Chapter 68

121 6 0
                                        

Leona POV

Agad kaming nag tungo ni Leana kay Van, wala siya ngayon sa bahay dahil nasa bahay siya nila Cleopatra.

Agad kaming bumaba sa sasakyan ng makarating kami sa tapat ng gate nila Cleopatra.

"Van!" Sigaw ko nang maaninag ko si Van na nakaupo sa garden nila Cleopatra. Lumingon siya sa akin at tumayo mula sa kinauupuan ng makita ako.

"Leona, Leana, anong ginagawa niyo dito?"tanong niya saka lumabas ng gate.

"Sumama ka sa amin, kailangan ka ng kakambal mo." Sabi ko, kumunot ang nuo ni Van habang nakatingin sa amin.

"Bakit? May nangyare bang masama sa kanya?"tanong niya, umiling ako.

"You know what? It's like we need you kasi Von might be transform as a monster." Sabi ni Leana kaya tumingin siya kay Leana.

"Ha? Ano bang nangyayare sa inyo? Sinabi sa akin ni Von na gusto niya muna mapag-isa nang sa ganon ay makapag isip isip siya." Sabi niya. Umiling ako.

"Sumama ka muna sa amin ni Leana, kailangan din nating kausapin ang ilan sa mga kapatid natin." Sabi ko, alam kong naguguluhan siya pero wala din siyang nagawa sa huli dahil sumama din siya sa amin kasama si Cleopatra.

Agad kaming umuwi sa bahay kasama ang dalawa, pag dating namin doon ay nasaktuhan na nasa sala ang mga kapatid namin.

"Nasaan si Von?"agad kong tanong sa kanila, nagka tinginan silang lahat saka sabay sabay na tinuro ang kwarto niya. Tumango ako saka umupo sa sofa.

"Umupo kayo." Utos ko na dali dali naman nilang sinunod.

"Teka, Leona ano naman meron at bakit ganyan ang asta mo ngayon?"tanong ni Creed. Tumingin ako sa kanila saka huminga ng malalim.

"Sa susunod na araw, gaganapin ang lunar eclipse." Sabi ko.

"Oh tapos?"

"Sa araw na iyon, nakatakdang mag bago ang anyo nila Von at Van dahil sa kapangyarihan na meron sila." Dagdag ko.

"Normal lang naman sa aming mga werewolf ang mag transform sa mga ganong panahon Leona." Sabi ni Van.

"Hindi niyo naiintindihan." Sabi ko saka huminga ng malalim.

"Sila Von at Van ay isang Ying Yang wolf." Tumingin ang lahat kay Cleopatra nang magsalita siya.

"Ying ano?"tanong ni Fin.

"Ying yang? Yung black and white?"tanong ni Creed. Tumango ako bilang sagot.

"Sa tuwing nag tatransform sila si Van ang white wolf at si Von ang Black wolf. Kung baga si Van ang  Yang at si Von ang Ying. Parte ng kapangyarihan ng mga Ying ang manira, pumaslang at maghiganti."sabi ko.

"Nabuksan ang kapangyarihan nilang dalawa simula nang mamatay si Yezrah."dagdag ko.

"Porket namatay si Yezrah, natuklasan na agad nila ang kapangyarihan nila?"tanong ni Fin.

"Kapag ang ying ay napuno ng lungkot, galit, hinanakit at kadiliman sa buhay unti unti itong naiipon at nagiging sama ng loob dahilan para tumindi ang pag nanasa ng mga ying na mag higanti." Sabi ni Cleopatra, "sa lagay ni Von, napuno siya ng sama ng loob simula nang mamamatay si Yezrah at mawala si Lit. Dahil doon nagising ang kapangyarihan nilang dalawa dahil sa nararamdaman ni Von ngayon." Dagdag niya.

"Sa makatuwid, sa oras na mag transform sila Von at Van hindi na natin mapipigilan si Von na gumanti sa pumaslang kay Yezrah. Dagdag pa doon ay hindi narin niya tayo makikilala sa mga oras na iyon dahil sa napuno na siya ng kasamaan." Paliwanag ni Cleopatra.

Pinag masdan ko ang mga mukha ng mga kapatid ko, halatang naguguluhan sila sa mga sinabi namin.

"Kung hindi niyo naiintindihan, tulungan niyo nalang kami na pigilan si Von, wag natin siyang hayaan na makalabas dito sa bahay hanggang sa matapos ang Lunar Eclipse." Sabi ko. Nagkatinginan sila Fin at Creed.

"Okay, pero sa tingin ko huli na tayo." Sabi ni Fin saka tumingin sa pinto kaya tumingin din ako sa pinto at mula sa kinauupuan ko nakita ko na nakatayo sa labas ng bahay si Von at nakatingala sa langit.

"Papasukin niyo siya!" Utos ko saka nilabas ang wand ko at lumabas ng bahay, agad na nag teleport si Fin sa harap ni Von saka hinawakan sa balikat si Von.

"Von, pumasok na tayo." Dinig kong sabi ni Fin.

Hindi siya sinagot ni Von, nanatili itong nakatingala sa langit.

"Von tara na." Sabi ni Van at hinawakan ang kamay ng kakambal. Napahinto ang dalawa ng tumingin sa kanila si Von.

"Von..."

"Anong nangyayare?"tanong ko at lumapit sa kanila, napaatras ako nang makita ko ang mga mata ni Von na naging kulay itim. Dahan dahang ngumiti si Von sa amin.

"Nakauwi na pala kayo? Buti naman." Sabi niya.

"Tara kain na tayo." Sabi ni Van at akmang hihilahin na papasok si Von sa loob ng bahay ng sakalin siya ni Von dahilan para maalerto kami ni Leana at tutukan siya ng wand namin, habang si Fin naman ay nag labas ng apoy sa kamay at hinawakan sa braso si Von, si Creed naman ay tinutok kay Von ang hawak niyang kutsilyo.

"Ibaba mo ang kakambal mo Von." Seryosong sabi ni Fin kay Von. Hindi kumibo si Von.

"Bitawan mo si Van."utos ni Leana. Tumingin si Von sa dalawa saka binaba si Van, sabay noon ang pag balik ng mata niya sa normal.

"Van.." tawag niya at tumingin sa kakambal niya na habol habol ang hininga ngayon.

Binaba na namin ang wand namin ni Leana ganon din si Creed na may hawak ng kutsilyo, si Fin naman ay tinago na ang apoy na kanina lang ay nilabas niya.

"Van anong nangyare sayo?"tanong niya sa kakambal niya saka lumingon sa amin.

"Anong nangyayare bakit... bakit nakapalibot kayo sa akin at bakit nandito ako."tanong niya. Nagkatinginan kami nila Creed saka muling tumingin kay Von.

"Nag... nag sleep walking ka." Sabi ni Van at natawa saka hinawakan ang kakambal niya.

"Tara... pasok na tayo." Sabi nito kay Von, inalalayan naman siya ni Von papasok sa bahay kahit na alam kong gulong gulo si Von sa nangyayare.

Naiwan kami dito sa labas habang pinapanuod ang magkakambal na makapasok sa loob ng bahay.

"Hindi niya natandaan ang nangyare." Sabi ni Fin habang nakatingin sa pinto. Huminga ako ng malalim.

"Epekto ng kapangyarihan niya." Sabi ni Cleopatra na nasa gilid at pinupunasan ang hawak niyang baril.

"Muntik nang masayang ang isang bala sa kanya." Sabi niya saka tumingin sa dereksyon namin ni Fin.

"Kailangan niyo talagang bumuo ng plano nang sa ganon hindi makalabas ng bahay si Von at walang mapahamak."

~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Where stories live. Discover now