Chapter 44

86 2 0
                                    

Von POV

"Pwede bang umupo ka muna? Kanina ka pa palakad lakad ako ang nahihilo sa ginagawa mo." Iritang saway sa akin ni Fin, sinamaan ko sya ng tingin saka huminga ng malalim at umupo.

"Kung ano ang nararamdaman mo ngayon, nararamdaman ko rin, parehas lang tayong nag aalala para sa mga mahal natin." Dagdag niya saka tumingin sa bintana. "Nag aalala rin ako para kay Clementine, lalo na ngayon at buntis siya." Sabi niya dahilan para mapayuko ako, hanggang ngayon hindi namin alam ni Fin kung ano ang gagawin lalo na't dalawa lang kaming natitirang gising dito sa bahay.

Halos lahat ng tao rito ay walang malay, at hanggang ngayon hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Yezrah. 

"Papatayin ko talaga kung sino'man ang gumawa nito, pati asawa ko dinamay." Galit na sabi ni Fin, napatingin ako sa kanya. Kahit ako ang pinaka matanda sa aming dalawa, iba parin magalit si Fin. Isa siyang elementalist na may dugong bampira at werewolf kaya naman alam kong matindi magalit ang isang Fin.

"Sa tingin ko may alam si Aphrodite sa mga nangyayare." Biglang sabi niya at tumingin sa akin.

"Ilang araw na syang hindi nag papakita sa atin at ngayon bigla nalang nangyare ang mga ito?" Galit niyang tanong. Huminga ako ng malalim saka nilabas ang cellphone ko.
Akmang tatawagan ko na si Aphrodite ng maalala ko ang nakasulag sa papel.

Napatingin ako kay Fin at nilabas ang papel.

"Tignan mo nga ito." Sabi ko saka inabot sa kanya ang papel, kunot nuo niya itong kinuha saka binasa.

"Ano naman ito?"tanong niya.

"Yan yung papel na binigay mo sakin kanina, sabi mo nakita mo sa kamay ni Leana." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Ano bang pinag sasabi mo?" Tanong niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Kakababa ko lang ngayon dahil pinatulog ko muna si Ozix, imposibleng ibibigay ko ito sayo eh hindi ko pa nga nakikita si Leana sa kwarto mo." Sabi niya dahilan para manigas ako, ibig sabihin. Ang nag bigay sakin ng papel ay ang nilalang na may gawa nito, at ginaya niya ang mukha ni Fin para linlangin ako? Tangina.

"Parang riddles ito." Sabi niya saka umupo sa tabi ko.

"Triangle of the devil, where there is a cities, shops, hotel and streets but no people?" basa niya saka napaisip.

"May cities,shops at hotel pero walang tao? Punyetang yan, kung sino man ang nag abot nito sayo talagang malilintikan sakin pagiisipin pa tayo." Irtang sabi niya.

"Sa tingin ko jan ko makikita si Yezrah, pero wala akong idea kung anong riddles yan, kung sana ay gising lang si Leona baka kanina pa natin nasagot ang riddles na yan." Sabi ko.

"Pero nag tataka ako, sinabi mong ako ang nag bigay nito sayo kahit na ang totoo ay hindi naman, ibig sabihin ang may pakana nito ay may kapangyarihang manggaya ng anyo." Sabi niya. Napalunok ako sa dalawang taong pumasok sa isip ko na may kayang manggaya ng anyo.

"Dalawang nilalang lang ang kilala kong may kakayahang manggaya ng anyo." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Si Lit at si Cleopatra." Sabi ko, bigla akong napatigil. Imposibleng si Lit ang may gawa nito.

"Tanginang Lit yan, baka siya na naman ang may pakana nito, hindi ba't ginaya niya si Rizden para makuha si Yezrah? Baka inulit niya na naman at sa pag kakataong ito talagang sobrang lala na ng ginawa niya." Sabi niya, tinignan ko ng masama si Fin.

"Walang kinalaman si Lit rito, hindi niya magagawa ang bagay na ito." Sabi ko.

"Talaga ba? Hindi ba't nagawa niya na?"sarkastikong tanong ni Fin.

Naiyukom ko ang aking kamao at pilit na pinakalma ang aking sarili, hanggat maari ay ayaw kong mag away kami ni Fin dahil sa mga binibitawan niyang salita kay Lit.

"Imposible namang si Cleopatra ang may gawa noon dahil una sa lahat, mas matino naman si Cleopatra kung ikukumpara kay Lit."

"Pwede bang manahimik ka at tigilan mo ang pag sasabi ng kung ano anong mga bagay tungkol kay Lit? Sinabi nang hindi nya nga kayang gawin ang bagay na ito." Napatayo ako ng sabihin ko ang mga ito.

"Talaga ba Von? Gaano mo kakilala ang Lit na yan ha? Hindi ba't sinaktan ka na nga niya at tinago ng matagal na panahon sayo ang anak ninyo at nito lang nakaraan ay gumawa pa siya ng eskandalo?!" Galit na sabi ni Fin.

Natigilan ako sa sinabi niya, nakita ko ang ngisi sa labi niya.

"Kapag nakita ko ang Lit na yan malalagot siya sa ginawa nya sa asawa ko."

"Subukan mong galawin si Lit, ako ang gagalaw sayo." Pagbabanta ko.

"Talaga? Sige, hihintayin ko yan."

"Pwede bang tumigil na kayo?" Sabay kaming napatingin ni Fin sa nag salita, si Cleopatra. Nakatayo siya sa pinto ng bahay namin at nakatingin sa amin.

"Nakita ko ang lahat ng nangyare kanina,"sabi niya dahilan para magkaruon ako ng pagasa.

"Sinong may gawa nito?"tanong ni Fin.
Huminga siya ng malalim saka lumapit sa amin.

"Hindi ko alam kung maniniwala kayo sa sasabihin ko pero.... Si Aphrodite ang may gawa nito." Sabi nya dahilan para matigilan ako.

"Ano?"

"Kakarating ko lang kanina ng umalis kayong dalawa, nakita ko pa sila Leana at Yezrah na kumakain sa dinning area. Habang si Leona naman at Rizden ay nanunuod sa sala, si Creed nag lilinis habang si Clementine ay inaalagaan si Ozix." Kwento niya.

"Nandito ako para bisitahin si Van, nang biglang dumating si Aphrodite na may mga kasamang lalaki. Hindi ko alam kung siya ba iyon pero kakaiba ang kinikilos ni Aphrodite kanina, at ang mga lalaking kasama niya ang sapilitang kumuha kay Yezrah, tinangka pa ngang agawin ni Leana at Leona si Yezrah sa mga lalaki pero may kung anong nilabas si Aphrodite, parang potion na gawa sa powder, bigla niyang hinagis yun sa ere dahilan para manghina sila Leana at Leona, ganon narin sila Creed, Rizden at Clementine." Kwento niya.

"Agad kong kinuha si Ozix at dinala sa kwarto niyo Fin, nilagay ko siya sa Crib niya at ginamit ang ilang spell na tinuro sakin ni Leana noon para maitago sa mga mata nila Aphrodite at ng mga kasama niya si Ozix." Sabi niya.

"Binalikan ko si Yezrah pero wala na, umalis na ang mga lalaking may dala sa kanya at tanging si Aphrodite nalang ang nasa baba at parang dinadala niya ang mga katawan ng mga kapatid niyo sa kanya kanya nilang mga kwarto. Bago pa niya ako makita ay lumabas na ako ng bahay at umuwi muna sa amin." Sabi nya. Tahimik kaming dalawa ni Fin dahil sa mga narinig namin.

"Hindi ko lubos akalain na magagawa ni Aphrodite ito." Sabi ni Fin at tumingin sa akin.

"Pasensya na sa mga nasabi ko tungkol kay Lit, nadala lamang ako ng galit." Sabi niya hindi ko siya pinansin. Naiyukom mo ang aking kamao dahil sa galit, maging ako ay hindi ko alam na kayang gawin ni Aphrodite ito, pero malinaw nang nasakanya si Yezrah.

"Ibig sabihin ay nasa kaya si Yezrah." Sabi ko. Umiling si Cleopatra.

"Hindi natin sigurado, sapagkat gaya ng sinabi ko, kakaiba ang kilos ni Aphrodite. Parang wala siya sa sarili niya." Sabi ni Cleopatra.

"Ito, alam mo ba ibig sabihin nito?"tanong ni Fin saka pinakita kay Cleopatra ang riddle na nakasulat sa papel, kumunot ang nuo ni Cleopatra.

"Bermuda Triangle." Sagot niya kaya napakunot ang nuo ko.

"Bermuda Triangle ang sagot sa riddle, Triangle of the devil,  may cities, shops at hotels pero walang tao. Hindi pwede ang mga tao sa Bermuda triangle." Sabi ni Cleopatra dahilan para magets ko na ang riddle.

"Von, kung kailangan mo ng tulong handa akong tumulong." Sabi ni Fin, napangiti naman ako sa sinabi niya. Nakita kong huminga ng malalim si Cleopatra saka ngumiti sa akin.

"Isama mo narin ako." Sabi niya sa akin dahilan para mapangiti ako.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon