Third Person POV
"Nasaan si Van?" Tanong ni Fin habang hindi inaalis ang kanyang paningin kay Von na naging isang malaking itim na werewolf. Hindi pangkaraniwan ang laki ni Von sa mga oras na ito.
Kasing laki siya ng elepante at ang mga mata nito ay nanlilisik sa galit.
Hindi ngayon alam nila Leona ang gagawin upang mapatigil si Von. Alam nila na sa oras na naging ying yang wolf na ang kambal, hindi na nila mapipigilan si Von at tanging si Van lamang ang makakapag patigil sa kanya.
"Hayaan niyo muna na mailabas ni Von ang kanyang galit kay Franco." Sabi ni Cleopatra na siyang nakatingin kay Von. Kakabalik niya lang sa kanyang anyo bilang isang tao at kakatapos niya lang umalulong ng malakas gaya ng ginagawa ng isang karaniwang werewolf.
Pinanuod ng magkakapatid si Von na ikutan si Franco na siyang nakaupo sa upuan habang pilit na pinapakawalan ni Lina mula sa pagkaka gapos at inaalis ang ilan sa mga aparato na naka kabit sa kanyang katawan.
Hindi umubra ang plano ni Franco na agawin ang kapangyarihan ni Von dahil nahuli na siya, nakapag palit na ng anyo si Von bago niya pa man makuha ang kapangyarihan nito.
"Lina bilisan mo!" Sigaw ni Franco at ilang saglit pa ay nakawala siya mula sa pag kakagapos sa upuan.
Muli siyang tumingin kay Von na iniintay ang ilan sa mga kilos niya bago siya nito sugurin.
"Tignan mo nga naman Von, para kang isang aso na handang mangagat sa anyo mo na iyan." Pang iinsulto ni Franco. Umalulong ng pagkalakas lakas si Von dahilan para muling mapatakip sa kanilang mga tenga sila Fin habang si Franco naman ay tumatawa lamang.
"Sige pa Von, lakasan mo pa!" Sigaw ni Franco habang natatawa at tila nababaliw.
"Anong ginagawa niya?" Tanong ni Fin habang nakatingin kay Franco ng makita niya na unti unting nag babago ang ilan sa mga pisikal na anyo ni Franco.
"Ang rituwal ng mga pure vampire." Sabi ni Creed na siyang pinapanuod si Franco.
"Kailangan na natin siyang pigilan, baka may kung anong mangyare pa sa kapatid natin!" Pag aalalang sabi ni Leona, ngunit hinawakan lamang siya ni Cleopatra sa kamay saka ngumiti.
"Hayaan mo muna si Von, masyadong malakas ang kapangyarihan niya kumpara kay Franco, kung makiki-alam tayo sa kanila malamang ay tayo ang sugurin ni Von dahil sa hindi niya tayo kilala sa mga oras na ito." Sabi ni Cleopatra.
Tumingin si Leona sa kanya saka muling tumingin kay Von, labis ang kanyang pag-aalala para sa kanyang kapatid ngunit tama naman si Cleopatra, dahil sa oras na mangi-alam sila sigurado na sila naman ang kakalabanin ni Von.
"Ang Dark reincarnation..." Tumingin si Leona kay Leana nang magsalita siya, nakatingin ito kauy Franco kaya naman sinundan niya ng tingin ang tinitignan ni Leana at tama nga ito.
Ang rituwal na ginagawa ni Franco sa mga oras na ito, ay ang tinatawag na 'Dark reincarnation' ng mga purong bampira dahil sa ritual na ito nagagawang buhayin ang isang patay ngunit hindi maibabalik ang mga ala-ala nito noong siya ay nabubuhay.
"Sige lang Von, tumahol ka lamang dyan, tignan natin kung kaya mong kalabanin ang alas ko." Natatawang sabi ni Franco.
Mula sa portal na nag bukas sa tabi ni Franco, lumabas ang pares na paa ng isang babae roon sunod ang kanyang katawan at mukha.
Natigilan sila Leona nang makita nila kung sino ang muling binuhay ni Franco.
"Aphrodite...." Sabay sabay nilang tawag sa pangalan ng babaeng nakatayo sa harap ni Von. Isang Aphrodite na walang emosyon, walang pakiramdam at wala sa tamang pag-iisip kagaya ni Von na siyang kinain ng kanyang galit.
Isang ngisi ang kumawala sa labi ni Franco habang nakatingin kay Von na nakatingin kay Aphrodite.
"Ano Von? bakit parang natigilan ka?" Natatawang tanong ni Franco. "Hindi mo ba kayang kalabanin ang nasa harap mo ngayon?" Tanong niya.
"Nababaliw na siya." Sabi ni Cleopatra habang nakatingin sa kaibigang si Aphrodite.
"Kahit gamitin niya si Aphrodite bilang alas niya, wala parin siyang takas kay Von dahil wala sa tamang pag-iisip si Von at pati si Aphrodite ay hindi niya maalala." Sabi ni Cleopatra na siyang nasasaktan habang nakatingin sa yumao niyang kaibigan.
Isang malakas na alulong muli ang pinakawalan ni Von at kasabay noon ang siyang unti unting pag liyab muli ng kanyang mga mata at nang kanyang buntot.
"Anong nangyayare sa kanya?" Nag aalalang tanong ni Leona.
"Sinisimulan niya nang palabasin ang tunay niyang kapangyarihan." Sagot ni Cleopatra at pinunasan ang kanyang luha.
Sa isang iglap ay agad na sinugod ni Von si Franco mula sa kanyang kinatatayuan, agad na nakailag si Franco at nag teleport papunta sa ibang dereksyon, ni hindi niya inaasahan na siya ang susugurin ni Von kahit na nasa harap niya si Aphrodite.
Kung pag mamasdan ay parang nag lalaro lamang sila Franco at Von at tila ginawang bola ni Von si Franco dahil kahit saan ito mag tungo ay kanya itong sinusubukang kagatin.
Walang katakot takot na mababakas sa mukha ni Franco dahil siya ay tumatawa lamang sa mga oras na ito habang patuloy na umiilag kay Von.
"Ano Von? hindi ka pa ba pagod sa ginagawa mo? kanina mo pa ko sinusubukang hulihin ngunit hindi mo ako mahuli huli. Ganyan ka ba talaga kahina?" Natatawang tanong ni Franco na siyang patuloy sa pag iwas kay Von.
"Nakaka antok ka kalaban Von." Sabi ni Franco at umakto pa itong humikab habang umiilag kay Von.
Maya-maya pa ay biglang tumigil si Von sa pag huli kay Franco na siyang dahilan para mas lalaong matawa si Franco.
"Ano Von? Pagod ka na ba? ni hindi mo nga ako nagalusan." Natatawang sabi ni Franco at pinag mamasdan si Von na nakatigil lamang.
"Anong nangyayare kay Von?" Tanong ni Leona, walang sumagot sa kanya dahil maski sila ay hindi alam kung ano ang nangyayare kay Von.
Hanggang sa unti unting napapalibutan ng itim na usok si Von kasabay noon ang pag ungol niya ng malakas.
"Von!" Nag aalalang tawag nila Fin sa kapatid ngunit maski sila ay hindi ito magawang lapitan.
Ilang minuto ang tinagal ng pag ungol ni Von hanggang sa ang usok na nakapalibot sa kanya ay unti unti rin nawawala at mula sa kanilang mga kinatatayuan ay nakita nila na nag palit ng anyo si Von.
Bumalik ito mula sa kanyang anyong tao ngunit may ilan sa kanyang katawan ang meron pang balahibo ng pagiging wolf niya at ang kanyang mga kuko ay matutulis at mahahaba, kapansin pansin rin ang buntot niya na hindi nawala.
"Lumabas na ang tunay na kapangyarihan ng isang ying yang wolf." Sabi ni Cleopatra at sa isang iglap ay nasa harap na ni Franco si Von at sinasakal nito si Franco.
Isang ngisi ang kumawala sa mga labi ni Franco habang nakatingin kay Von na itim ang mga mata.
"Tunay nga na mabilis kumilos ang mga ying yang wolf." Natatawang sabi ni Franco na hindi alintana sa kanya ang kaharap niya.
"Ngunit hindi tuso kagaya ko." Sabi ni Franco at kinagat si Von sa leeg dahilan para mabitawan ni Von si Franco.
Pilit na nag pupumiglas si Von kay Franco na siyang sinisipsip ang kanyang dugo.
Agad na nag transform bilang paniki si Creed pala lapitan si Franco at suntukin dahilan para makawala si Von sa kagat ni Franco.
Dahil sa suntok ni Creed sa kanya nabaling ngayon ang atensyon ni Franco na wala sa katinuan dahil sa dugo na kanyang natikman.
Hindi makakaila na malakas si Franco kesa kay Creed dahilan para masakal ni Franco si Creed habang nakapatong ito sa kanya.
"Isang Vaughn na naman ang nange-alam." Natatawang sabi ni Franco habang sakal sakal si Creed. Pilit na lumalaban si Creed sa pananakal ni Franco ngunit sadyang malakas si Franco.
"Ano ba ang lasa ng dugo ng isang bampirang kagaya mo Creed Vaughn?" Nababaliw na tanong ni Franco at akmang kakagatin si Creed nang mula sa kanyang likod ay umatake si Von. Ang kanyang matutulis na kuko ay kanyang ginamit upang kunin ang puso ni Franco sa loob ng katawan nito.
Dahil sa atake na iyon ay biglang natigilan si Franco at dahan dahang tumingin kay Von na hawak hawak ang kanyang tumitibok na puso.
Isang ngisi muna ang kumawala sa labi ni Von bago niya ito tuluyang pisatin gamit lamang ang kanyang isang kamay.
Agad na natumba sa katawan ni Creed ang katawan ni Franco dahilan para mandiri si Creed at mapatayo.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Creed kay Von ngunit hindi ito sumagot sa kanya kaya naman tumingin si Creed kay Von at nakita na nakatingin ito ng masama sa kanya.
"Creed takbo!" Sigaw ni Cleopatra. Napalunok muna si Creed habang nakatingin kay Von na kakaiba ang titig sa kanya saka tuluyang tumakbo palapit kila Cleopatra na agad naman siyang hinabol ni Von.
"Anak ng tinapa ka Creed bakit dito ka tumakbo?!" Sigaw ni Fin na nag hahanda naring tumakbo.
"Si Van! Kailangan natin si Van para matigil si Von!" Sigaw ni Cleopatra saka tumingin kay Creed na syang papalapit na sa kanila.
"Nasaan si Van?"
~~
Tweet me redious_inFacebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

أنت تقرأ
Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)
مستذئبVaughn Series 4 VON FLOYD VAUGHN Half Vampire and Half Werewolf, meet Von Vaughn. The twin brother of Van Vaughn. He is waiting for someone to come back when he suddenly met Aphrodite.