Chapter 15: Dusk Till Dawn

253 6 2
                                    

Dusk Till Dawn

~~~~

Von POV

"Von may nag hahanap sayo sa labas." Tumingin ako kay Creed ng tawagin niya ako.

"Sino daw?"tanong ko.

"Yung mapanakit bro."sagot niya kaya kumunot ang nuo ko. Tumayo ako mula sa pagkaka upo sa sofa at nag lakad palapit sa gate. Binuksan ko iyon ng maka lapit ako at halos mahulog ang puso ko ng makita ko si Lit na naka tayo mula sa harap ko habang naka tingin sa akin.

"Mon A-amour..."utal kong sabi. Ngumiti siya sa akin.

"P-pasok ka."sabi ko. Umiling siya habang naka ngiti.

"Aalis din ako kaagad."sabi niya.

"Pumunta lang ako dito para isauli to." Sabi niya at nilahad sakin ang isang paper bag. Kinuha ko iyon at tinignan ang laman. Ang hoodie ko at ang payong. Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

"Dapat di mo nalang sinauli."sabi ko.

"Wala naman akong gagawin jan."sabi niya at napa kamot sa ulo. "Wala naman akong balak na itago ang mga gamit na di ko pag mamay-ari." Dagdag niya. Walang nag bago. Mapanakit parin siya gamit ang salita.

"Ganon ba." Sabi ko nalang at ngumiti sa kanya. Naiilang ako!

"Si-sige pasok na ko." Paalam ko at tinalikuran sya. Akmang mag lalakad na ko papasok ng tawagin niya ako.

"Von." Tangina. Parang umulan ng pag mamahal ng tawagin niya ako. Walang nag bago, iba parin ang epekto  nya sa akin.

"B-bakit?"kinakabahan kong tanong at dahan dahang lumingon sa kanya. Gago nababakla ata ako.

Ngumiti siya sa akin.

"Kinagagalak ko na makita ka ulit." Sabi niya. Hindi ko alam pero bigla nalang akong nasaktan sa sinabi niya.

Ngumiti ako ng pilit. Muling bumalik sa akin ang scenario na ikinakasal siya sa kaibigan ko.

"A-ako din." Sabi ko.

"After 5 years nakita ulit kita." Naka ngiting sabi niya.

"Tama. Nakita mo ulit ako."sabi ko at ngumiti saka tumingin sa baba.
"5 years ago, sinabi mo na mag kikita ulit tayo." Sabi ko at inangat ang paningin ko sa kanya saka ngumiti ng mapait.

"Sinabi mo na mag kikita ulit tayo at tayo ang para sa isa't isa." Tila mahika ang salitang binitawan ko dahil sa isang iglap biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Von..."

Tumingin ako sa langit saka binalik ang paningin sa kanya.

"Umuwi ka na, Mukhang uulan na naman."sabi ko at ngumiti sa kanya. Kitang kita ko kung paano niya pigilan ang luha niya. Muli akong tumalikod sa kanya at akmang papasok na ng mag salita siya.

"Nalulungkot ka ba.... Dahil hindi ikaw ang pinakasalan ko?"tanong niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano sa tanong niya.

Nasaktan ako, nasaktan ako kase hinintay ko siya. Pero ayokong isumbat sa kanya ang mga araw na siya lang ang laman ng isip at puso ko habang siya ay may iba nang nais.

"Hindi." Sagot ko. Napa pikit ako agad. Buti na lamang ay naka talikod ako sa kanya. Kung hindi ay siguradong nakita niya kung paano bumagsak ang luha ko.

"Kung ganon.... Wag mo na isipin ang pangakong binitawan ko sayo noon." Sabi niya kaya patago kong iniyukom ang kamao ko.

Ganon lang ba kadali sa kanya na kalimutan yun? Para sakin yun ang pinaka mahirap na gawin dahil halos kalahati ng buhay ko ay yun ang naging inspirasyon ko para patuloy akong lumaban.

"Kalimutan mo na din na.... Sinabi ko yun."

Ganon lang ba kadali para sa kanya na sabihin yan? Paano? Paano niya nagagawang sabihin ang mga bagay na yan?

"Kalimutan mo na ako Von."

Para akong nabingi sa sinabi niya. Sunod sunod na pumatak ang luha ko dahil sa sinabi niya. Paano ko siya kakalimutan kung siya lang ang babaeng nag paramdam sakin noon na importante ako at mahalaga ako? Paano ko siya kakalimutan kung ang kalahati ng buhay ko ay sa kanya ko na binigay?

Humarap ako sa kanya. Kitang kita ko kung paano tumulo ang luha niya habang naka tingin sa akin.

"Kakalimutan na din kita."

Ang daling sabihin ng mga salitang binitawan niya, pero kaya niya bang gawin yun? Kaya ko bang gawin yun? Alam niya at alam ko kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

"Yan ba ang gusto mo Mon Amour?"tanong ko. Kita ko kung paano nya punasan ang luha niya.

"May asawa na ako ngayun Von." Sabi niya.

"At masaya ako sa kanya." Dagdag niya.

"Kita ko nga."sabi ko at ngumiti sa kanya. Huminga siya ng malalim saka ngumiti sa akin.

"Sorry." Bulong niya.

When a promise turns into a Sorry.

"Kinagagalak ko na... Makita ka ulit sa huling pag kakataon, Von."

And a sorry turns into Good-byes.
And Goodbyes leads you to become strangers,
A strangers with memories.  a memories turns to be the most painful thing you wanted to forget. Ka gandang cycle of love.

Habang pinag mamasdan ko kung paano siya mag lakad sakin palayo ay patuloy na tumutulo ang luha ko.

"Kinagagalak ko.... Na makita kang masaya... Sa piling ng kaibigan ko.... Mon amour." Bulong ko sa hangin.

Nakatanaw lamang ako sa dereksyon kung saan siya nag lakad ng may isang palad ang dumapo sa pisngi ko at pinunasan ang luha ko. Tinignan ko kung sino yun at nakita si Aphrodite na naka tingin sa akin ng seryoso habang pinupunasan ang luha ko.

"Feelings can be controlled, but tears never lie." Sabi niya at tumingin sa akin saka ngumiti.

"Kinontrol mo ang sarili mo kanina, ng sa ganon ay hindi mo siya masaktan. Tama ba?"tanong niya.  Hindi ako sumagot.

"Napaka swerte niya dahil mahal mo siya." Sabi niya at yumuko.

"Sana ako nalang siya. Sana ako nalang ang mahal mo Von." Bulong niya.

May nasasaktan akong tao habang nasasaktan din ako. Tangina ang sarap mawala bigla.

~~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon