Chapter 49

79 4 0
                                    

Von POV

"Sa ridles na pinakita sa akin ni Fin, Bermuda triangle ang sagot. Ibig sabihin may tyansa na naruon dinala ni Aphrodite si Yezrah." Sabi ni Cleopatra saka tinuro ang isang lugar sa mapa ng bermuda triangle.

"Itong parte na ito, naalala ko walang mga nilalang na narito dahil abandonado na ang lugar na ito, explosion of poison gas ang naging sanhi para hindi na mapuntahan ang lugar na iyan sa bermuda." Dagdag niya saka tumingin kay Lit.

"May idea ka ba kung saan pumapalagi si Franco?"tanong niya kay Lit, tumango si Lit bilang sagot.

"Lagi siyang nag tutungo sa likod ng hotel kung saan nandoon yung daan patungo sa sinasabi mong lugar na abandonado." Sagot ni Lit. Tumingin sa amin si Cleopatara.

"May tyansa na naruon si Yezrah, kaya ang una nating gagawin ay kukuha ng tyempo para makapasok sa lugar ng bermuda na hindi nakikita ng kahit na sinong nilalang sa lugar na iyon." Sabi ni Cleopatra.

"Parang ang imposible naman noon, iisa lang ang lagusan ng Bermuda." Sabi ko.

"Merong isang lagusan sa ilalim ng devil's sea, patungo yun mismo sa likod ng hotel kung saan nandoon yung abandonadong lugar ng bermuda." Sabi ni Lit kaya napatingin ako sa kanya.

"Minsan na akong dinala ni Franco sa lugar na iyon, at minsan narin naming napasok ang lagusan na iyon patungo sa likod ng hotel."dagdag niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa may alam siyang ibang lagusan o magagalit dahil kasama niya pa si Franco noong nag punta sila doon.

'Kalmahan mo Von, wala kang oras para mag selos, ireschedule mo nalang yan' pag papakalma ko sa sarili ko.

"Doon tayo lulusot papunta sa likod ng hotel, kapag nandoon na tayo sa lugar, dadahan dahanin natin ang pag pasok sa abandonadong lugar na iyon, hindi tayo nakakasiguro kung may bantay ba doon o wala." Sabi ni Cleopatra.

"Sa pagkaka-alam ko, may ilang pinasok si Franco na mga bantay sa lugar na iyon noong nakaraang buwan."komento ni Lit. "Sabi niya para iyon sa siguridad ng tinatayo niyang proyekto sa likod ng hotel." Dagdag niya.

"Hindi ba kayo nag tataka kung bakit sa dinami rami ng abandonadong lugar dito sa mundo, sa bermuda pa niya napiling dalhin si Yezrah?"tanong bigla ni Fin kaya napatingin kaming tatlo sa kanya. "I mean, yes siguro dahil sa tingin ni Franco abandonado naman ang lugar na iyon, pero hindi ba't madaming nilalang sa lugar na iyon at unting gulo lang makikita ng lahat ang nangyayare?"tanong ni Fin kaya napaisip rin ako.

Tama siya, unting gulo, makikita ng lahat ng nilalang ang nangyayareng gulo, hindi kaya may ibang plano si Franco at Aphrodite kaya nila dinala sa bermuda si Yezrah?

"Kung ano man ang binabalak ni Franco, tyak akong hindi yun uubra sa Bermuda, masyadong ganid sa kapayapaan ang mga nilalang na naruon, ang sino'mang gumawa ng gulo sa bermuda yun ang lalabas na masama sa lahat ng mga nilalang na naruon." Sabi ni Cleopatra saka nagpatuloy sa pag buo ng plano.

"Oras na mapasok na natin ang abandonadong lugar, dahan dahan nating kukunin si Yezrah saka tayo aalis sa lugar na iyon ng maingat. Mag tutungo tayo sa parte ng bermuda kung saan maraming nilalang para kung sakaling gumawa ng gulo si Franco, siya ang lalabas na masama at mapoprotektahan tayo ng ibang nilalang na naruon." Sabi ni Cleopatra saka tumingin sa amin.

"Humingi narin ako ng backup sa organization natin Von, naka standby na sila kung sakaling aalis tayo ngayong araw para isagawa ang plano." Dagdag niya.

"Tinawag ko ang ilang tropa, papunta na sila maya maya."singit naman ni Fin saka tumingin sa akin. "Pupunta sila dito para bantayan si Ozix, alangan namang isama ko sila at ang anak ko." Dagdag niya kaya napairap kaming tatlo.

"Tuloy natin ang pag alis mamaya." Sabi ko saka tumingin kay Lit. "Babawiin natin ang anak natin." Sabi ko sa kanya kaya napangiti siya.
Ito ang unang pagkakataon na makakasama ko si Lit sa isang laban para makuha ang anak namin, masaya ako dahil nandito si Lit sa tabi ko, ngunit nag aalala rin ako para sa anak namin. Nag aalala ako at hindi mapigilang magisip ng ilang mga bagay. Sana lang ay walang ginawang masama si Aphrodite kay Yezrah, dahil sa oras na may makita ako maski maliit na galos sa anak ko hinding hindi ko siya mapapatawad.

~~~

Ilang oras ang lumipas, tapos na kami sa pag hahanda ng ilang mga gamit na kakailanganin namin mamaya, nakarating narin ang tropa ni Fin na siyang mag babantay sa anak niya at sa mga kapatid naming nandito sa bahay.

"Ito ipainom niyo to mamayang gabi sa kanya isang drop lang nito tas tubig na icheck niyo rin yung diaper niya baka puno na ng ihi or baka may poop siya pag nagutom siya nasa refrigerator yung gatas niya naka bote na iyon ibabad niyo muna sa maligamgam na tubig yung chupon para uminit yung gatas sa loob bago niyo ipadede sa kanya, tapos pag maliligo na siya lagyan nyo ng oil yung buhok niya tas langis yung tyan niya para di siya kabagin." Natawa ako habang nakatingin kay Fin na binibigyan ng instructions ang mga tropa niya.

"Pabighayin niyo rin siya after niya dumede para di sumakit yung tyan, nanjan na yung lampin tapos yung damit na susuotin niya may tatak yan 'day at night' common sense nalang sa pag suot sa damit niya." Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang pag tawa ko.

"At saka, wag na wag kayong papasok sa kwarto ko para bosohan ang asawa ko may cctv kami sa kwarto kaya makikita ko kung pumapasok kayo doon." Maangas niyang sabi saka tumingin sa anak niyang si Ozix.

"Mag pakabait ka sa mga mokong na ito, wala pa naman akong tiwala sa kanila." Bulong niya kay Ozix.

"Fin para kang tanga." Humagalpak ang tawa ko ng marinig ko ang sinabi ng isang kaibigan niya. "Papapuntahin mo kami dito para mag babysit tapos sasabihin mo wala kang tiwala samin." Dagdag nito, tumingin sa akin ng masama si Fin bago niya ibigay si Ozix doon sa kaibigan niyang nag salita.

"May mga pagkain na sa refrigerator kuha nalang kayo pag nagutom kayo." Sabi ni Cleopatra saka tumingin sa amin ni Lit.

"Tara na?"tanong niya tumango ako bilang sagot.

"Fin tara na." Tawag ko kay Fin na hindi parin tapos mag bilin sa mga tropa niya. Nauna na kaming tatlo nila Lit sa sasakyan na gagamitin namin, si Cleopatra ang mag mamaneho ng sasakyan, tumingin si Lit sa akin.

"Ang overprotective ng kapatid mo." Sabi niya kaya natawa ako.

"Narinig ko yun babaeng mapanakit." Biglang sabi ni Fin na sumulpot lang bigla tumingin siya sa akin ng masama.

"Palibhasa hindi mo naranasan mag palit ng dayaper ni Yezrah." Pang aasar ni Fin sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Natawa lang ang dalawang babaeng nasa unahan namin.

"Kumapit kayo,lilipad tayo." Pagkasabi noon ni Cleopatra ay bigla ng umandar ang sasakyan namin ng kay bilis. Dahilan para mapakamit ako sa inuupuan ko.

"PWEDE BANG BAGALAN MO SAGLIT NASUSUKA NA AKO!" sigaw ni Fin na nakahawak sa bibig niya. Napapikit ako dahil sa sobrang bilis ng sasakyan namin.

"Nandito na tayo." Yan ang huli kong narinig bago ako makaramdam ng basang likido mula kay Fin at mawalan ng malay.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon