Chapter 35

138 6 0
                                    

Von POV 

"Thank's G you're okay now, baby girl." Napairap ako habang nakatingin kay Leanna na niyayakap si Yezrah, kakarating niya lang galing sa bermuda triangle kaninang umaga.

"Kung kelan ka namin kailangan saka ka wala, paano puro harot kasi inuuna mo." Puna ni Leona na naksandal sa sofa habang sinusukat ang mga damit na dala ni Leana galing bermuda.

"Can you please shut your bibig? I have pasalubong na nga for you tapos you're making arguement against me." Conyong sabi ni Leana kaya napailing ako saka nag patuloy sa pag aayus ng mga damit ni Yezrah na dala ni Leana.

"Anyways, where's Fin and Creed? i have pasalubong din for them." Tanong niya.

"Bebe time silang dalawa." Sabi ko.

"Mga flirt na vampires." Sabi ni Leana saka muling niyakap si Yezrah.

"Baby girl, you really look like me when I'm young, that's why I really like you as my pamangkin, here oh you want chocolate?" Tanong ni Leana, hinayaan ko na iispoil ni Leana ang anak ko, inakyat ko muna sa taas ang gamit ni Yezrah saka inayos,  maya maya pa ay napatigil ako ng mag vibrate ang phone ko. 

Oh, bakit naman tumatawag ang isang ito? Ano na naman ang kailangan ng isang ito?

"Hello?"

(V-Von....) Kumunot ang nuo ko  ng marinig ko ang boses niya.

"Oh? Umiiyak ka ba?"

(S-sunduin mo na ko.....) Mas lalong kumunot ang nuo ko dahil sa sinabi niya.

"Teka saglit ayus ka lang ba?" Tanong ko pero bigla ng nawala ang tawag, tinignan ko ang phone ko saka tumakbo palabas ng kwarto ko.

"Mga bro si Van!" Napa lingon ang lahat sa akin ng sumigaw ako mula sa taas ng hagdan, lahat sila ay nasa baba at kausap si Leana. 

"Sinong bumanat sa kanya?" Tanong ni Fin at napa tayo habang karga ang anak niya.

"Ano binanatan siya?" Tanong naman ni Creed na nakakunot ang nuo.

"Huh---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang mag salita si Fin.

"Tara walang pwedeng bumanat sa kapatid namin."sabi ni Fin at biglang nawala kasama ang anak niya.

Agad na kinuha ni Creed ang susi ng kotse saka lumabas, napakamot ako sa nuo ko saka napatingin kay Leana.

"Bantayan mo muna ang anak ko." Sabi ko saka tumingin kay Yezrah.

"Baby may pupuntahan lang ako saglit." Sabi ko saka hinalikan siya sa nuo niya, ngumiti siya saka niyakap ako.

"Babye po tito daddy, ingat po." Sabi niya, nakangiti akong lumabas ng bahay saka nag lakad papasok sa kotse, nasa loob na agad si Creed at nakaupo sa driver's seat habang si Fin naman ay papasok narin.

"Bilisan mo mag maneho tol, mamaya bugbog sarado na si Van eh."sabi ni Fin kaya napatingin ako kay Fin.

"Ano? Hindi naman--" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko ng mag salita si Creed.

"Eto na nga binibilisan na." sabi ni Creed at binilisan ang pag mamaneho.

"Hoy wala namang--" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko kaya napapikit ako sa inis.

"Saang short cut ka dadaan?"tanong ni Fin kay Creed.

"Pwede ba makinig--"

"Sa pinaka malapit na short cut." Sagot ni Creed.

"BAHALA NGA KAYO JAN." Napa tingin sila sa akin ng sumigaw ako, nakaka bwiset, ayaw nila akong patapusin mag salita. Tumaas ang kilay ni Fin habang nakatingin sa akin.

"Problema mo?"sabay nailang tanong ni Creed. Inirapan ko lang sila kaya napa kibit balikat nalang sila ni Creed.

Ilang minuto pa ay naka dating na kami sa Bermuda Triangle. Agad naming pinuntahan ang hotel na tinutuluyan ni Van.

"Sigurado ka ba na dito inaway si Van?"tanong ni Creed.

"Wala nga kasi--" 

"Bilisan nalang natin baka mapano pa si Van." Sabi ni Fin kaya napapikit ako sa inis, pinindot niya  ang floor kung nasaan ang kwarto ni Van. Tinanong kasi namin sa Front desk kanina kung may naka Check in na Van Vaughn dito.

Pag dating sa 87th Floor, hinanap namin ang room 669 at nakitang naka sara ang pinto non.

"Ako na mag bubukas."sabi ni Creed.

"AKO NA!"biglang sigaw ko dahil sa inis. 

Binuksan ko ang pinto at nakita si Van na nakahiga sa sahig.

"Akala ko ba may bumanat kay Van?"tanong ni Fin.

"Ayaw niyo kasi ako patapusin!" Inis na sabi ko. 

"Gago ka pala e." Dinig kong sabi ni Fin kay Creed.

"Ba't ako?" Tanong ni Creed.

"Sabi mo may nang bugbog kay Van." Sabi ni Fin.

"Tanga ikaw nag sabi non." Sabi naman ni Creed. Agad kong niyakap si Van ng makita kong umiiyak ito.

"Napaano ka ba?"tanong ni Fin.

"N-nagalit sa akin si Cleopatra." Napa mura ako ng di oras.

"Akala ko naman kung ano."bulong ni Fin kay Creed.

"Von... Von... Ikaw daw ang papakasalan niya Vo.."parang batang sumbong ni Van sa akin.

"Kakausapin ko siya pag dating natin sa bahay okay, pero dapat sabihin mo muna samin kung anong nangyare."sabi ko.

"Para saan ba't pumunta tayo dito?"bulong ni Creed kay Fin.

"Sabi ko kasi may bumanat sa kanya eh."sabi naman ni Fin kaya tinignan ko silang dalawa.

"Tanga mo."bulong ni Creed. 

"Si... Si Aphrodite... Hinalikan nya ako at... At nakita yun ni Cleopatra...." Sabi ni Van. Hinalikan siya ni Aphrodite?

"Van!"Sigaw ko ng bigla siyang mawalan ng malay.

"Anong nangyare?"

"Bigla nalang sya nawalan ng malay." Sabi ko.  Kumunot ang nuo ko ng may maamoy akong lason mula kay Van.

"May na aamoy akong lason." Sabi ko. Muli akong tumingin kay Van saka siya inamoy amoy.

"Huh?"

"May lason sa katawan ni Van." Sabi ko.

"Ano? Tangina eh di tara na umuwi ng matanggal yang lason, nag mo-monologue pa kayo jan mamamatay na pala yan."sabi ni Fin at tinulungan akong alalayan si Van.

Nag teleport kami papunta sa parking lot saka isinakay si Van.

"Akin na ang susi." Sabi ni Fin kay Creed.

"Ano? Ako mag mamaneho."

"Ako na! Ang bagal mo mag drive." Sabi ni Fin.

"Anong mabagal? Mabilis na yun." Sabi niya.

"Takteng bilis yan nahinto sa traffic light."

"Syempre may batas tayo!"depensa niya.

Napairap ako dahil nag tatalo na naman ang dalawa kung sino sa kanila ang mag mamaneho.

Habaan mo ang pasensya mo Von, mga abnormal ang mga kasama mo kaya intindihin mo na lamang sila.

"Sige sabihin mo sa batas mo pagalingin yang kapatid naten." 

"Mag seatbelt kayo." 

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon