Chapter 24: Dance

322 9 0
                                        

Dance.

~~~~

Von POV

Naka tingin lamang ako kila Leana at Xanth na nag sasayaw sa gitna. Nalaman ko na isa palang serena si Xanth, nagka paa daw siya dahil sa tulong ni Leana.
Minsan may pakinabang din pala ang kapangyarihan ni Leana eh.

Dumako ang tingin ko kay Lit na nasa harap ko nakaupo. Gaya ko ay tahimik lang din siya habang naka tingin sa plato niya. Gusto ko siyang yayaing sumayaw pero ayoko dahil baka mahalata niya na ako si Von at hindi si Van.

Napa lunok ako ng bigla siyang tumingin sa akin. Napa iwas ako ng tingin dahil sa nakatingin siya sa akin.

"Ang tahimik mo ata ngayun Van." Sabi niya kaya binalik ko sa kanya ang aking atensyon. Biglang bumilis ang puso ko ng bigla siyang ngumiti.

"Sa sobrang tahimik mo baka akalain kong ikaw si Von." Dagdag niya dahilan para kabahan ako lalo. Bakit ba kasi hindi ko magawang mag ingay kagaya ni Van?

"Wala lang akong ganang mag salita ngayun." Pag dadahilan ko. "Isa pa, sinasanay ko ang sarili ko na maging tahimik dahil may kasunduan kami ni Von." Dagdag ko kaya napatingin siya sa akin.

"Ka....kamusta nga pala ang kakambal mo?"tanong niya bigla kaya natahimik ako. Bakit tinatanong mo kung kamusta ako Lit?

"Ayus naman sya." Hindi ako ayus Lit, hanggat hindi ko nalalaman kung ano ang totoo.

"Huli naming kita ay doon sa bahay kasama si Aphrodite." Nakita ko kung paano tumamlay ang kanyang mata ng banggitin ko ang pangalang Aphrodite. Bakit Lit? Nag seselos ka ba?

"M...may ugnayan ba sila ng Aphrodite na binaggit mo?"tanong niya sa akin. Lit, bakit ganyan ka? Ang sabi mo ay wala kang pake-alam sa akin pero bakit ganito ang pinapakita mo sakin ngayun?

"Wala."sagot ko. Kita ko kung paano maging kampante ang mga mata niya. "Si Aphrodite lamang ang may gusto kay Von, habang si Von..."tinigil ko ang pag sasalita ko at tumingin sa kanyang mga mata. ".... May hinihintay na bumalik." Dagdag ko. Ngumiti siya sa akin.

"Sino ba yung... Hinihintay ni Von?"tanong niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa tanong niya, alam niya sa sarili niya na siya ang tinutukoy ko.

"Sino nga ba ang hinihintay niya Lit?"balik kong tanong. Biglang lunungkot ang mga mata niya.  Huminga ako ng malalim, ayokong nakikita siyang malungkot.

"Babalik naman ako e....." Napa angat ang tingin ko sa kanya. Naka yuko siya at naluluha. "Babalikan ko naman sya kaso... Hindi ko kaya." Kitang kita ko kung paano tumulo ang luha niya. Napa lunok ako.

"Bakit hindi mo kaya?"tanong ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil ano mang oras ay malalaman ko na ang totoo kung ano ang dahilan.

"Van." Napa angat ako ng tingin ng tawagin ni Leana ang pangalan ni Van. Napa balik ang tingin ko kay Lit na agad na pinunasan ang luha at nanatiling naka yuko.

"Oh, you guys are talking? Lit can i barrow my brother? Isasayaw ko lang sya." Sabi ni Leana habang naka ngiti kay Lit. Tumango lang si Lit at kitang kita ko pa ang pag hinga niya ng malalim. Tumayo ako at sumunod kay Leana sa  gitna kung saan may ilang nag sasayaw.

"Asan yung kasama mo?"tanong ko.

"He's with his friends." Sagot niya at pomosisyon para sumayaw.

"You can't fool me Von." Bulong niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"I know from the very first start that you're not Van." Bulong niya.

"Paano?" Tanong ko, nalaman din ba ni Lit? Halata ba na ako si Von?

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora