Von POV
Nagising ako bigla nang mapanaginipan ko si Yezrah saka napatingin sa paligid, nasaan si Lit? Wala siya sa aking tabi kaya naman bumangon ako at lumabas sa kwarto at bumaba.
"Von, masyado pang maaga para gawin ang plano." Tumingin ako sa nag salita, si Leona na nag babantay sa burol ni Aphrodite, hinanap ng mga mata ko si Lit.
"Nakita mo ba si Lit?" Tanong ko, umiling siya bilang sagot, napakamot ako sa aking ulo.
"Hindi ba't natutulog siya sa tabi mo?"Tanong niya.
"Wala eh, wala siya sa tabi kopag gising ko." Sabi ko saka pumunta sa sala at sa kusina pero wala rin doon si Lit, nag tungo narin ako sa balkonahe at sa mga banyo ng bahay pero wala rin doon si Lit.
Nasaan ka na naman Lit?
Huminga ako ng malalim saka bumalik sa kwarto ko at inamoy ang damit ni Lit na ginamit niya kahapon. Agad akong lumabas sa kwarto saka muling bumaba.
"Saan ka pupunta Von?" Tanong ni Leona ng makitang palabas ako.
"Hahanapin si Lit." Sagot ko saka nag transform bilang isang werewolf. Napatingala ako at nakitang full moon ngayon. Sakto, mabilis ko lang mahahanap nito si Lit.
Agad akong tumakbo palabas ng gate para sundan ang amoy ni Lit.
Sabi ko na nga ba may kakaibang kinikilos si Lit matapos niyang lumabas sa banyo kanina.
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa mag tago ng sekreto ni Lit sa akin. Minsan naiisip ko nalang kung pinag kakatiwalaan niya ba ako.
Nawawala na nga si Yezrah pati ba naman siya mawawala?
Napansin ko na papunta ito sa bahay nila Lit, kaya kumunot ang nuo ko habang patuloy na sinusundan ang amoy ni Lit.
Umuwi ba si Lit sa bahay nila? Ano naman ang gagawin niya doon? Ang alam ko ay walang tao at gamit sa bahay na iyon.
Malakas ang kutob ko na may kinalaman na naman si Franco dito, pero huwag naman sana dahil sa ngayon hindi pa namin nagagawa ang plano namin upang mabawi si Yezrah.
Napatigil ako sa harap ng gate ng bahay nila Lit, tahimik ang paligid at walang katao tao. Nag transform ako bilang isang paniki saka lumipad papasok sa bahay nila Lit kung saan walang katao tao.
Mula sa garden nila Lit ay nag transform ako pabalik sa anyong tao ko saka muling inamoy ang paligid. Walang tao pero may kakaibang amoy akong nasasagap. Dahan dahan akong nag lakad papunta sa front door kung saan doon ay naamoy ko si Lit.
Nang nasa front door na ako ay sinigurado ko muna na walang tao bago ko ito buksan, at nang mabuksan ko na ang pinto ay tumambad sa akin ang duguang katawan ni Yezrah.
"Yezrah!" agad ko siyang nilapitan at binuhat, may tama siya ng bala sa kanyang dibdib.
Agad na dumaloy ang kaba sa akin ng makita kong may tama rin siya ng bala sa kanyang binti.
"Yezrah anak.." Tawag ko at pilit siyang ginising.
"Yezrah, anak gumising ka, Yezrah sinong gumawa nito sayo?" Tanong ko sa walang malay na si Yezrah, kinapa ko ang kanyang palapulsuhan at napatigil ng maramdaman na wala siyang pulso. Dahan dahan akong tumingin sa kanyang mukha at sabay noon ang pag tulo ng aking luha habang nakatingin sa kanya.
"Yezrah.." Bulong ko at tinatapik ang kanyang pisngi.
"Yezrah... Yezrah gumising ka anak... YEZRAH!" sigaw ko at niyakap ang kanyang katawan.
LEONA POV
"Umalis si Von at hinahanap si Lit, pwede mo ba siyang sundan?" Tanong ko kay Cleopatra na kakarating lang sa bahay para sana bisitahin si Van.
"Sige, ilalagay ko lang ito sa kwarto ni Van." Sabi niya saka umakyat sa taas.
Hindi ako mapakali kanina pa dahil sa pag alis ni Von, kinakabahan ako para sa kanya lalo na't iisa lamang siyang umalis.
"Anong nangyare?" Tanong ni Creed na kakababa lang mula sa kanilang kwarto.
"Umalis si Von mag isa." Sabi ko.
"Ano? ungas talaga siya." Sabi niya. "Gigisingin ko lang si Leana at Fin." Dagdag niya saka muling umakyat sa taas.
Muli akong napatingin sa kabaong ni Aphrodite saka napatingin sa orasan, 3 AM na.
"Leona, aalis na ako." Lumingon ako kay Cleopatra na kakababa lang.
"Teka lang, isama mo na sila Creed at Leana." Sabi ko kaya tumango siya at umupo sa tabi ko saka tumingin sa kabaong ni Aphrodite.
"Leona, where's that Dog Von na naman ba?" Tanong ni Leana na kakababa laang at bagong gising.
"Samahan niyo si Cleopatra hanapin si Von,hinanap ni Von si Lit." Sabi ko.
"OMG, I am hagard pa oh tapos papalabasin mo na agad ako, I don't even put my makeup pa pwede bang si Fin nalang?" Tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin, napairap siya sa akin.
"Okay what can I--" Napatigil si Leana ng may marinig kaming malakas na kalabog mula sa labas. Agad kaming nag tungo sa pintuan ng aming bahay saka tinignan ang labas kung saan nanggaling ang kalabog.
Si Von at nakatalikod siya mula sa amin.
"Von, buti naman bumalik ka--" Natigil ako ng humarap si Von sa amin, dumako ang aking paaningin sa karga niya.
"Yezrah.." Tawag ko habang nakatingin sa karga niya. May dugo siya sa bawat katawan niya.
"Anong nangyare Von?" Tanong ni Creed na nasa likod ko. Walang emosyon ang mababakas sa mukha ni Von, dama ko ang kakaibang awra sa kanyang katawan.
Dahan dahang lumapit si Von sa amin habang damang dama ko ang kakaibang awra niya, napalunok ako ng makita kong walang malay si Yezrah.
"Tara na gamutin na natin si Yezrah," Sabi ni Leana na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya.
Dahan dahang inilapag ni Von si Yezrah sa harap namin saka tumayo at tumingin sa akin.
Nakita ko ang namumula at malungkot na mga mata ni Von.
"P-Pwede niyo ba siyang... buhayin?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya, napatingin ako kay Yezrah at agad na hinawakan ang palapulsuhan niya.
Napalunok ako ng wala akong maramdaman na pulso sa kanya.
"Von..." Tumingin ako kay Von na ngayon ay umiiyak habang walang emosyon ang mababakas sa kanyang mukha.
Agad na namuo ang aking mga luha.
"Von anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Leana habang nakatingin kay Von. Nakita ko ang pag papalit ng anyo ni Von bilang isang wolf saka ang pag alulong nito ng mahaba, simbolo ng kalungkutan.
Naramdaman ko ang pag lapit ni Cleopatra sa tabi ko at ang pag kapa nya sa palapulsuhan ni Yezrah.
"Patay na siya..." Sabi ni Cleopatra at tumingin sa mga nasa likod ko. Agad na bumuhos ang aking luha habang hawak hawak ang bangkay ni Yezrah.
Nakita ko rin na nag palit anyo si Cleopatra bilang wolf at dinamayan si Von sa pag alulong.
"Ano?" Tanong ni Leana at siya mismo ang humawak kay Yezrah, gaya ko ay napatigil siya ng mahawakan niya ang pala pulsuhan ni Yezrah.
"Wala na siya.."
~~
Tweet me redious_inFacebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

YOU ARE READING
Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)
WerewolfVaughn Series 4 VON FLOYD VAUGHN Half Vampire and Half Werewolf, meet Von Vaughn. The twin brother of Van Vaughn. He is waiting for someone to come back when he suddenly met Aphrodite.