Chapter 53

79 2 1
                                    

Lit POV

"Yezrah, kakain na." Tawag ko kay Yezrah na nakaupo sa tabi ng bintana ng kanyang kwarto, lumingon siya sa akin saglit saka binalik ang tingin sa bintana.

Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanya, umupo ako sa kama niya di kalayuan sa upuan na inuupuan niya.

"Anak, may problema ba?"tanong ko. Tumingin siya sa akin ng malungkot.

"Mommy, kaano ano ko po si Tito Daddy Von?"tanong niya, ngumiti ako ng malungkot sa kanya, hindi pa pala nasasabi ni Von sa kanya ang totoo. Siguro ay nais ni Von na sabihin ko kay Yezrah ang totoo. Na mula sa akin mismo manggagaling ang katotohanan.

Hinawakan ko ang kamay ni Yezrah saka tumingin sa mga mata.

"Baby, si Tito Daddy Von mo ang tunay mong tatay." Sabi ko, nakatingin lang siya sa akin, hindi ko mabasa ang kanyang iniisip.

"Sya yung tunay mong tatay baby."sabi ko. Nakita ko ang pamumuo ng luha ni Yezrah, agad ko siyang niyakap hanggang sa humagolgol siya ng iyak.

"Sorry baby if tinago ko sayo ang totoo, gusto ka lang protektahan ni Mommy laban kay tito Franco."sabo ko, namuo ang luha sa aking mga mata. Pakiramdam ko ay nawala ang tinik na nakabaon sa aking dibdib ng sabihin ko iyon kay Yezrah.

"Mommy, okay lang po ba si Daddy?" Tanong niya, natigilan ako sa tanong niya. Pati ako ay walang ideya kung ayos lang ba si Von, hindi ko alam kung nasa mabuting kalagayan ba ngayon si Von.

Ilang lingo na ang nakalilipas simula ng makuha namin ulit si Yezrah sa Bermuda, ilang lingo narin ang nakalilipas ng mawalay sa amin si Von. Patuloy parin ang pag hahanap namin sa kanya.

"Lit." Napalingon ako sa tumawag sa akin, si Clementine. Napangiti ako ng makita siya, humiwalay sa akin si Yezrah saka umupo sa gilid. Tumabi sa akin si Clementine saka hinawakan ang aking kamay.

Ngayon palang ata kami makakapag usap ni Clementine simula ng magising sila limang araw na ang nakakaraan. Ilang taon rin ang lumipas simula ng huli ko siyang makita sa Vampire High.

"Ang gands mo parin." Sabi ko sa kanya dahilan para matawa siya.

"Kamusta ka?"sabay naming tanong sa isa't isa dahilan para matawa kami ng sabay.

"Balita ko ay kasal ka na raw?"tanong niya kaya napatango ako bilang sagot, agad akong nakaramdam ng guilt ng maalala kong hindi ko pala siya nabigyan ng imbetasyon sa kasal namin ni Franco.

"Sorry." Sabi ko, ngumiti lang siya sa akin saka umiling.

"Ayos lang Lit." Sabi niya. "Naikwento sa akin ni Fin na pinilit ka lang ni Franco na magpakasal." Dagdag niya kaya napangiti ako.

Napatingin siya kay Yezrah. "Kamuka talaga siya ni Leona noong bata sya." Sabi niya kaya napangiti ako.

"Umalis sila Fin at Leona para hanapin si Von. Si Van naman wala paring malay, si Cleopatra ang nag babantay sa kanya palagi." Sabi niya at muling tumingin sa akin.

"Hindi ko lubos maisip na kayang gawin ni Aphrodite saamin yun maging kay Von."dagdag niya.

"Sigurado ako na kinokontrol lang din ni Franco si Aphrodite."sabi ko, tumingin siya sa akin.

"Nasabi sa akin ni Yezrah kung gaano sila kalapit ni Aphrodite sa isa't isa, kung paano tumayong ina si Aphrodite kay Yezrah noong panahong wala ako sa tabi niya." Sabi ko. Kahit na nag seselos ako kay Aphrodite hindi ko maaaring isipin na kaya talagang gawin ni Aphrodite iyon sa kanila. Kahit paano ay may mabuti siyang ginawa para sa anak ko at para kay Von.

"Si Von." Biglang sabi niya nakatingin siya sa bintana na para bang may iniisip.
"Bigla nalang ako nanaginip na hindi tayo maalala ni Von, maging si Yezrah." Sabi niya kaya napatingin ako kay Yezrah na ngayon ay nag lalaro na.

"Sinabi ko iyon kay Fin kaya naisipan nila na umalis ngayon para hanapin si Von."

"Clementine? Time to drink your gatas na." Napalingon kami sa pumasok sa kwarto, si Leana.

"Hi Lit, hi baby Yezrah there's a food na sa baba you make kain na." Sabi nito saka kinarga si Yezrah.

"Kayo? Let's eat narin Creed is sumama kila Fin, Fin also tell me na you need to eat on time kung hindi he will be mad at me daw." Sabi ni Leana. Natawa ako sa isip ko, kahit kailan ay hindi talaga nag bago si Leana. Conyo parin siya kung mag salita.

"Rizden will join us kumain kaya let's go na baka maging cold yung food." Sabi niya saka lumabas sa kwarto karga si Yezrah, nagkatinginan kami ni Clementine saka natawa.

"Kahit kailan conyo parin siya." Sabi ko.

"Wala namang nag bago." Sabi ni Clementine saka tumayo.

Fin POV

"Mag Pahinga na muna tayo." Sabi ni Leona  saka tumingin kay Dad na halatang napapagod na kakaikot sa Bermuda.

"Sigurado ba kayo na dito maaring nagtatago ang mga taong kumuha kay Von?"tanong ni Dad. Tumango ako bilang sagot.

"Dito madalas si Franco kaya nakakasiguro kami na narito lang rin siya sa paligid." Sabi ko.

"Nilibot na natin ang buong paligid, pero wala tayong nakita kahit bakas ng Franco na iyon." Sabi ni Dad.

"Hindi ma trace ng mga taohan ko si Aphrodite, hindi nila maamoy dito sa lugar si Aphrodite." Napatingin kami sa nag salita, si Freddrick ang mayabang na kuya ni Cleopatra. Hindi ko talaga lubos maisip bakit naisipan ni Dad na isama ang lalaking ito sa pag hahanap kay Von, eh puno lang naman ng kayabangan ang lalaking ito. Buong pagkatao niya ay napapalibutan ng pagkamayabang.

Pwe!

"Naririnig ko ang naiisip mo pandak, tigilan mo ang paninira sakin sa iyong isipan." Bigla nitong sabi sa akin.

"Aba talagang--"

"Fin, hindi ngayon ang oras para jan. Mabuti pa ay mag pahinga na muna tayo bago muli hanapin si Von." Awat ni Leona na naka upo malapit sa akin. Inirapan ko lang si Freddrick saka umupo sa tabi ni Leona.

Nilibot ko ang aking paningin, wala manlang pwedeng makain rito.

Narinig ko na nag uusap sila Leona at Freddrick habang si Dad naman ay may kausap sa phone.

"Fin!" Napalingon ako sa lalaking sumigaw ng pangalan ko, si Creed.

"Ano namang problema mo? Saan ka ba galing? Baka pati ikaw kailangan pa naming hanapin."  Sabi ko, umiling siya at kinakapos ng hininga tinuro niya ang isang dereksyon kung saan siya galing.

"Nakita ko si Von doon." Sabi niya kaya napatayo ako.

"Ano? Eh bakit di mo sinama dito?"tanong ko, gaya ko ay napatayo rin si Leona at Freddrick maging si Dad ay nag hihintay ng sagot ni Creed.

Umiling si Creed.

"Noong nilapitan ko siya, may kakaiba sa kanya. Noong sinubukan ko siyang hilahin papunta dito ay bigla nalang niya akong sinuntok saka tinanong kung sino ako." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Ha? Ang panget mo kasi kaya di ka nakilala eh, tara puntahan natin." Sabi ko at akmang mag lalakad na ng pigilan ako ni Creed.

"Makinig ka muna kase!" Iritang sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Kasama niya si Aphrodite at Franco ang pinagtataka ko ay tinawag ni Von na Lit si Aphrodite." Sabi niya kaya mas lalong kumunot ang nuo ko.

"Ano kamo?"

"May mali sa kanya, noong akmang susuntukin ko si Franco ay bigla siyang humarang at tinanong ako kung ano ba daw ang problema ko." Sabi niya kaya napatingin ako kay Leona.

"Epekto siguro yun nang ininom niya na binigay no Franco sa kanya." Sabi ko.

"Leona, baka may pwede kang gawin para maibalik sa dati si Von?"tanong ni Dad kay Leona. Nakatitig lang si Leona kay Creed.

"Titignan ko." Nag aalangang sabi ni Leona kay Dad.

~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon