Chapter 13: Untitled

334 11 0
                                        

Untitled

~~~~

Von POV

Matapos kong ikwento sa mga kapatid ko ang lahat lahat, nag aya sila na mag bonding kami ngayung araw. Walang aalis ng bahay at walang ibang sasali kundi kami kami lang mga nakatira sa bahay na ito.

Sa likod ng bahay ay nag aayus na sila, sila Creed at Fin ang mag luluto habang sila Leana at Leona kasama si Van ay ang nag aayus sa likod ng bahay. Sila Clementine at Rizden naman ay nasa taas dahil ayaw silang patulungin ng mga asawa nila. Habang ako naman, ay naririto sa gazebo at pinapanuod ang tatlo na mag ayus.

Gusto ko din sanang tumulong sa kanila kaso ayaw nila, ang sabi ni Van ay mag muni muni lang daw muna ako dito.

"Von." Tumingin ako sa tumawag sakin. Si Clementine hawak hawak ang baby niya. Umupo siya sa harap ko kaya umayus ako ng upo.

"Mukhang masarap ang tulog ni Ozix ah." Sabi ko habang naka tingin kay Ozix na natutulog.

"Hmm, kanina pa yan tulog." Natatawang sabi ni Clementine at tumingin sa akin.

"Kamusta ang puso?"tanong niya.

Ngumiti lang ako ng pilit.

"Eto, tumitibok parin naman kahit papaano."sagot ko. Sabay kaming natawa.

"Sa totoo lang, pati ako nagulat ng malaman ko na kinasal na pala siya."sabi niya kaya nawala ang ngiti sa labi ko.

Hindi din alam ni Clementine na kinasal na siya? Pero diba best friend niya si Lit. Akala ko nga ay invited siya.

"Hindi mo alam?"tanong ko.

Umiling siya.

"Nalaman ko lang ng ikwento mo samin."sagot niya.

Natahimik ako. Malamang ay ayaw ni Lit na makarating sa akin ang balita na kasal na siya kaya hindi niya ininvite si Clementine.

"Nong huling pag uusap namin ay nong nakaraang tatlong buwan pa. Nag kita pa nga kami non sa grocery e." Kwento ni Clementine kaya napa tingin ako sa kanya.

"Pero bago yun, naalala ko tumawag sya sakin isang buwan bago kami nag kita."kwento niya.

"Tumawag siya sayo?"tanong ko.

"Oo, humihingi siya ng tulong sakin at.... Hinahanap ka niya."sabi niya kaya napa lunok ako.

"Hinahanap niya ako? Anong sabi mo? Bakit hindi mo sinabi sakin yan?"tanong ko.

"Wala ka non Von."sabi niya.

"Kasama mo si Aphrodite non, pumunta kayo sa Dead sea."dagdag niya.

Naalala ko ang araw na yun. Dalawang buwan bago kami umuwi dito galing Dead sea. Tangina.

"Bakit daw siya humihingi ng tulong sayo?" Tanong ko.

Nag kibit balikat siya.

"Hindi ko din alam Von. Biglang naputol ang linya ng tanungin ko siya kung nasaan siya para sana ay puntahan siya."sabi niya. Bigla akong kinabahan.

"Pero nong mag kita kayo? Ayus lang naman siya?"tanong ko.

Tumango siya.

"Naka ngiti siya ng magkita kami, nag kwento pa kami sa isa't isa non at uminom ng kape sa coffee shop bago kami mag hiwalay ng landas ni Lit."sabi niya pero natigil siya.

"Pero napansin ko ang suot niya non, naka turtle neck siya kahit na sobrang init ng panahon ng mga araw na iyon, balot ang leeg niya. May scarf pa nga siya na suot eh."kwento niya kaya mas lalong kumunot ang nuo ko.

"Pansin ko din ang mga mata niya. Kahit naka ngiti siya ay may gustong sabihin ang mga mata niya."dagdag ni Clementine.

Napa tingin ako sa malayo. Hindi kaya, may kakaibang nangyare kay Lit?

"Sa tingin mo ba ay may kakaibang nangyare kay Lit?"tanong ko kay Clementine.

"Siguro? Hindi ko alam Von, pero sobrang layo ng Lit na nakausap ko noon sa Lit na nakasama ko sa Vampire High."sabi niya.

"Dude, nasa labas si Aphrodite." Lumingon ako kay Van ng lumapit siya sa amin.

"Hinahanap ka."sabi niya.

Tumingin ako sa malayo.

"Sabihin mo wala ako." Sabi ko.

"Wala daw siya."napa lingon ako kay Van na naka tayo sa tabi ko pero naka tingin sa gilid niya kaya tumingin ako don at nakita si Aphrodite na naka tayo don at naka tingin sa akin.

"Ayaw umalis dude, ikaw na bahala jan." Sabi ni Van at iniwan ako.

Nag paalam na din si Clementine na pupuntahan si Fin kaya kaming dalawa na lamang ni Aphrodite ang natira dito sa gazebo

"Hi?"awkward niyang sabi. Tinitigan ko lamang siya.

"Ughm... Dinalhan nga pala kita ng Cake, nasa kusina niyo nilagay ni Van don."sabi niya. Hindi ko siya kinibo.

"Pumunta lang ako dito para kamustahin ka."kinakabahang sabi niya.

Tumayo siya at ngumiti.

"At nakita ko naman na ayus ka lang kaya aalis na ako."sabi niya at akmang lalagpasan ako ng hawakan ko ang pala pulsuhan niya kaya napatingin siya sa akin.

"Kumain ka muna bago umalis." Malamig kong sabi at dahan dahang binitawan ang pala pulsuhan niya.

"H-hindi na ano may pupun--"

Hindi niya  natuloy ang sasabihin niya ng tignan ko siya. Natahimik siya at dahan dahang bumalik sa harapan ko saka umupo sa upuan na pinag upuan ni Clementine kanina.

Tahimik lang kaming dalawa dito sa Gazebo. Halatang na awkwardan siya kaya sa iba ako tumingin.

Oo nga pala, pinauna ko siyang umuwi kahapon.

"Nakauwi ka ba ng maayus kahapon?" Napatingin ako sa kanya ng sabay kaming mag tanong.

"Oo."sabay naming sagot. Natawa siya kaya natawa din ako.

Muli na naman kaming natahimik. Tumingin ako sa gawi nila Leana at Leona na nag tatalo kung ano ang ilalagay sa mesa.

"Nong araw na sinamahan kita sa Devils sea." Sabi ko saka tumingin kay Aphrodite na naka tingin sa akin.

"Ang araw na tumawag si Lit kay Clementine para humingi ng tulong."dagdag ko. Kita ko ang pag lunok niya.

"Talaga? Bakit daw siya humihingi ng tulong?" Tanong niya. Nag kibit balikat ako.

"Hindi ko din alam."sabi ko at huminga ng malalim.

"Gusto mo bang alamin natin kung bakit sya humihingi ng tulong?"tanong niya. Tumingin ako sa kanya.

Alam niya na wala siyang pag asa saakin pero parang normal lang ang lahat sa kanya.
Talaga bang masukista ang isang Aphrodite?

"Sasamahan mo ko?"tanong ko. Ngumiti sya. Ang ngiti niya na lagi niyang pinapakita sa lahat.

"Alangan namang pabayaan kita."sabi niya habang naka ngiti. "Balang araw, kakailanganin mo din ako." Sabi niya habang naka ngiti.

Balang araw kakailanganin ko din siya? Ano bang ibig nyang sabihin?

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper
Tiktok: rediousinpaper
Ytc: Arlina Laure

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن