Epilogue

143 4 1
                                    

Third Person POV 
Bumuntong hininga si Von habang nakatingin sa kalangitan at pinag mamasdan ang mga bituin mula sa kanyang kwarto, ilang minuto ang lumipas at napag desisyonan niya na tumayo mula sa kanyang higaan at mag tungo sa ibaba. 
Nang makababa siya ay natigilan sya pansamantala mula sa kanyang kinatatayuan habang  nakatingin kay Lit na nag pupunas ng mesa.
"Lit, anong ginagawa mo rito? Gabi na." Sabi ni Von dahilan para tumingin si Lit sa kanya at ngumiti.
"Hindi ako makatulog kaya naman naisipan ko na mag tungo dito at bigyan ng gawain ang sarili ko." Sagot ni Lit kaya naman lumapit si Von sa kanya at kinuha ang hawak nitong pamunas.
"Kailangan mo nang mag pahinga, hindi maganda na pinapagod mo pa ang sarili mo sa ganitong oras." Sabi ni Von kaya naman bumuntong hininga si Lit saka ngumiti sa kanya ng malumanay.
"Hindi ko mapigilang isipin ang sinapit ng anak natin noong mga oras na huli ko siyang nakasama, Von. Hanggang ngayon ay sinisisi ko ang aking sarili dahil wala manlang akong nagawa upang iligtas siya." Kwento ni Lit dahilan para hawakan ni Von ang kanyang kamay saka ngumiti.
"Lit, wala kang kasalanan. Hindi mo kasalanan ang nangyare noon." Sabi ni Von dahilan para mamuo ang luha ni Lit, pinag masdan siya ni Von ng ilang minuto bago siya hinila palapit sa kanya at niyakap.
"Sigurado ako na nasa masayang lugar na si Yezrah ngayon, Lit." Bulong ni Von habang yakap yakap si Lit.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa bago pumiglas mula sas kanyang pagkakayakap si Von at tinitigan si Lit.
"Maaari tayong mag simula muli, tayong dalawa, hindi naman ibig sabihin na kakalimutan na natin ang anak natin." Sabi ni Von kaya napangiti si Lit sa kanya, isang malungkot na ngiti bago tumungo sa sinabi ni Von. 
"Gaya ng pangako ko sa iyo, mag sasama tayo... hindi ba?" Tanong ni Von kaya hinawakan ni Lit ang kamay ni Von saka tumingin sa mga mata ni Von.
"Von..."
"Von, anong ginagawa mo diyan?" Sabay silang tumingin ni Lit sa itaas at nakita si Van na nakatingin sa gawi nila.
"Mag pahinga ka na." Wika ni Van kaya naman tumingin si Von kay Lit saka muling tumingin kay Van.
"Nag uusap lamang kami ni Lit." Sabi ni Von saka muling ibinalik ang tingin kay Lit na naka titig sa kanya.
"Ipag patuloy nalamang natin ang ating usapan sa aking kwarto." Sabi ni Von kay Lit na siya namang tumango sa kanya bilang sagot.
Inalalayan  ni Von si Lit na makaakyat sa hagdan habang si Van naman ay pinag mamasdan lamang si Von. Nang makalapas na sila Von at Lit kay Van ay muling nag salita si Van.
"Matulog ka na... Von." Wika ni Van kaya naman napangiti si Von at lumingon kay Van na ngayon ay nakatingin sa kanya.
"Oo, matutulog na kami ni Lit." Sabi ni Von saka inalalayang pumasok si Lit sa kanyang kwarto.

~~

Kinabukasan ay maagang nagising si Von katabi si Lit na mahimbing ang pagkakatulog sa kanyang tabi, pinag masdan muna siya ni Von saka ito tumayo sa kanyang higaan at nag tungo sa kusina upang ipag luto si Lit ng almusal.
"Magandang umaga, Von." Bati ni Creed katabi si Rizden, ngumiti si Von sa dalawa at tuloy tuloy lamang na pumasok sa kanilang kusina.
"Anong gagawin mo?" Tanong ni Creed na sinundan siya papasok sa kanilang kusina.
"Ipagluluto si Lit ng almusal." Sagot ni Von saka tumingin sa kanyang kapatid.
"Gusto mo rin ba ipag luto ko na kayo?" Tanong ni Von sa kanya, natawa si Creed saka napakamot sa kanyang nuo.
"Huwag na, baka mag selos si Lit."Sabi ni Creed kaya natawa si Von at sinimulang ihanda ang kanyang mga kakailanganin sa pag luluto.
Buong oras na nag luluto si Von ay pinapanuod siya ni Creed na siyang dumadaldal sa kanya at ginugulo siya.
"Huwag ka kasi magulo Creed, para ka namang tanga." Inis na sabi ni Von kaya natawa si Creed.
"Bakit? binibigyan lamang kita ng idea." Sabi ni Creed na natatawa, binigyan lamang siya ni Von ng isang masamang tingin bago nito ilapag sa mesa ang pagkain na inihain kay Lit.
"Wow, ang sarap naman niyan Von." Puro ni Rizden na siyang naka upo sa harap ng mesa. Ngumiti si Von sa kanya saka tumingin sa pagkaing ginawa niya.
"Paborito ni Lit iyan" Sabi ni Von saka muling tumingin kay Rizden na nakangiti sa kanya.
"Tatawagin ko muna si Lit, paki bantayan naman ng pagkain niya baka kasi agawin ng asawa mo." Sabi ni Von kaya natawa si Rizden at tumango.

Ilang minuto ang lumipas at muling bumaba si Von kasama si Lit, at ngayon ay patungo sila sa mesa kung saan inilapag ni Von ang pagkain ni Lit.
"Close your eyes lang ah." Sabi ni Von habang inaalalayan si Lit na makaupo sa upuan. Nakatingin ang mga kapatid ni Von sa kanya at pinapanuod ang kanyang kilos.
"Ayan, open your eyes na." Nakangiting sabi ni Von kasabay noon ang pag bukas ng mga mata ni Lit, isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Lit saka tumingin kay Von.
"Ipinag luto mo talaga ako ng paborito kong umagahan." Nakangiting sabi ni Lit saka niyakap si Von.
"Maraming salamat!" Nakangiting sabi ni Lit saka kumalas sa pagkakayakap kay Von.
Nakangiti si Von habang pinapanuod si Lit na kainin ang ginawa niyang pagkain, sobrang saya nya habang nakatingin kay Lit na masayang kumakain sa tabi niya.
Ito ang buhay na nais ni Von, ang tahimik at mapayapang buhay kasama si Lit.
"Von,"Tawag ni Leana at umupo sa tabi niya, tumingin si Von sa kanya saka ngumiti.
"Ano iyon? nais mo rin bang ipag luto kita ng umagahan mo?" Pang aasar ni Von kaya natawa bahagya si Leana saka tumingin kay Leona na pinapanuod sila. Maging si Van at Fin na nakaupo sa harap nila.
"Anong kakainin mo?" Tanong ni Leana sa kanya saka muling tumingin kay Leona na napalunok habang nakatingin kay Von.
"Meron na akong pagkain, mag hahati kami ni Lit sa ginawa ko, hindi niya naman kasi mauubos yung ginawa ko kasi kaunti lang naman siya kumain." Sabi ni Von saka muling tumingin kay Lit na nakangiti sa kanya at kumakain.
"Ganon ba? ayaw mo ba ng inihanda namin?" Tanong ni Leana sa kanya kaya muling tumingin si Von sa kanya at napansin nito ang pagka seryoso sa mukha niya.
"Bakit naman ang seryoso ng mukha mo Leana? Hindi bagay sayo." Natatawang sabi ni Von saka tumingin kila Creed at Fin na nakatingin sa kanya ng seryoso at mulungkot.
"Bakit ang seryoso ng mga mukha ninyo?" Tanong ni Von habang nakatingin sa kanilang lahat.
"Para naman kayong namatayan sa lagay na iyan, umayos nga kayo, narito si Lit oh, hindi ba kayo nahihiya sa kanya?" Tanong ni Von saka tumingin kay Lit na kumakain lamang.
"Von." Tawag ni Van kaya naman tumingin si Von sa kanyang kakambal.
"Van, huwag mo munang gawin ang bagay na iyan, hindi pa siya handa." Sabi ni Creed kaya tumingin si Von kay Creed na ngayon ay nakatayo at nakatingin kay Van.
"Ang alin?" Tanong ni Von ngunit hindi siya pinansin si Creed.
"Sa palagay ko ay tama lang ang gagawin ni Van, nang sa ganon ay malaman na ni Von at magising na siya sa katotohanan." Sabi naman ni Fin na seryoso ang kanyang awra habang nakatingin kay Von.
Kumunot ang nuo ni Von habang nakatingin kay Fin.
"Ano ba ang mga pinag sasabi ninyo?" Tanong ni Von habang nalilitong nakatingin sa mga kapatid niya.
"Fin, Van, huwag niyo munang pangunahan si Leana." Singit naman ni Leona.
"Leona, kailangan na nating sabihin sa kanya nang sa ganon ay matauhan na siya."
"Ano bang pinag sasabi mo Van?" Inis na tanong ni Von sa kakambal.
"Hindi ba kayo nahihiya? Narito si Lit sa tabi ko at ang aga-aga nag kakagulo kayo." Inis na sabi ni Von.
"Von wala na si Lit, Okay?" Inis na sabi ni Van kaya kumunot ang nuo ni Von habang nakatingin sa kakambal niya.
"Ano bang pinag sasabi mo? Nang gagago ka ba ha?!" Galit na sigaw ni Von sa kakambal niya at akmang susugurin ng pigilan siya ni Leana.
"Von tama na, please." Pigil ni Leana na siyang namumuo ang luha ngayon.
"Tama na." Dagdag niya kaya naman tinignan siya ni Von.
"Ito kasing si Van kung ano ano ang mga pinag sasabi." Sabi ni Von at tinignan si Van na siyang namumuo rin ang luha.
"Bulag ka ba ha? anong tawag mo rito? ito hindi mo ba nakikita si Lit? ayan siya oh nakatingin sa akin at natatakot." Inis na sabi ni Von habang nakatingin kay Lit na siyang nakatingin rin sa kanya.
"Von, tama na... tama na please... tama ang sinabi ni Van." Sabi ni Leana kaya naman tumingin si Von sa kanya at inalis ang mga kamay nitong nakahawak sa kanya.
"Pati ba naman ikaw, Leana?" Hindi makapaniwalang tanong ni Von habang nakatingin kay Leana na siyang umiiyak na ngayon.
"Von tama sila... wala na si Lit, hindi ba?" Singit ni Leona kaya tumingin si Von kay Leona at natawa.
"Leona ito si Lit oh-" Biglang natigilan si Von nang makitang wala na si Lit sa kanyang upuan.
"Nasaan si Lit?" Tanong ni Von habang nakatingin sa kaninang inuupuan ni Lit.
"Nandito lamang si Lit kanina eh." Sabi niya saka tinignan ang ilalim ng mesa ngunit wala roon si Lit, at ang pagkain na inihanda niya para kay Lit ay naroon lamang at hindi nagalaw ang ayos nito.
"Kumakain lamang dito si Lit eh." Namuo ang luha ni Von habang sinusubukang hanapin si Lit. "Nag kakamali kayo kasi kasama kong natulog si Lit kagabi." Dagdag ni Von habang dahilan para yakapin siya nila Leona at Leana.
Muling nagbalik sa ala-ala ni Van ang kung paano niya nakita ang kakambal niya kagabi na may kausap na hindi niya nakikita.
"Creed hindi ba? nandito lang si Lit kanina?!" Tarantang tanong ni Von kay Creed na hindi sumagot dahil sa naalala niya kung paano niya panuorin si Von kanina na handaan ng pagkain si Lit at kung paanong may inaalalayan ito na hindi niya nakikita.
"Von, tama na... patay na si Lit, tatlong buwan na ang nakakalipas." Bulong ni Leona dahilan para matigilan si Von at muling maalala ang nangyare noong gabing nakita niya kung paano mamatay si Lit sa kanyang harapan.
~~
3 MONTHS AGO...

"LIT!" Sigaw ni Von ng makita niya kung paano saluhin ni Lit ang saksak na dapat ay sa kanya, marahas na hinablot ni Aphrodite ang kutsilyo na kanyang hawak at naka baon sa dibdib ni Lit kasunod nito ang siyang muling pag saksak niya kay Lit sa bandang leeg nito dahilan para tuluyang manghina ang katawan ni Lit.
"Lit!" Mabilis na sinalo ni Von ang katawan ni Lit bago pa man ito bumagsak sa lupa, kasunod noon ang pag atake ni Van kay Aphrodite na siyang binuhay ni Franco bago siya mamatay.
Muli nang nag balik sa kanyang pagiisip si Von matapos siyang kalabanin ni Van upang siya ay tumigil sa pag wawala.
Ngayon na nakabalik na siya sa kanyang katinuan ang siya namang pagkawala ng kanyang puso habang pinapanuod na dumanak ang dugo ni Lit sa kanyang mga kamay.
"Lit, gising! Lit!" Sigaw niya ng unti unting pinikit ni Lit ang kanyang mga mata at dahan dahang ngumiti.
"M-Mahal... Ki-kita.." Bulong ni Lit bago siya tuluyang malagutan ng hininga.

~~~

"Tama na Von, pinapahirapan mo lamang ang sarili mo... maging si Lit." Wika ni Van na ngayon ay nasa tabi niya.
"Hindi nais ni Lit na makita kang nag kakaganto, maging si Yezrah, nais mo bang magalit silang dalawa sayo?" Tanong ni Van, hindi kumibo si Von habang nakatulala lamang. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa kanilang lahat bago huminga si Van ng malalim saka hinawakan ang kamay ng kakambal.
"Tara na, akyat muna tayo sa kwarto mo, kailangan mong mag pahinga." Bulong ni Van at inalalayan ang kakambal nito na umakyat mula sa kanyang kwarto.


~~~~

TWO YEARS LATER
"Von, bumaba ka na! kanina ka pa hinahanap ni Dad!" Sigaw ni Van sa labas ng kwarto ni Von, agad na nag bukas ang pinto ng kwarto ni Von at lumapas mula sa kanyang kwarto.
"Ang aga aga ang cold na naman ng awra mo, ngumiti ka naman Von." Sabi ni Fin ngunit hindi siya pinansin ni Von at patuloy lamang ito sa pag babamula sa hagdan.
"Happy Birthday Von," Nakangiting bati ni Van sa kakambal ngunit hindi siya nito kinibo.
"Ano ba naman yan, nakasimangot ka." Inis na sabi ni Leona saka tinignan ang litrato na kinuha niya. Umirap pa siya ng makita kung gaano kapangit ang nakuha niyang larawan ng kambal.
"Von, handa ka na ba?" Tanong ni Van kaya naman tumingin si Von sa kanya at hindi kumibo.
Naging mahirap para sa kanilang mag kakapatid lalo na kay Van ang makipag usap kay Von dahil sa naging cold hearted ito at bibihira lang kung mag salita.
Ngayong araw gaganapin ang kanilang kaarawan ni Van at kasabay noon ang siyang pag papakilala kay Von sa mapapangasawa nito.
Huminga ng malalim si Von saka naunang mag lakad patungo sa entertainment room kung saan naruon na ang mga bisita nila at maging ang mapapangasawa niya.
"Von naman." Hinabol siya ni Van saka humarang sa daraanan ng kakambal niya.
"Pansinin mo naman ako." Sabi ni Van.
"Happy birthday." Malamig na bati ni Von sa kakambal saka lumihis ng dereksyon at nag lakad patungo sa papa niya na kausap ang kaibigan nito.
"Here he is." Sabi ng papa niya ng makita siya nito.
Pakiramdam ni Von ay nabubuhay na lamang siya para gawin ang mga nais ng papa niya para sa kanya, pakiramdam niya ay hindi na mahalaga ang kanyang buhay buhat ng pagkamatay ng kanyang magina, pakiramdam niya ay nag iisa nalamang siya.
"Von, this is my friend, Alfredo." Wika ni Mr. Vaughn sa kanyang anak, umangat ang tingin ni Von sa lalaking pinakilala ng papa niya sa kanya at panandalihang tumigil nang makita nito ang kanyang mukha.
"It's nice to see you, Von." Nakangiting sabi ni Alfredo at inilahad ang kamay sa harap ni Von na agad namang tinanggap ni Von.
"Mr. Tellulah..." Bati ni Von kaya napangiti si Alfredo nang marinig ang apilyedo kay Von.
"How did you know my name?" Tanong nito, namuo ang luha ni Von nang matandaan niya kung paano ipakita ni Lit sa kanya ang larawan ng tatay nito noong nasa Vampire high pa sila.
"Naikwento kayo sa akin ni... Ni Lit." Wika ni Von dahilan para ngumiti ng malumanay si Alfredo.
"So you know my eldest daughter huh." Sabi ni Alfredo at ngumiti kay Von.
"I will introduce you to her twin." Sabi nito kaya muling natigilan si Von sa sinabi ni Alfredo.
"Seraphine." Tawag nito sa anak na nakikipag usap sa kanyang ina, tila kumabog ng mabilis ang puso ni Von habang nakatingin sa Seraphine na tinawag ni Alfredo.
Habang papalapit ito sa kanilang gawi ay nakatitig lamang si Von sa mukha nito.
Kamukhang kamukha niya si Lit, mula sa mata, ilong at sa bibig ay kuhang kuha nito si Lit.
Napalunok si Von ng tumigil sa harap niya si Seraphine at tumingin sa kanya.
"Von, This is Lit's twin sister, Seraphine, your soon to be wife." Wika ni Alfredo ngunit hindi ito pinansin ni Von dahil naka focus lamang siya sa mukha ng nasa harap niya.
"Lit..." Bulong ni Von.
"Hello, I am Seraphine, it's nice to meet you." Wika nito at inilahad ang kamay sa harap ni Von saka ngumiti dahilan para tumulo ang luha ni Von habang nakatingin kay Seraphine. 
"I am Von... Von Vaughn, It's nice.... to see you again, Lit."
                                                                                          ~~~The End~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon