Chapter 17:Yezrah

315 9 0
                                        

Yezrah

~~~~

Von POV

"Hintayin nalang kita  dito." Sabi ko kay Aphrodite. Tumango siya at lumabas ng Kotse.

Sinamahan ko siyang bumili ng kailangan para sa party ni Leana mamaya. Girl bonding daw, sabi ni Leana. Hindi ko alam sa kanila kung bakit may pa ganon sila. Ang hirap intindihin ng mga babae.

Huminga ako ng malalim at sumandal sa upuan ko. Pinikit ko ang mata ko saka huminga ng malalim.

Kapayapaan.

"Kalimutan mo na ko Von."

Naimulat ko ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Lit.
Pati ba naman sa pag pikit ng mata ko, naririnig ko parin ang boses niya.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa harap.

"Paaano kita makakalimutan? Kung sa bawat angulo ng buhay ko naruon ka?"tanong ko sa sarili ko at napa iling.

Dapat pala sumama nalang ako kay Aphrodite.
Nahampas ko ang manubela ng sasakyan ko saka inis na lumabas ng sasakyan ko. Kinuha ko ang phone ko at agad na dinayal ang numero ni Aphrodite.

(Hello Von?)

"Nasaan ka?" Tanong ko habang nag lalakad sa parking.

(Nasa may grocery store, papasok palang. Bakit?)

"Hintayin mo ko jan."sabi ko at binaba ang tawag ko.

Papatawid na ko sa kabilang bahagi ng parking ng makarinig ako ng batang umiiyak. Napa hinto ako ng makita ang isang bata na naka upo sa gilid ng isang sasakyan. Naka suot ito ng itim na damit at puting maong pants.

Hindi ko sana lalapitan ang bata pero may kung ano sa akin ang nag udlok para lapitan siya.

"Bata, ayus ka lang ba?" Dahan dahang inangat ng bata ang kanyang mukha sa gawi ko at ganon nalang ang gulat ko ng makita ang familiar na mukha ng bata.

Parang nakita ko na siya, somewhere.

"K-kayo po yung isa... Sa mga kaibigan ni Mama, tama po ba?" Tanong niya at ngumiti sa akin. Kumunot ang nuo ko at saka ko lang na aalala na siya yung batang nakita namin ni Aphrodite sa White House. Siya si Yezrah.

"Ikaw si Yezrah tama ba?"tanong ko at lumuhod sa harap niya.

Tinawag niyang mama si Lit.

"Opo."naka ngiting sabi niya at biglang lumapit sa akin saka ako niyakap. Bigla nalang akong nagulat sa ginawa ng bata pero may parte sa akin na nagustuhan ko ang pag yakap niya sa akin. May isang parte din sa akin na biglang gumaan ang pakiramdam ko na dapat ay hindi naman.

Kumalas ako sa pag kakayakap niya dahil agad na pumasok sa isip ko na anak siya nila Lit at Franco. Hindi sa Bitter ako pero, ayoko lang na magkaruon pa ulit kami ng ugnayan ni Lit. Gaya ng sinabi niya, kalimutan na namin ang isa't isa.

"Sinong kasama mo? Nasaan ang kasama mo?"tanong ko. Biglang nawala ang ngiti sa kanyang labi. At muling naiyak.

"H-hindi ko po alam kung... Kung nasaan ang yaya na kasama ko. Pag... Paglingon ko po wala na po sya." Kumunot ang nyo ko sa sinabi ng bata.

"Baka nasa loob siya, tara hanapin natin siya."sabi ko at kahit labas sa loob ko na buhatin siya ay ginawa ko na lamang. Pumasok kami sa loob na buhat buhay siya.

Natanaw ko kaagad si Aphrodite na naka tayo sa tapat ng grocery kaya naman lumapit ako sa kanya at laking gulat nya ng makita kung sino ang kasama ko.

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن