Chapter 18: Help

215 7 0
                                    

Help

~~~

Von POV

Bago matapos ang araw ay hinatid na namin si Yezrah sa White House kung saan namin siya nakita. Tumingin ako kay Yezrah na tulog na tulog habang naka sandal kay Aphrodite.

"Gisingin mo na sya."sabi ko at lumabas ng sasakyan. Binuksan ko ang pinto sa likod saka tinulungan si Aphrodite na gisingin si Yezrah.

"Yezrah, gising na. Nandito ka na sa bahay niyo."sabi ko at pinunasan ang pawis sa nuo niya.

Nagising naman siya at naka ngiting tumingin sa akin. Inalalayan ko siyang bumaba sa sasakyan bago kami nag lakad palapit sa gate at nag doorbell.

"Tito Von?" Tumingin ako ng tawagin niya ako.

"Mag kikita naman po ulit tayo diba? Mag lalaro po ulit tayo."sabi niya. Ngumiti lang ako dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

"Oo naman. Mag lalaro kayo ulit ni tito Von."sabi ni Aphrodite na nasa tabi na namin. Napatingin ako kay Aphrodite na naka ngiti habang naka tingin kay Yezrah.

Maya maya pa ay may lumabas na matanda sa bahay.

"Si Yaya."sabi ni Yezrah habang naka turo sa matanda.

Lumapit ito sa amin at gulat na gulat na naka tingin kay Yezrah kaya naningkit ang mga mata ko.

"Bakit ka nandito?"gulat na tanong ng matanda kay Yezrah dahilan para kutuban ako ng hindi maganda.

"Yaya, bigla ka nalang po nawala kanina sa mall. Buti nalang po nakita ako ni Tito Von."sabi ni Yezrah sa matanda. Napa tingin sa akin ang matanda. Tinignan ko siya sa mata ng sobrang seryoso dahil hindi talaga maganda ang kutob ko sa matandang nasa harap ko.

"P-pasok ka na alaga ko." Sabi ng matanda habang natatarantang binuksan ang gate. Tumingin muna sa akin si Yezrah at niyakap ako.

"Ba-bye po tito Von. Salamat po sa magandang araw na ito. Sa susunod nalang po." Naka ngiting sabi ni Yezrah at umalis sa pagkaka yakap sa akin.

Pinanuod kong pumasok si Yezrah sa gate. Hahabulin ko pa sana siya pero napahinto ako ng mapagtantong bakit ba ako kinakabahan sa anak ni Lit sa ibang lalaki?

"Mag pahinga ka na alaga ko."sabi ng matanda kay Yezrah at tumingin sa amin.

"Salamat." Sabi nito sa amin na halatang galing mula sa ilong niya ang pasasalamat.

Pinanuod ko kung paano pumasok ang dalawa sa puting bahay hanggang sa makita ko pa na sumilip yung matanda sa bintana.

"Tara na Von."sabi ni Aphrodite at naunang sumakay sa sasakyan. Pinag masdan ko pang muli ang bahay bago sumakay sa sasakyan at pinaandar yun paalis sa lugar na iyon.

Hinatid ko na si Aphrodite sa bahay niya pagtapos ay umuwi na ko.

Pagdating ko palang sa bahay ay nakita ko si Leana na inaaway si Leona. Napa tigil ako ng maalala ko si Yezrah kay Leana. Madaldal sya.

"IT'S YOUR FAULT LEONA! LOOK AT MY KUKO!" inis na sabi ni Leana. Dumiretso na ako agad sa kwarto ko para mag palit ng damit.

Nakasalubong ko pa si Clementine na tumatawa. At sinabing kakain na daw kami.

Matapos kong mag palit ng damit ay bumaba na ko papunta sa dining room ng makasalubong ko sa hagdan si Leona.

"Von, pahiram nga ng phone."sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

"May ipapasa lang akong file sayo tas kukunin ko din bukas."sabi niya kaya binigay ko nalang ang phone ko sa kanya at nag punta na sa dining room. Umupo na ako sa upuan ko at hinintay silang matapos sa ginagawa nila para sabay sabay kaming kumain.

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon