Chapter 62

134 6 0
                                        

Lit POV

"Sa ngayon nakatulog na si Yezrah dahil sa gamot na binigay ni Leana sa kanya." Rinig kong sabi ni Leona na kakalabas lamang sa pinto ng kwarto ni Von. "Sinara ko narin ang mga bintana sa kwarto para hindi siya makalabas at hindi makapasok ulit ang may gawa nito." Dagdag niya.

Napatingin ako sa gawi ni Von na napapikit habang hinihilog ang kanyang nuo, gaya ko, alam kong nag aalala rin siya para sa anak namin.

"May isang black vampire ang kumagat kay Yezrah na naging dahilan para maging Black Vampire din siya, naadapt niya ang likidong dumaloy sa kagat ng bampira na iyon kaya naging ganon si Yezrah." Sabi niya saka umupo sa harap naming dalawa ni Von.

"Ibig sabihin isa nang black vampire si Yezrah?"tanong ni Creed na nasa kanang bahagi ng sofa.

"Ganon na nga." Sagot ni Leona.

"Pero isang wolf si Yezrah, paanong bigla nalang siya naging black vampire dahil sa isang kagat?"tanong ni Fin na katabi ang kanyang asawa.

Inilabas ni Leona ang kanyang wand saka may mahikang binulong sa hangin kasabay noon ang pag labas ng mga imahe sa harap namin.

"Ang black vampire ay isang nilalang na malakas ang taglay na kapangyarihan, kapag nakagat ang isang nilalang at nadaluyan ng likido ang laman nito, automatikong magiging black vampire ang nilalang na nakagat." Paliwanag ni Leona kasunod noon ang paglabas ng ilang image ulit.

"Sa makatuwid parang rabis ang laway ng mga black vampire na dadaloy sa laman ng nakagat nito hanggang sa mapunta sa utak ng nakagat nito at unti unting babaguhin ang utak." Dagdag niya saka muling lumabas ang ilang imahe na nag mumula sa wand niya.

"Ito yung nangyare kay Ella na ex ni Van at sa ex ni Rizden." Biglang sabi ni Creed kaya napatingin ako kay Rizden, natawa si Rizden habang nasa tabi niya si Creed.

"At alam ng mga pure vampire na walang lunas sa pagiging black vampire maliban nalang kung kakagatin muli ng isang black vampire si Yezrah." Sabi ni Leona kaya nabaling ang tingin nila sa akin. Napalunok ako. Saan naman ako kukuha ng maamong black vampire na kakagat sa anak ko?

"Hindi niyo ba madadaan sa gamot ito?"tanong ni Von. Umiling si Leona.

"Laway laban sa laway, yan ang patakaran ng mga black vampire." Sabi niya saka nawala ang imahe na nang gagaling sa kanyang wand.

"Saan naman tayo kukuha ng black vampire na kakagat kay Yezrah para mabalik siya sa dati?"tanong ni Von at napahilamos sa kanyang mukha.

Nawawalan na ako ng pagasa sa mga oras na ito, hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Kasalanan ito lahat ni Franco, kung hindi dahil sa kanya hindi mangyayare ito sa anak namin ni Von, hindi mag kakagulo ngayon sa burol ni Aphrodite.

Franco...

Natigilan ako sa biglang pumasok sa isip ko, isa syang black vampire. Marahil ay siya ang kumagat sa anak ko para mangyare ito at ang plano niya ay papakiusapan ko siya para maibalik si Yezrah sa dati..

Napatingin ako kay Von, ramdam ko ang pagkabahala ni Von. Tila nadurog ang puso ko habang nakatingin sa kanya.

Kailan ka ba sasaya sa piling ko Von?

Huminga ako ng malalim saka tumayo sa aking kinauupuan.

"Tutungo lamang ako sa banyo." Sabi ko saka pumunta sa banyo malapit sa kusina. Pagkasara ko ng pinto ng banyo ay inilabas ko ang Cellphone sa aking bulsa saka hinanap ang numero ni Franco.

Nang makita ko na ang numero niya ay tumingin muna ako sa mahiwagang salamin na nasa harap ko kung saan nakikita ko ang aking repleksyon.

Ang dami ng problema ang naibigay ko kay Von, ang daming problemang nangyayare simula ng tumakas ako kay Franco.
Hindi ko na hahayaan pang mabigyan ng problema si Von ulit ng dahil lang sa pagtakas ko kay Franco, hindi ko hahayaan na maging malungkot pa ulit si Von ng dahil sa akin.

Kung ang pakikipag kasundo kay Franco ang paraan para matahimik na ang buhay ni Von at ng anak namin, gagawin ko. Alang alang sa mag-ama ko.

Agad kong pinunasan ang luhang tumulo sa aking mga mata at pinakalma ang aking sarili. Ang gusto ko lang naman ay makaaama ang mag ama ko, pero bakit ayaw ng tadhana mangyare ang gusto ko? Masyado ba akong makasarili sa lagay na ito?

Nanginginig ang aking kamay ng pindutin ko ang button ng 'call' kasabay non ang pag dial sa numero ni Franco at pagtunog nito.

Napatakip ako sa aking bibig upang pigilin ang paghikbi ko, natatakot ako na baka marinig ni Von ang pag iyak ko.

"Lit... napatawag ka, babalik ka na ba sa akin?" Bungad ni Franco ng sagutin niya ang tawag. Napapikit ako dahil sa inis at galit na nararamdaman ko sa kanya.

"Itigil mo na ito." Madiin kong sabi.

"Ang alin?" Maang maangan niya.

"Itigil mo na ang kagagohan mo Franco, babalik na ako sayo." Sabi ko dahilan para marinig ko ang pag hagakhak ng kanyang tawa.

Patuloy lang sa pag agos ang aking mga luha kahit na anong pag pipigil ko ay tila may sarili silang isip na mahirap pigilan.

"Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis Lit." Ramdam mo ang ngiti sa kanyang mga labi ng sabihin nya ito.

"Bukas ng hating gabi, mag tungo ka sa white house na pag mamay-ari mo, doon kita susunduin." Sabi niya.

"Si Yezrah, ibalik mo sa dati ang anak ko." Sabi ko habang nakakunot ang aking nuo.

"Paano ko siya maibabalik sa dati kung bantay sarado ng mgs Vaughn ang anak mo Lit?"nangaasar niyang tanong. Napakuyom ako sa aking kamao dahil sa inis na aking nararamdaman.

"Kung gusto mo dalhin mo si Yezrah bukas sa white house kung saan tayo mag kikita, at doon ibabalik ko siya sa dati." Sabi niya habang nakangiti.

Napapikit ako muli at pinigilan ang aking pag hikbi.

"Si Aphrodite..." bulong ko.

"Anong meron kay Aphrodite?"maang niyang tanong na mas kinainis ko.

"Ibalik mo si Aphrodite." dagdag ko narinig ko ang pag tawa niya dahil sa sinabi ko.

"Lit, paano ko maibabalik ang patay na?"tanong niya sa akin."Hindi naman ako Dyos para maibalik ang buhay niya Lit." Dagdag niya.

"Kasalanan mo kung bakit siya namatay, kasalanan mo kung bakit ganito ang mga nangyayre ngayon." Galit kong sabi sa kanya, natawa siya ng bahagya saka biglang sumeryoso ang kanyang boses.

"Lit, baka nakakalimutan mo, na ikaw ang tumakas sa akin. Hindi magkakaganito kung hindi ka tumakas sa akin Lit, kaya kasalanan mo ang lahat ng nangyayare. Kasalanan mo kung bakit namatay si Aphrodite, kasalanan mo kung bakit nakakanda letche letche ang buhay ng mga Vaughn, kasalanan mo kung bakit naging Black Vampire ang anak mo at... kasalanan mo kung bakit malungkot si Von ngayon.." napahinto ako sa kanyang sinabi lalo na sa huling sinabi niya.

Tama siya... kung hindi ako tumakas mula sa kanya, hindi magiging malungkot si Von ng sobra.

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Where stories live. Discover now