Chapter 56

69 4 0
                                    

Von POV 

"Von..."
"Akala ko hindi na kita makikita." 
"Hinihintay ka na ni Yezrah, umuwi na tayo Von, hinihintay ka namin." 

Napapikit ako ng muli kong maalala sa aking isipan ang mukha ng babaeng nakita ko ilang lingo na ang nakakaraan sa Bermuda. Hindi ko mawari kung bakit iba ang pakiramdam ko sa babaeng iyon, simula ng siya ay aking makita sa dalampasigan ng Bermuda Beach ay hindi na siya maalis sa aking isipan, isa pa sa aking pinagtataka ay ang mga ikinikilos ni Lit ngayon.

Natatandaan ko pa ang huling paguusap namin ni Lit tungkol sa babaeng lumapit sa akin sa bermuda at nag pakilala na siya raw si Lit at ang kasama ko raw ngayon ay si Aphrodite.

"Lit? Pwede ba tayo mag usap?" Tanong ko kay Lit na nakaupo sa sofa at nakaharap sa telebisyon. Napatingin naman siya sa gawi ko saka ngumiti sa akin, halata sa kanyang mga mata ang pagkabalisa at pagkalungkot, agad siyang umiwas ng tingin saka ako binigyan ng mauupuan sa tabi niya at pinatay ang telebisyon. 

Dahan dahan akong umupo  sa tabi niya saka huminga ng malalim, hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko ngunit hindi na talaga makayanan ng aking isipan ang mga bumubulabog sa akin. Sa palagay ko naman ay walang mali sa pag tatanong.

"Ano 'yon Von?" Tanong niya habang hindi parin siya makatingin sa akin ng deretso, dahan dahan kong hinawakan ang kanyang pisngi at dahan dahang iniharap siya sa akin. Kita ko na naman sa kanyang mga mata ang lungkot at pagkabalisa.

"Nais kong mag tapat ka saakin Lit, sino iyong babaeng lumapit sa akin sa dalampasigan? Sino si Yezrah?"Tanong ko, nakita ko ang paglunok niya, agad niyang tinabig ang kamay kong nakahawak sa kanyang pisngi, agad na nagkaruon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa dahil sa inasal niya.

"Huwag mong sabihin sa akin Von na talagang naniniwala ka sa sinabi ng baliw na babaeng iyon?" Tanong niya kaya natahimik ako. "Von, ni hindi ko nga kilala kung sino ang mga iyon at kung ano ang ibig sabihin ng babaeng iyon sa mga sinabi niya sayo." Sabi niya saka ngumiti ng alinlangan sa akin, sa pagkakataon na ito ay deretso na siyang nakatingin sa mga mata ko, ang kaninang pagka balisa niya at pagkalungkot niya ay nawala na para bang mga bula.

"Von, huwag mong masyadong isipin ang sinabi ng babaeng iyon, sa panahon ngayon ay nagkalat na ang mga nasisiraan ng bait at isa na roon ang babaeng bigla nalamang lumapit sayo sa dalampasigan, kahit tanongin mo pa si Franco ni hindi namin kilala ang babaeng iyon at ang tinutukoy niya na Yezrah." Sabi niya saka ngumiti sa akin. "Kami ang pamilya  mo Von, wala ng iba. Kasi kung meron man dapat ay pinakilala ka na namin sa kanila simula palang matapos ang aksedente mo." Sabi niya. Ngayon, ako naman ang napalunok dahil sa mga sinabi niya.

Ni hindi ko alam kung ano ba ang paniniwalaan ko, nitong mga nakaraang araw rin ay nakita ko muli ang larawan ng babaeng iyon na hawak hawak ni Franco habang siya ay nasa balkonahe, ni hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi sa akin ni Lit na hindi nila kilala ni Franco ang babaeng iyon dahil kung hindi nila ito kilala, bakit may hawak na larawan ng babaeng iyon si Franco?

"Yezrah.."Banggit ko sa pangalan na sinabi sa akin ng babaeng lumapit sa akin sa dalampasigan, hindi ko mawari kung bakit ang saya saya ko sa tuwing babanggitin ko ang pangalan na iyon, para bang konektado ang pangalan na iyon sa aking pagkatao. 

Huminga ako ng malalim saka pinagpatuloy ang ginagawa kong pag hahanap ng mga ebidensya dito sa kwarto ni Franco, wala silang dalawa ni Lit ngayon sapagkat sila ay nagbalik sa Bermuda.  Matapos kasi ng nangyareng paglapit sa akin ng babae doon sa dalampasigan ay kaagad kaming umalis ni Lit doon sa bermuda sa hindi ko alam na kadahilanan, tinatanong ko siya kung bakit pero wala siyang ibang sinasabi kundi ang sumama na lamang ako.

Napatigil ako sa pag hahalungkat sa gamit ni Franco ng makita ko ang isang larawan, larawan ni Lit kasama siya. Kumunot ang nuo ko ng makita na naka wedding gown si Lit at si Franco naman ay nakasuot ng wedding attire. Tila may kung anong kumirot sa aking dibdib habang nakatingin sa larawang hawak hawak ko. Anong ibig sabihin ng larawang ito? May nililihim ba sa akin sila Franco at Lit?

Dali dali kong inayos ang gamit na aking inilabas saka itinago sa aking bulsa ang larawan na nakita ko. Agad akong nag teleport patungo sa aking silid saka ko isinara ang pinto ng aking kwarto, agad akong nagtungo sa bintana ng aking kwarto saka muling pinagmasdan ang larawang nakuha ko sa gamit ni Franco.

Napalunok ako ng dahan dahan kong maramdaman ang pagsakit ng aking ulo sabay noon ang pag labas ng ibat ibang imahe.

"Congratulations." 

"Von..." Tawag niya.

"Ang ganda mo."  "Bagay sayo." 

"Von...." 

"Von...."

"Aalis na ako."  

Napamulat ako ng mata at napatulala, anong ibig sabihin ng aking nakita? Si Lit na nakasuot ng wedding gown at ikinasal kay Franco? Nagugulohan ako, pinag tataksilan ba nila ako? 

"Hinihintay ka na ni Yezrah, umuwi na tayo Von, hinihintay ka namin."

Muli kong naalala ang sinabi  ng babaeng lumapit sa akin sa dalampasigan, nag pakilala siya bilang si Lit ngunit hindi ko naman siya mamukhaan. Napatingin ako sa labas ng gate na aming tinutuluyan, hindi ko mawari kung anong pakiramdam itong aking nararamdaman, naguguluhan ako at sa tingin ko ay nag tatago ng lihim sa akin si Lit gayon pa na meron akong nakitang larawan nila ni Franco.

Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang totoo at kung sino ba talaga yung babaeng lumapit sa akin sa dalampasigan. At kung sino man si Yezrah. 

"Yezrah" Banggit ko. 

"Tito Daddy..."  

Napapikit ako ng may marinig akong boses ng isang batang babae matapos kong banggitin ang pangalan na iyon. Kung ayaw sabihin sa akin ni Lit ang katotohanan at kung may itinatago man silang sekreto sa akin ni Franco, magisa kong aalamin ang bagay na iyon. 


~~~

Tweet me redious_in

Facebook: Arline Laure ll

Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon