Chapter 14: Raindrops

346 7 0
                                        

Raindrops

~~~~

Von POV

"Oo nga nandito na ko sa grocery."

(YUNG GATAS VON MAAWA KA, PAG ITONG ASAWA KO DI LUMUSOG, I SWEAR  GAGATASAN KITA.)

natawa ako sa sinabi ni Fin.

"Nanjan naman si Van, siya na lang gatasan mo HAHAHA."

(VON VAUGHN!)

"Oo na eto na, ilan ba?"

(Kumuha ka ng isang dosenang karton ng gatas.)

Napairap ako at tinulak ang cart papunta sa milk section.

"Hoi, pakitanong  nga kay Leana kung anong kulay ng pinapa bili niya." Sabi ko habang kumukuha ng gatas.

(LEANA! ANONG KULAY DAW!)

Nailayo ko sa tenga ko ang phone ko ng sumigaw si Fin.

Nang makakuha na ko ng gatas ay binalik ko na sa tapat ng tenga ko ang phone ko.

"Ano daw?"tanong ko.

(Anak ng pating, kanina pa ko salita ng salita di mo pala naririnig?) Inis na tanong ni Fin. Sinimulan kong itulak ang cart papunta sa meat section.

"Ang sakit kaya sa tenga ng boses mo." Sabi ko at tumigil sa tapat ng meat section.

(Kulay Orange daw, saka nag papasabay si Leona ng prutas bili ka daw. Tapos si Van naman nag papasabay ng cake bili ka daw.)

"Wow ah ano ako utusan niyo?" Reklamo ko.

(Ako ba ang nag papasabay?)

"Ay sige kunwari si Ozix nag papabili saken ng gatas ng asawa niya." Sarkastiko kong sabi.

(VON!)

"Baka may ipapasabay pa si Creed itanong mo na para isang bagsakan nalang po SIR." Natawa ako ng marinig ko ang mahinang pag mura ni Fin sa kabilang linya bago tinawag si Creed.

Habang hinihintay ang ipapasabay ni Creed ay kumuha na ko ng mga karne at muling tinulak ang cart ko papunta sa fruits section.

(Wala daw nakakahiya naman daw kasi sayo.) Sabi ni Fin kaya natawa ako.

"May hiya na pala yun. Sige na bye na istorbo ka sa pamimile ko." Sabi ko at binaba ang phone ko.

Natapos naman ng matiwasay ang mini bonding naming mag kakapatid kahapon kasama si Aphrodite. At inamin sakin ni Van na sila na ni Cleopatra. Wala naman akong pake alam sa part na yun, ang akala ni Van ay magagalit ako sa kanya dahil sa sila na ng mapapangasawa ko.

Natuwa pa nga ako ng malaman ko na kakausapin ng mga magulang ni Cleopatra si Papa para si Van na ang ipakasal sa kanya. Pakiramdam ko ay nawala ang isang tinik sa lalamunan ko ng malaman ko yun kaya naman dahil sa tuwa ko ay nag volunteer ako na ako na ang mag go-grocery ngayung araw na dapat ay si Van ang gagawa.

Ang tungkol naman kay Lit, syempre masakit parin para sa akin na may asawa na siya pero wala eh. Ano bang magagawa ko e nangyare na.

Kung doon sasaya si Lit sa piling ni Franco eh di congrats.

Pumila na ko sa counter para bayaran ang lahat ng pinamili ko. Matapos non ay lumabas na ko sa grocery at nag simulang mag lakad papunta sa sasakyan ko para ilagay ang mga pinamili ko.

Matapos kong ilagay ang mga iyon ay nag lakad ako papunta sa kabilang kalye kung saan may nag titindang cake, ewan ko ba don kay Van at bakit Cake ang napili niyang dalhin don sa bahay nila Cleopatra.

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Where stories live. Discover now