Chapter 50

157 3 0
                                        

Von POV

Binuksan ko ang aking mga mata at ang mukha ni Lit na nag aalala ang una kong nakita, nakatingin siya sa akin at parang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan ng makitang gising na ako.

"Buti naman gising ka na." Rinig kong sabi ng isa pang boses, galing kay Fin.

Dahan dahan akong tumayo at napansin kong nasa loob parin kami ng sasakyan.

"Nawalan ka ng malay pagkarating natin dito, siguro ay dahil sa mabilis na pag papatakbo ni Cleopatra." Sabi ni Lit saka inabot sa akin ang isang bote ng tubig.

"Isang oras ka ng walang malay." Sabi ni Cleopatra na nasa drivers sit, tinignan ko siya ng masama.

"Drive to heaven yung ginawa mo kanina. Bwiset." Sabi ko, ngumisi lang siya.

"Sya nga pala, habang wala kang malay ay nag masid muna kaming tatlo, napag-alaman namin na walang bantay sa loob kaya malaya tayong makakapasok." Sabi ni Fin saka binato sa akin ang isang mask.

"Mag ready ka na, kukunin na natin ang anak mo." Dagdag niya kaya napatingin ako kay Lit na nakangiti sa akin, agad akong nag handa at nag ayos ng aking sarili, nang ayos na ay sinenyasan ko sila para gawin ang aming napagusapang plano.
Dahan dahan kaming lumabas sa sasakyan saka tumingin sa isa't isa.

"Mauna na ako sa inyo, titignan ko ang ilang parte baka may bantay." Sabi ni Fin saka nag transform bilang paniki. "Gawin niyo nalang ang signal pag nakuha niyo na si Yezrah." Dagdag niya saka lumipad palayo sa amin. Tumingin sa amin si Cleopatra.

"Hahanapin ko ang location kung saan naruruon si Yezrah, mag iingat kayong dalawa,  baka nasa paligid lang ang kalaban." Sabi ni Cleopatra na nag transform bilang white wolf saka tumalon sa napaka taas na gate ng abandonadong lugar.

Kaming dalawa na lamang ni Lit ang natira, tumingin ako sa kanya.

"Mas mabuti kung hindi tayo maghihiwalay." Sabi ko kaya kumunot ang nuo niya. "I mean, mas mabuti kung di tayo mag hihiwalay ng dereksyon para sabay nating makuha si Yezrah." Sabi ko sa kanya, tumango siya saka siya nag transform bilang paniki habang ako naman ay bilang werewolf. Agad kong tinalunan ang mataas na gate ng abandonadong lugar saka bumalik sa pagiging anyong tao ng makalapag ang mga paa ko sa lupa. Tumingin ako kay Lit na bumalik rin sa pagiging anyong tao.

"Nakita ko na si Yezrah." Rinig kong boses ni Cleopatra mula sa mini earphone na nakakabit sa amin ngayon. Konektado ang earphone naming apat kaya maririnig naming lahat ang sinasabi ng bawat isa.

"Nasa kaliwang bahagi ng building pangatlong palapag." Dagdag ni Cleopatra. "Nandoon rin si Aphrodite." Nagkatinginan kami ni Lit dahil sa huling sinabi ni Cleopatra. Agad kaming tumakbo patungo sa dereksyon na sinabi ni Cleopatra sa amin.

"Pupunta ako sa kabilang room kung nasaan si Yezrah, titignan ko kung may bantay."

"May nag roroam na bantay sa unang palapag." Boses naman ni Fin ang narinig namin ngayon, patuloy kami sa pag takbo ni Lit papunta sa pinto ng abandonadong building na tinutukoy nila.

"Nakita ko si Franco nasa entrance ng building."napahinto kami sa sinabi ni Fin.

"May available bang daanan jan?"tanong ko.

"Dito sa kanan Von, may open na pinto walang tao sa labas hindi ko lang sigurado kung may tao sa loob." Sabi ni Cleopatra, agad kaming nag tungo sa sinabi niyang dereksyon.

"Von tago." Agad akong hinila ni Lit padapa sa damohan nang may makita siyang bantay na kakalabas lang sa pintong sinabi ni Cleopatra.

"Positive, may tao sa loob." Bulong ko sa mini mic na naka kabit sa akin.

"Pupuntahan ko kayo." Rinig kong sabi ni Cleopatra kaya naghantay kami ni Lit ng ilang minuto hanggang sa makita namin kung paano tumalsik palabas ng pinto ang isang bantay, agad na naalerto ang isa pang bantay na nakita ni Lit kaya naman agad akong nag transform sa pagiging werewolf at tumakbo papunta sa bantay na iyon para kagatin ang katawan niya.

Nalasahan ko ang dugong lumabas mula sa kanyang katawan habang kagat kagat ko sya hanggang sa maihagis ko ang katawan niya sa puno. Agad akong bumalik sa pagiging tao at masuka suka pa habang pinupunasan ang bibig ko.

Kadiri.

Lumabas si Lit sa pinag tataguan niya at lumapit sa akin.

"Naalarma ang ilang bantay, alam na nilang nanjan kayo." Rinig kong sabi ni Fin kaya nagkatinginan kaming tatlo.

"Si Yezrah." Sabi ko saka sumenyas sa kanila na umalis na kami dito, pumasok kami sa pinto ng abandonadong building saka nag mamadaling umakyat sa hagdan.

"Hindi ko sya makita." Sagot ni Fin.

"Pupuntahan ko sya." Sabi ni Cleopatra saka nag transform bilang wolf at mabilis na umakyat sa bawat gilid ng hagdan, narinig ko ang ilang ingay ng mga bantay na paparating na sa amin.

"Kunin niyo si Yezrah, kami ng bahala ni Lit sa mga bantay na papunta dito." Sabi ko at muling bumalik sa pagiging wolf ng makita ko na ang mga taong papalapit sa amin, may hawak silang sandata kaya medyo nahirapan ako sa pag lapit sa kanila, agad kong binalibag ang katawan ng isang lumapit sa akin na tao saka mabilis na bumalik sa anyong tao at sinapak ang nasa likuran kong kaaway.

"Von sa taas!" Rinig kong sigaw ni Lit kaya agad akong bumalik sa pagiging wolf at sinalubong ang papalapit na werewolf sa akin mula sa itaas.

Agad kong kinagad ang paa nito saka kinalmot ang mata niya at muling kinagat ang gitnang katawan niya hanggang sa mahati ito.

"Nakita ko na si Yezrah." Rinig kong sabi ni Cleopatra ngunit patuloy parin ako sa pakikipag laban sa mga bantay. Ganon din si Lit na may hawak ng spada ngayon.

"Nakuha na namin siya." Rinig kong sabi ni Fin kaya medyo naginhawaan ako dahil alam kong ligtas na ang anak ko.

"Mag tutongo na kami sa sasakyan, hihintayin namin kayo doon." Rinig kong sabi ni Cleopatra, narinig ko pa ang boses ni Yezrah na umiiyak kaya napatingin ako kay Lit.

"Lit, mauna ka na sa sasakyan." Sabi ko saka sinakal ang isang bantay na lumapit sa akin at sinuntok.

"Ayoko, sabay tayo pupunta sa sasakyan."

"Umiiyak si Yezrah kailangan ka niya." Sabi ko kaya napatingin siya sa akin.

"Pero paano ka?" Tanong niya saka sinaksak ang nasa harap niyang werewolf, ngumiti ako sa kanya.

"Susunod ako, pangako." Sabi ko at sinaksak ang huling kaaway na nasa harap ko. Agad akong lumapit kay Lit at niyakap siya saka hinalikan ang kanyang nuo.

"Pangako, susunod ako. Naririnig ko ang mga yabag ng mga kalaban na papunta sa dereksyon na ito, kailangan ko silang pigilan para hindi tayo masundan." Sabi ko. Tumango siya at hinalikan ako sa pisngi.

"Mag iingat ka." Sabi niya at tumalikod, akmang mag lalakad na siya ng biglang nasa harap na namin si Franco at may hawak na baril, kasama si Aphrodite na iba ang awra. Nakita ko ang kakaibang ngisi sa labi ni Aphrodite at Franco. Agad kong hinila si Lit papunta sa likod ko.

Saka ko lamang napansin na napapalibutan na pala kami ng kaaway, agad akong napalunok at niyakap si Lit.

"Long time no see, Von." Ngising sabi ni Franco habang nakatutok sa amin ang hawak niyang baril.

~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant