Chapter 59

71 5 1
                                    

Von POV

Agad kong inayos ang aking mga gamit matapos kong masiguro na tulog na ang huwad na Lit na aking kasama. Dali dali kong nilagay ang mga gamit ko sa isang malaking maleta. Matapos kong maayos ang lahat ay dali dali akong lumabas sa aking kwarto, ngunit hindi pa man ako nakakaapak sa hagdan ay may pumigil na agad sa akin.

"Iiwan mo ko?" Dahan dahan akong napatingin sa likod ko, ang huwad na Lit ay nakatingin sa akin pababa sa mga hawak kong gamit.

"Von anong nangyayare? Bakit may dala kang maleta? Saan ka pupunta?"tanong niya. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa, isang malamig na titig ang aking iginawad sa kanya upang malaman niya na alam ko na ang lahat na tapos na ang pangbibilog niya sa akin.

"Von..."

"Itigil mo na ang pag kukunwari mo, alam ko na alam mo na hindi ikaw si Lit na mahal ko." Sabi ko habang nakatitig sa kanyang mga mata. Tila nabuhusan siya ng malamig na tubig sa aking mga sinabi, natigilan siya at nag simulang mamuo ang luha sa kanyang mga mata.

"Von, hindi ko alam ang iyong mga sinasabi.."

"Husto na, hindi ko alam kung ano ang iyong ngalan pero hindi na kita muli tatawaging Lit dahil alam ko na na hindi ikaw ang Lit na nais ko, na isa ka lamang huwad at ginagaya ang pangalan na Lit." Sabi ko, akmang lalapit siya sa akin pero agad akong umatras palayo sa kanya.

"Von ano ba ang mga sinasabi mo? Ako ito si Lit, ang babaeng mahal mo." Umiiyak niyang sabi, natawa ako habang nakatingin sa kanya.

"Tama na, itigil mo na ang pag arte na ikaw si Lit, lahat ng mga nalalaman kong impormasyon tungkol sa totoong Lit ay hindi mo masagot ng tama, binibilog mo ang ulo!" Hindi ko napigilan ang pag sigaw dahil sa galit na nararamdaman ko.

Ang daming panahon na nasayang dahil sa pambibilog niya sa akin, ang dapat ay maibigay ko ang oras sa totoong Lit ay nasayang ng dahil sa pambibilog niya sa akin.

"Hindi ko maunawaan kung bakit mo ito ginagawa, hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa mo ang ganitong bagay, wala ka bang konsensya?" Tanong ko sa kanya, parang mga kutsilyo ang mga salitang binibitawan ko sa kanya dahil kada salita ko ay humahagulgol siya.

"Aminin mo sa akin, ang babaeng lumapit sa dalampasigan sa akin noon at sinasabing may anak kami, siya ba ang tunay na Lit?"tanong ko.

"Von, ako ang--"

"SABI KO UMAMIN KA SAKIN! SAGUTIN MO ANG TANONG KO!" sigaw ko dahilan para mawindang siya.

Patuloy sa pag agus ang kanyang luha habang nakatingin sa akin.

"Oo."sagot nya dahilan para mas lalo akong makaramdam ng galit sa kanya.

"Sya nga, at ako si Aphrodite." Dagdag niya dahilan para mas lalong manumbalik sa akin ang ilang mga kaganapan noon, kung sino siya at kung ano siya sa buhay ko.

Matapos ang ilang minuto na panunumbalik sa akin ng nakaraan mas lalo akong nakaramdam ng galit para sa kanya.

"Ginawa ko lamang ito... dahil mahal kita Von." Umiiyak na sabi niya dahilan para mas lalo akong mandiri sa kanya.

"Hindi sapat na rason ang bagay na iyan." Sabi ko habang nakatingin sa kanya ng blangko.

"Hindi ka lumaban ng patas." Dagdag ko.

"Kahit na lumaban ako ng patas Von alam ko sa sarili ko na sa simula palang ay talo na ako." Umiiyak niyang sabi habang nakatingin sa akin.

"Tama nga si Lit, na kahit anong pilit na pag kukunwari ko na ako siya ay malalaman at malalaman mo parin ang katotohanan, na lilitaw parin ang katotohanan. Na minahal mo lang ako sa kakaunting panahon dahil buong akala mo ay ako siya." Umiiyak niyang sabi, sa pagkakataon na ito unti unti akong nakaramdam ng awa sa kanya pero hindi maaalis non ang katotohanan na galit ako dahil sa ginawa niya.

"Alam mo naman pala na talo ka bakit mo parin ginawa ang bagay na ito?"tanong ko.

"Dahil gusto kong mahalin mo ko kagaya ng pag mamahal mo kay Lit."

"Hindi ka ba nandidiri sa sarili mo?"tanong ko habang nakatingin sa kanya ng blangko. "Pinag pipilitan mo ang sarili mo sa akin. Ginaya mo pa ang kaisa isang babaeng mahal ko, ginamit mo ang kahinaan ko. Isa kang duwag kung ilalagay ka sa isang labanan, isa kang ahas kung ilalagay ka sa gubat, isa kang magaling na magbalat kayo." Sabi ko saka muling tumalikod sa kanya.

"Huwag mo ng ipilit sa akin ang sarili mo, dahil kahit kailan hindi mapapalitan ng kahit sino ang pagmamahal ko para kay Lit." Sabi ko at akmang mag lalakad na pababa ng hagdan ng magsalita siya muli.

"Paano naman ako?"tanong niya kaya napatigil ako.

"Sa tuwing kailangan mo ng masasandalan nariyan ako sa tabi mo, noong panahon na hinanap natin si Lit nariyan ako sa tabi mo, noong panahon na natagpuan natin si Yezrah nariyan ako sa tabi mo, noong panahon na natuklasan mo ang tungkol sa relasyon ni Lit at Franco nasa tabi mo ako, noong panahon na kailangan mo ng tulong lagi mo akong nasa tabi, lagi akong naka alalay sayo Von, ngayon na ako naman ang may kailangan iiwan mo ako, ngayon na ako naman ang may problema tatalikuran mo ako."umiiyak niyang sabi. Nanatili akong nakatalikod sa kanya.

"Hindi ko ginusto ang bagay na ito Von, hindi ko ninais na humantong ako sa ganito dahil hindi ko nakikita ang sarili ko na gagawin ang ganitong kabaliwan mahalin mo lang ako."dagdag niya. Nanatili akong tahimik at nakatalikod sa kanya.

"Pero wala akong choice Von, wala akong pag pipilian dahil parehong malalagay sa panganib ang mga buhay natin kung hindi ko ito gagawin." Sa pag kakataong ito ay muli akong humarap sa kanya.

Bigla akong natigilan ng makita ko na namumutla siya ang mga ugat niya sa katawan ay nag kukulay berde at ang labi niya ay unti unting nagiging kulay itim.

"Aphrodite..."tawag ko sa kanya habang nakatingin.

"Patawarin mo ako kung ako ay nagkasala sayo Von, Patawarin mo ako sa maling ginawa ko Von, ngunit ginawa ko lamang ito para iligtas ka at si Yezrah, ginawa ko lamang ito dahil napipilitan akong gawin ito, ginawa ko lamang ito dahil kinokontrol ako." Dahan dahan siyang napadapa sa sahig habang unti unting sumusuka ng dugo.

"Aphrodite.." agad akong lumapit sa kanya at sinalo ang katawan niyang pabagsak na sa sahig.

May dugong lumalabas mula sa kanyang mga mata.

"Umalis ka na Von,.... padating na siya..." yan ang huling sinabi niya bago sya mawalan ng malay, agad akong napalunok at hinawakan ang kanyang pulso. Wala na ang kanyang pulso.

"Aphrodite.." tawag ko at saka binuhat ang kanyang katawan, sigurado ako na matutulongan nila ako. Leana, Leona...

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon