Lit POV
Dahan dahan akong sumilip sa bintana upang tignan si Von na ngayon ay nakatayo sa harap ng kabaong ni Aphrodite. Mula rito sa aking kinatatayuan ay dama ko ang lungkot na dumadaloy sa kanya dahil sa pagkamatay ni Aphrodite.
Huli na ba ako? Talaga bang si Aphrodite na ang gusto ni Von? Akala ko ako parin...
"Lit..." Napalingon ako sa tumawag sa akin, si Fin. Kagabi ay dumating ang ilang kapatid ni Von dito sa kanilang bahay matapos nilang malaman ang tungkol sa nangyare kay Aphrodite.
"Fin... Anong kailangan mo?"tanong ko, nakita ko ang pagbuntong hininga ni Fin saka tumingin sa kinatatayuan ni Von.
"Bakit ayaw mong lapitan si Von?"tanong niya dahilan para matahimik ako.
Saglit siyang tumingin sa akin saka muling binalik kay Von ang kanyang mga titig. "Dapat ay naruon ka sa kanyang tabi lalo na't kailangan ka niya sa mga oras na ito." Dagdag niya kaya mas lalo akong natahimik. Muli ko na namang naalala ang sinabi ni Von na si Aphrodite ang laging nariyan sa kanyang tabi noong mga panahong kailangan ako ni Von, na si Aphrodite lagi ang kanyang kasama noong mga panahong magisa lang si Von.
Siguro ay dahil sa pagkakataon na iyon kaya naging malapit si Von kay Aphrodite at kaya siguro nabuo ang kanyang pagtingin kay Aphrodite dahil labis ko siyang nasaktan noon.
"Binibigyan ko lamang siya ng oras upang mapagisa." Sabi ko habang nakatingin kay Von. Ramdam ko ang pagtitig ni Fin sa akin ngunit binalewala ko lamang ito.
"Kung ganon, nasa taas si Clementine. Maaari mo siyang puntahan doon habang binibigyan ng oras si Von na mapagisa." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya, si Clementine. Kay tagal narin simula ng huli ko siyang makita.
Agad akong nagtungo sa taas kung saan naruruon si Clementine, kumatok muna ako sa pinto bago pumasok, nawala ang ngiti ko sa aking labi ng makita kong mahimbing na natutulog si Clementine, napangiti na lamang ako saka muling lumabas ng pinto.
Huminga ako ng malalim saka tumingin sa hagdan. Bababa pa ba ako para puntahan si Von? ngunit gaya ng sabi ko kanina kay Fin, kailangan ni Von ng oras na mapagisa siya, nang sa ganon ay magkaruon siya ng oras upang magisip.
Sa halip na bumaba ay nag tungo na lamang ako sa silid ni Yezrah, mula sa pinto ay nakita ko siyang mahimbing rin na natutulog sa kama, dahan dahan akong pumasok sa loob at sinarado ang pinto.
Lumapit ako sa anak kong mahimbing ang tulog, madami akong pagkukulang sa kanya na napunan ni Aphrodite, madami akong pagkakamali na nagawa sa kanya. Kaya siguro ganon nalang ang hinagpis ni Yezrah kanina ng malaman niya na wala na si Aphrodite.
Umupo ako sa gilid ng higaan ni Yezrah saka hinawi ang buhok niyang nakaharang sa kanyang mukha.
Hindi ko masisisi si Aphrodite kung bakit ganon na lamang kasakit para kila Von at Yezrah na mawala siya, siguro nga ay lahat ng aking pagkukulang ay napunan nya noong mga panahon na wala ako sa tabi nilang dalawa.
Kung pwede ko lang sanang ibalik ang panahon...
Taimtim ko lamang pinagmamasdan si Yezrah na natutulog sa tabi ko, hindi ko alam kung welcome pa ba ako sa bahay na ito matapos ang mga nangyayare, pakiramdam ko sa akin nag simula ang kagulohan na nararanasan namin ngayon, pakiramdam ko simula ng araw na iniwan ko si Franco upang makasama si Yezrah at Von doon nagsimula ang lahat ng kagulohan.
Kung alam ko lamang na magiging ganito kagulo ang lahat sana ay hindi na lamang ako tumakas kay Franco, nang sa ganon ay hindi ko nakikitang naghihinagpis sila Von at Yezrah ng ganito.
Nagsimulang maglibot ang aking mga mata sa loob ng kwarto ni Yezrah at Von, mula sa kinauupuan ko ay nakita ko ang larawan nilang dalawa kasama si Aphrodite na naka kabit sa dingding ng kwarto, muling gumuhit ang lungkot at inggit sa aking dibdib. Ako dapat ang naruon kasama ang mag ama ko, ngunit dahil kay Franco nailayo ako sa kanila.
Muli akong napatitig kay Yezrah, sa pagkakataon na ito nakaramdam ako ng pangamba para sa anak ko at para sa relasyon namin ni Von. Dahil sa mga ikinikilos ni Von, hindi ko na sigurado kung nais niya pa bang mabuo ang pamilya namin.
Napatigil ako sa pagiisip ng may mapansin akong kakaiba kay Yezrah, agad na kumunot ang nuo ko ng mapansin ko ang pasa na nasa leeg niya.
"Saan mo ito nakuha Yezrah?" Tanong ko kahit na alam kong hindi ako sasagutin ni Yezrah sapagkat sya ay tulog.
Maingat kong hinawakan ang leeg ni Yezrah kung saan naruruon ang pasa, napamura ako sa aking isipan ng maramdam ko ang kakaibang init na meron siya ngayon.
"Yezrah.." tawag ko at ginising siya, "Yezrah anak, gumising ka." Sabi ko ata pilit na ginigising si Yezrah hanggang sa mapahinto ako muli dahil sa kakaibang mansa na meron ang puting bedsheet na hinihigaan ni Yezrah, dahan dahan ko itong hinawakan at inamoy.
Dugo..
"Yezrah anak!" Sigaw ko at kinarga si Yezrah na ngayon ay sobrang init ng katawan.
Dumaloy sa aking katawan ang kaba dahil sa sitwasyon ng aking anak."Von... Von!" Sigaw ko ng makateleport ako pababa kung saan nakaburol si Aphrodite. Ramdam ko ang pag titig ng mga kapatid ni Von sa akin.
"Von si Yezrah!" Kabadong sabi ko habang nag lalakad palapit sa kanila, agad naman akong sinalubong ni Creed at kinuha mula sa akin si Yezrah.
"Ang init niya." Sabi ni Creed dahilan para mas lalong kumabog ang dibdib ko.
"Sigurado ako na si Franco na naman ang may kagagawan nito, sigurado ako na siya ang may gawa niyan kay Yezrah." Sabi ko at di mapakaling palakad lakad sa tabi niya.
"Leona, kaya niyo bang gamutin si Yezrah?"tanong ni Von na agad namang sinubukan ni Leona.
"Sobrang frustrating naman nito, I was like thinking earlier pa naman na we can have a peace na after Aphrodite's death." Sabi ni Leana na ngayon ay sinusubukan ring gamutin si Yezrah.
"Lit." Tawag ni Rizden sa akin saka inabot ang tubig na hawak niya, agad ko naman itong tinanggap at saka uminom.
"Kumalma ka lang, magiging ayos lang ang lahat." Sabi nito habang hinahawi ang aking likod. Huminga ako ng malalim saka pinakalma ang aking sarili, kahit na anong gawin ko ay kinakabahan parin ako para sa anak ko.
"Hindi namin kaya." Sabay na sabi ng kambal na babae. Tumingin sila sa amin at kita ko ang hirap sa mga mukha nila.
"Hindi namin malaman kung anong ginawa ni Franco sa kanya." Sabi ni Leona.
"It looks like he poisoned Yezrah, but we keep searching sa katawan niya and hindi namin nakita kung what type of poison or magic na ginawa niya." Sabi ni Leana at may tumulong dugo sa kanyang ilong, agad namang inabutan ni Rizden ng tissue si Leana para punasan ang dugong tumulo mula sa kanyang ilong ng biglang bumangon ang katawan ni Yezrah at sinakal si Leana.
"Yezrah, anak!" Akmang lalapitan ko siya ng mauna ng lumapit si Von sa kanya at inilayo kay Leana, ngunit agad na nag laban si Yezrah dahilan para manitawan siya ni Von at masugatan ito sa kamay.
Mas lalong tumindi ang pagwawala ni Yezrah at si Von naman ang kanyang sunod na sinugod dahilan para mag transform ako sa pagiging paniki at lumipad palapit kay Yezrah saka muling bumalik sa pagiging anyong tao at hinawakan si Yezrah sa kamay.
Agad siyang napalingon sa akin kaya naman ginamit ko ang aking kapangyarihang mahika upang siya ay mahypnotize. Agad na kumalma si Yezrah habang siya ay nakatingin sa aking mga mata.
Masakit para sa akin na makitang nag kakaganito ang aking anak. Hindi ko malaman kung ano ang nangyayare sa kanya.
"Yezrah..." Bulong ko habang hawak hawak siya sa kanyang dalawang kamay agad na sumalubong sa akin ang amoy ng isang itim na bampira habang nakaharap ako kay Yezrah.
Kumunot ang aking nuo at muling inamoy si Yezrah.
Itim na bampira...
"May kagat si Yezrah sa leeg."
~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper8

YOU ARE READING
Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)
WerewolfVaughn Series 4 VON FLOYD VAUGHN Half Vampire and Half Werewolf, meet Von Vaughn. The twin brother of Van Vaughn. He is waiting for someone to come back when he suddenly met Aphrodite.