Chapter 60

136 7 1
                                        

Von POV

"Tulongan niyo kami!" Sigaw ko ng makarating ako sa harap ng bahay na pinapaniwalaan kong bahay namin ng mga kapatid ko. Agad kong nilabas si Aphrodite sa loob ng kotse at kinarga papasok ng bahay, hindi pa ako nakakapasok ay agad na tumambad sa harap ko si Lit.

"Anong nangyare sa kanya?" Nag-aalalang tanong niya. Tinignan ko si Aphrodite na namumutla at wala ng buhay.

"Bigla siyang nawalan ng malay matapos niyang aminin sa akin ang lahat." Sagot ko saka tumingin kay Lit na ngayon ay nasa harap ko na at tinitignan si Aphrodite, alam kong nag aalala rin siya para kay Aphrodite.

"Wala rito si Leana pero si Leona ay lumabas muna saglit." Sabi niya habang tinutulongan akong ipasok si Aphrodite sa loob ng bahay, dahan dahan naming ihiniga si Aphrodite sa sofa.

"Wala na syang pulso." Sabi niya matapos niyang kapain ang palapulsuhan ni Aphrodite. 

"Ang huling sinabi sa akin ni Aphrodite ay kinokontrol siya ni Franco kaya niya nagawa ang mga bagay na iyon." Sabi ko, agad na nilabas ni Lit ang kanyang cellphone saka may tinawagan.

"Leona? pwede bang bumalik ka rito sa bahay, narito si Von kailangan namin ng tulong mo." Rinig kong sabi niya sa kausap niya sa kabilang linya, napatingin ako kay Aphrodite na nangingitim ang mga labi. 

"Pabalik na si Leona rito." Sabi niya, napaupo ako sa kabilang sofa at kinalma ang aking sarili.

"Naniniwala ako kay Aphrodite na kaya niya lamang iyon ginawa ay dahil sa kinokontrol siya ni Franco." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya, ngumiti siya sa akin ng malumanay. "Kilala ko siya kahit na hindi kami masyado magkasundo, kung paano niya alagaan si Yezrah noong mga panahong wala ako sa tabi niya at kung paano ka niya samahan noong mga panahong wala ako sa tabi mo." Sabi niya, umupo siya sa tabi ko saka hinawakan ang kamay ko, dahilan para bumilis ang tibok ng aking puso.

"Magiging ayus rin ang lahat." Sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko, hindi ako makapaniwala na nasa harap ko na ang tunay na Lit, ang totoong Lit na minahal ko.

"Anong nangyare?" Naptingin kaming dalawa ni Lit sa pinto ng marinig namin ang boses ng isang babae, si Leona.  Tumingin siya sa gawi namin at nakita ko kung paano kumorte ang ngiti sa kanyang mga labi ng makita niya ako.

"Von, sa wakas bumalik ka na sa amin." Sabi niya at agad na nag teleport papunta sa harap ko para yakapin ako, napangiti ako dahil sa ginawa niya, hindi ko natatandaan na ganito kami ka-close ni Leona, natutuwa ako dahil sa mainit niyang pagsalubong sa akin.

"Leona, si Aphrodite." Sabi ni Lit kaya napakalas si Leona ng pagkakayakap sa akin saka tinignan si Aphrodite na walang buhay na naka higa sa sofa, dahan dahan niyang nilapitan si Aphrodite at saka ito hinawakan sa ulo. 

Ilang minuto ang lumipas ng tumingin sa amin si Leona, "May lason sa katawan niya, lason na naging dahilan ng pagkamatay niya." Sabi niya dahilan para matigilan ako. 

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Lit na nasa tabi ko, muli niyang ibinalik ang kanyang tingin kay Aphrodite.

"Ang lason sa katawan niya ay kaparehas ng lason na dumaloy kay Van na naamoy mo noon Von. Matagal ko na itong sinabi kay Aphrodite na may naamoy akong lason sa kanyang katawan, hindi ko nga lang natanong kung anong nangyayare sa kanya at bakit may lason sa katawan niya, natatandaan ko ang huling usapan namin may nais siyang sabihin pero hindi niya naituloy dahil sa may tumawag sa akin." kwento niya. 

"Kung ganon, pwede pa natin siyang gamutin hindi ba? Kagaya ng ginawa natin kay Van?" Tanong ni Lit, tumingin si Leona sa amin saka umiling bilang sagot.

"Wala ng gamot na natira Lit." Sabi niya, "Ang lason na dumadaloy sa katawan niya ay kakaibang lason na tanging limitadong gamot lamang ang makapag aalis sa lason na iyon. Isang bote ng gamt ang kailangang ipainom sa kanya para mawala ang lason sa katawan niya." Sabi ni Leona.

"Eh di gumawa ka ng bago." Sabi ko dahilan para mapatingin sa akin si Leona, "Hindi ba't isa sa mga kapangyarihan mo ay ang gumawa ng mga potion? Bakit hindi nalamang tayo gumawa ng bago." Sabi ko. 

"Von, hindi ko alam kung paano nagagawa ang mga potion na gaya ng gamot na kailangan niya, tanging mga matatandang witch lang ang may kakayahang gumawa ng mga gamot na iyon, matagal ng nawala ang mga matatandang Witch, Von. Saka isa pa.."Tumigil siya saka tumingin kay Aphrodite at tumayo.

"Kahit na makagawa tayo ng gamot para sa lason, huli na ang lahat." Dagdag niya dahilan para manigas ako sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin Leona?" Tanong ko.

"Tumigil na ang pag tibok ng kanyang puso Von, nanigas na ang kanyang katawan at nangitim na ang kanyang labi, patay na siya Von." Sabi niya dahilan para mabato ako sa aking kinatatayuan.

"Hindi pwede." Sabi ko habang nakatingin kay Leona. "Kausap ko pa siya kanina, nagtatalo pa kami kanina." Sabi ko, kasunod noon ang pagtulo ng aking luha dahil sa sinabi ni Leona, hindi ko alam kung bakit ako umiiyak dahil sa nalaman ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang naging reaction ko dahil sa mga nalaman ko.

Galit ako sa kanya, oo dahil sa mga ginawa niyang mali sa akin, dahil sa pinaniwala niya ako na siya si Lit, galit ako sa kanya pero bakit ganito nalamang ang naging reaksyon ko ng malaman ko na wala na siya? 

"Von.."Niyakap ako ni Lit dahilan para mas lalong tumulo ang mga luha ko.

"Hindi maaari, sabi niya sa akin ay hindi niya ginusto na gawin ang bagay na iyon, hindi nya gustong paikutin ako at paniwalaing siya si Lit, ang sabi niya ay ginawa niya lamang iyon para protektahan kami ni Yezrah..."Sabi ko habang yakap yakap si Lit.

"Kung alam ko lamang na ang buhay niya ang kapalit sa pag protekta sa amin ni Yezrah ay sana may ginawa akong aksyon para napigilan ko siya." Sabi ko, unti unting nag balik sa akin ang lahat ng mga ala-ala ko, lahat ng kung paano ko siya nakilala, kung paano niya ako sinamahan sa lahat ng problema ko, kung paano niya piniling manatili sa tabi ko kahit nasasaktan na siya, kung paanong pinili niyang samahan ako sa lahat ng mga bagay na dapat ay ako lang ang haharap.

"Von... bakit ganyan nalamang kalabis ang iyong pagtangis para sa kanya?" Bulong na tanong ni Lit sa akin habang yakap yakap ko, natigilan ako sa sinabi niya.

Dahan dahan akong humiwalay sa pagkakayakap ni Lit sa akin, tinignan ko siya at nakita ko ang namumuong luha sa kanyang mga mata. 

"May nararamdaman ka ba para sa kanya Von?"Mahinang tanong niya habang nakatingin sa akin, natigilan ako sa sinabi niya at napaisip, meron nga ba? hindi ko alam.

"Ano bang sinasabi mo Lit?" Tanong ko, tumingin lang sa akin si Lit saka ngumiti. Hinawakan niya ang aking nuo at ilang sigundo pa ay tumulo sa mga mata niya ang luhang kanina niya pa pinipigilan.

"Tama nga si Aphrodite, kung saan wala na siya saka ka magkakagusto sa kanya, kung kailan huli na ang lahat saka mabubuo ang pagtingin mo sa kanya..." Sabi niya habang hawak niya ang nuo ko, agad kong hinawakan ang kanyang kamay na nakahawak sa aking nuo.

"Lit, ano bang sinasabi mo?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Nagkaruon ng pangitain si Aphrodite na magaganap ang bagay na ito, Von." Sabi niya habang nakatingin sa akin. Natahimik ako at napatingin kay Aphrodite.

Kung ganon, alam niya na mangyayare ang bagay na ito.

~~~~
Tweet me redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Where stories live. Discover now