Chapter 26

230 7 0
                                    

Von POV

A/n: Play  I won't go home without you by Maroon 5


Naluluha akong nag lakad patungo sa parking lot ng bermuda kung saan doon naka park ang sasakyan na ginamit namin ni Leana sa pag punta dito.

Masama ang loob ko dahil tinago sa akin ni Lit si Yezrah ng ilang taon. Ni hindi 'man lang niya sasabihin sa akin ang totoo kung hindi ko pa siya tinanong kanina ng seryoso.

Matapos kong malaman ang totoo kanina ay umalis ako sa harap ni Lit upang itago ang nag babadyang pag tulo ng luha ko ng dahil sa mga nalaman ko. Nag tungo ako sa Rooftop ng hotel at doon binuhos lahat ng sama ng loob na aking nararamdaman.

Ilang minuto akong nag tagal don at gustuhin ko mang bumalik sa party pero hindi ko na kaya, hindi ko na kayang makita si Lit. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng inis sa sarili ko.

Akmang bubuksan ko na ang kotse ng may pumigil sa akin. Dahan dahan kong pinag masdan ang mukha ng pumigil sa akin at doon muli na naman bumalik ang sakit na aking nararamdaman.

"Von... Mag usap tayo." Naluluha niyang sabi. Tinabing ko ang kamay niyang naka harang sa pinto ng sasakyan saka siya pinag masdan.

"Wala tayong dapat pag usapan Lit." Madiin kong sabi at aambang muling papasok sa sasakyan ng tuluyan niya na akong gamitan ng kapang yarihan niya.

Kinokontrol niya ang katawan ko.

"Von gusto kong mag usap tayo please..."

"Lit wala na tayong dapat pag usapan." Sabi ko at nilabanan ang kanyang kapang yarihan.

"Para kay Yezrah." Dagdag niya.

Natigilan ako at natawa.

"Ang tagal mong pinag damot sakin ang anak ko Lit." Bulong ko. Umiling siya at muling naiyak. Gusto kong sakalin ang sarili ko dahil nakikita ko na naman siyang umiiyak at naawa ako sa kanya.

"Hindi ko siya pinag damot sayo Von." Sabi niya kaya natawa ako.

"So anong tawag mo sa ginawa mo Lit? Selfish? Ano ba tawag don sa ginawa ko? Lit ilang taon yun." Nabasag ang boses ko ng sabihin ko ang huling salita. Gusto kong isumbat sa kanya ang lahat. Pero dahil mahal ko siya ay hindi ko kaya.

"I'm sorry..." Bulong niya at lumapit sa akin para yakapin ako, hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Habang yakap yakap ako ni Lit ay nag simula ng tumulo ang luha ko.

"I'm sorry..." Bulong niya, masakit para sakin ang ginawa niya. Bakit kailangan niyang ilayo sakin ang anak ko ng ilang taon? Imposibleng kakalabas lang nila sa Vampire high ni Franco. Kinasal na nga sila lahat lahat.

Para niyang pinamukha sakin na hindi pa ako handa maging ama sa anak ko.

Maiintindihan ko naman kung ayaw niya na sakin at si Franco na talaga ang gusto niya. Pero ang ilayo sakin ang anak ko. Ibang usapan na yon.

"I'm sorry." Bulong niya at kumalas sa yakap saka ako tinitigan sa mata. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko at hinalikan iyon. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko.

"Pero ginawa ko lang yun dahil yun lang ang alam kong paraan para mailigtas siya." Sabi niya habang naka tingin sa mga mata ko.

"Lit ilang beses kitang tinanong kung kailangan mo ng tulong... Pero ilang beses mong sinabi sakin na hindi. Ngayun sabihin mo sakin, anong ligtas ang pinag sasabi mo? Ang hirap maniwala Lit eh." Sabi ko at humakbang patalikod ng isang beses.

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon