si Yezrah.." Sabi ko habang sakal sakal siya, nakita ko ang pag ngisi niya saka itinaas ang dalawang kamay sa ere.

"Hindi ako ang pumatay sa anak mo, Von." Naka ngisi niyang sabi sa akin. "Si Lit ang pumatay sa anak niyo." Mas lalo kong diniinan ang pag kakasakal ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Alam ko na hindi gagawin ni Lit ang bagay na iyon, alam ko na hindi niya magagawa iyon sa anak namin dahil mahal na mahal ni Lit si Yezrah.

"Huwag ka nang mag sinungaling pa!" Sigaw ko saka mas lalong diniinan ang pag kakasakal sa kanya saka idinikit siya sa pader na malapit sa amin. "Ikaw ang pumatay sa anak ko! Hindi magagawa ni Lit na patayin ang anak namin dahil dugo't laman namin si Yezrah!" Sigaw ko na mas lalong nag pangisi sa kanya.

"Talaga? ano ito kung ganoon, Von?" Tanong niya saka idinikit ang kanyang hintuturo sa nuo ko dahilan para magpakita sa aking isip ang ilsang mga ala-ala.

"Patayin mo siya, Lit." Wika ni Franco kay Lit na nakatingin kay Yezrah na duguan at umiiyak.

"Patayin mo siya sapagkat sagabal lamang siya." Bulong ni Franco.

"Lit... Ibaba mo iyan!" Sigaw ko at akmang lalapit sa kanya ng para kunin ang baril ng tumagos lamang ako sa kanya.

"Lit bitawan mo ang hawak mo! Huwag mong saktan ang anak natin!" Sigaw ko pero parang hindi niya ako naririnig.

"Mommy..." Umiiyak na tawag ni Yezrahkay Lit.

"Mommy... huwag po...Tito daddy... iligtas niyo po ako.." Umiiyak na sabi ni Yezrah na siyang natatakot ngayon at gaya niya ay halos mapaiyak na ako ng makita ko ang pag mamakaawa ng anak ko.

"Lit.. ibaba mo iyan.." 

"Ngayon na Lit!" Utos ni Franco at sa isang iglap ay nakarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril dahilan para matigilan ako at mapalunok nang makita ko ang dahn dahang pag kalat ng dugo ni Yezrah sa sahig.

"Yezrah..." Bulong ko habang nakatingin sa anak ko. "Yezrah!"
 "Von!" Iminulat ko ang aking mga mata ng marinig ko ang pag sigaw ni Leona.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Fin na siyang nakatingin sa akin. Pinag masdan ko ang mga mukha ng taong narito ngayon at doon ko napagtanto na wala na si Franco,

"Von, sumagod ka, anong nangyare sayo?" Nag aalalang tanong ni Van na siyang may hawak sa akin.

"Bakit may dugo ang ilong mo? Anong ginawa mo?" Tanong ni Creed. Hindi ko sila sinagot sa halip ay tumulo lamang ang luha ko ng maalala ko ang nakita ko.

Si Lit mismo ang pumatay sa anak namin, siya mismo ang kumitil sa buhay ng anak namin.

"Von, anong nangyare? Kailangan mong sabihin sa amin kung anong nangyare." Sabi ni Leona, tumayo ako mula sa pagkaka higa kay Van saka tumingin sa kanila na siyang nakatingin sa akin ng seryoso.

"Nadulas lang ako." Pag sisinungaling ko saka napakamot sa ulo ko. 

"Von Vughn." Babalang tawag sa akin ni Van kaya tumingin ako sa kanya at natawa.

"Seryoso ako, nadulas lamang ako." Sabi ko saka ngumiti sa kanilang lahat. 

"Pasensya na kung nag alala kayo sa akin." Dagdag ko saka pinag masdan sila na halatang hindi naman sila naniwala sa sinabi ko.

"Sa Bermuda Von, nasa Bermuda si Lit." Bigla kong narinig ang boses ni Fraco sa utak ko kaya naman bigla akong natigilan at patagong ikinuyom ang aking kamao habang nakatingin sa kanilang lahat.

Hindi ako lubos makapaniwala na si Lit mismo ang papatay sa anak namin, Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa nakita ko pero pupuntahan ko si Lit nang sa ganon malaman ko ang katotohanan sa mga nakita ko.

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon