Chapter 3: Kiss

410 10 0
                                    

Kiss

~~~~

Von POV

Si Cleopatra ang mapapangasawa ko? Napa tingin ako kay Van na hindi din makapaniwala. Napa lunok ako at sumubo nalang ng pagkain.

Nasa iisang table kaming lahat kasama ang pamilya ni Cleopatra. Tahimik lang kami at tanging sila papa at ang papa at mama lang ni Cleopatra ang nag sasalita.

"Van, nasabi mo na ba kay Von kung kelan ang kasal nila?" Napatingin ang lahat kay Van maliban kay Cleopatra. Tumango lang si Van.

"That's good."sabi ni Papa at nag kwentohan sila ng papa ni Cleopatra. Nakita ko pa kung paano tignan ni Van si Cleopatra. Sa tingin ko ay may gusto talaga ang kakambal ko sa kanya.

"Lalabas lang ako."malamig na sabi ni Cleopatra at hindi na hinintay ang sasabihin ng magulang niya. Umalis na siya sa upuan niya.

"Mag babanyo lang ako."bulong ko kay Van. Tumango lang sya kaya tumayo ako at nag lakad paalis sa mesa namin.

Sinundan ko si Cleopatra at nakarating kami sa terrace ng bahay.

Naka sandal siya doon habang naka tingin sa kung saan.

"Ayaw mo rin maikasal tama ba?"napa lingon siya sa akin. Lumapit ako sa kanya at tumabi.

"Ayokong ikasal."deretsang sabi ko habang inaalala si Lit.

"Same feels."sabi niya kaya natawa ako.

"Akala ko ibang babae ang ipinag kasundo sa akin ni papa. Buti nalang at close kita kaya hindi ako ma iilang."sabi ko. Hindi siya sumagot.

"Anong plano mo?"tanong ko. Tumingin siya sa akin.

"Kailangan ba ng plano?"tanong niya.

"Look, ayokong maikasal dahil may hinihintay ako." Sabi ko.

"Ayoko din naman maikasal dahil hindi ikaw ang gusto ko."deretsang sabi niya kaya natawa ako.

"Alam ko."naka ngiting sabi ko.

"Gusto mo ang kakambal ko tama ba."natigilan sya sa tanong ko.

"Ano bang pinag sasabi mo?"tanggi niya. Natawa lang ako.

"Alam kong gusto mo ang kakambal ko Cleopatra." Sabi ko at tumingin sa langit.

"Kasi kung hindi, sana hindi ka pumayag sa gusto ni Aphrodite."dagdag ko.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa gusto ni Aphrodite?"tanong niya
Tumingin ako sa kanya.

"Pumunta siya sa bahay."sagot ko at huminga ng malalim

"Pumunta siya sa bahay para umamin sakin."Dagdag ko habang inaalala ang pangyayare na yun.

"Aphrodite? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang naka tingin sa kanya. Ngumiti lang siya.

"Diba kasama mo si Van sa restaurant ngayun? Diba may date kayo?"sunod sunod kong tanong. Umiling siya.

"Si Cleopatra ang pinapunta ko. Pinagaya ko ang mukha ko sa kanya."napatigil ako sa sinabi niya.

"Pinapaasa mo ba ang kakambal ko?"tanong ko.

"Look Von nandito ako para sayo."

"Inamin niya na gusto niya ako, matagal na."kwento ko.

"Anong para sa akin?"tanong ko.
Hinawakan niya ang kamay ko kaya napa tingin ako doon.

"Von gusto kita. Gustong gusto kita matagal na."

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon