Chapter 41

110 7 0
                                    

Von POV

Huminga ako ng malalim ng buksan ko ang pinto ng bahay, bumungad sa akin ang mga kapatid ko na sabay sabay lumingon sa gawi ko.

Matapos kong sundan sila Lit at Yezrah kanina napag desisyonan ko na iwan nalang muna sila para masulit nila ang araw, ayaw kong malaman ni Lit na nakasunod ako sa kanilang dalawa, gusto ko masulit nila ang oras ng bawat isa.

"Ano? Nakita mo na ba si Yezrah? Nasaan na siya?" Tanong ni Creed habang nakatayo katabi ang asawa niya.

"Kasama ni Lit." Sagot ko saka umupo sa isang sofa.

"What? Yezrah is with her mother? I thought it was bad vampire na kumuha sa kanya, nakakaloka yan si Lit ha, she disguise herself as Rizden para makasama si Yezrah eh she can make paalam naman sayo para di ka na mag alala." Maarteng salita ni Leana.
Napairap ako saka tumingin sa ibang dereksyon. Sa tuwing naririnig ko talaga ang boses niya naiirita ako, wala na bang idederetso ang pag sasalita niya.

"Eh di wala ng problema? Bakit umuwi ka kaagad?"tanong ni Leona.

"Hayaan mo sila mag bonding." Sabi ko.

"What? Eh di sana you make sali nalang sa kanila para may family bonding na kayo."sabi ni Leana.

"Ayoko." Maiksing sagot ko.

"Si Fin?"tanong ko.

"Bebe time." Sagot ni Creed at tinuro ang hagdan. "Akyat na muna kami, matutulog na si Misis." Sabi niya kaya natawa lang ako habang pinapanuod sila umakyat.

"Aphrodite is wala paring malay."sabi ni Leana kaya napatingin ako sa kanya.

"Hanggang ngayon?"tanong ko.

"Yes, We even wake her up and make sigaw on her ears but she's still not have malay."sabi ni Leana kaya huminga ako ng malalim at pumikit.

"Si Van?"tanong ko.

"Wala pa din malay."sabi ni Leona. Saka huminga ng malalim. "Ni hindi manlang nag paalam sayo si Lit na ilalabas niya si Yezrah, parang hindi ka na niya nirespeto bilang ama ni Yezrah." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hayaan mo na siya." Sabi ko.

"Anong hayaan mo na siya? Von tanga ka ba? Nag alala tayong lahat kung nasaan si Yezrah yun pala kasama lang ni Lit." Sabi niya at alam kong galit siya dahil sa tono ng pananalita niya.

"Calm down Leona, I feel your blood boiling na oh." Sabi ni Leana kaya tinignan lang siya ni Leona.

"Well I get her point naman, she's mad kase Lit make us tanga sa kakahanap kay Yezrah and also she gave us kaba kaya I know Leona's situation. Pero let us hear Lit's side muna bago natin siya ijudge kase what if she's afraid to talk to Von pala kaya ganon?"sabi ni Leana na nakapag paalala sakin sa sinabi ni Lit kay Yezrah.

Sinasaktan ni Franco si Lit. Bagay na hindi ko tanggap dahil niminsan hindi ko nagawang saktan si Lit, ang babae dapat tinuturing na prinsesa hindi sinasaktan.

"Sinasaktan ni Franco si Lit." Napatingin ang kambal sa akin, "Narinig ko sa usapan nila Lit at Yezrah kanina." Dagdag ko.

Nagkaruon ng mahabang katahimikan sa sala dahil sa sinabi ko.

"Maybe that's the reason why Lit is afraid to make pakita kay Von and make paalam para ilabas si Yezrah."sabi ni Leana.

"Eh di sana nag sumbong si Lit sa mga polis o di kaya ay iwan niya na si Franco, sinasaktan na pala siya bakit nag sstay pa siya?" Sabat naman ni Leona.

"We can't make sisi si Lit, Leona. Malay mo may other reason kung bakit hindi niya kayang iwan si Franco." Sabi ni Leana sa kambal nya.

"Reason na naman, puro nalang rason. May paraan sa lahat ng bagay."

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon