Chapter 24: Prevaricator

282 9 0
                                        

Prevaricator.

~~~

Von POV

Tahimik lang ako na kumakain habang pasimpleng pinag mamasdan si Lit na sinusubuan ni Franco.

"Mag ingay ka, Ikaw si Van."bulong ni Cleopatra sa akin kaya napa tingin ako sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at nag patuloy sa pagkain.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila. Hindi ako kagaya ni Van na sobrang ma topic.

"What's with this awkward atmosphere." Napa tingin kami kay Leana ng mag salita siya.

"Himalang di ka nag iingay ngayun Van." Napa lunok ako ng sabihin yun ni Lit. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Napagod lamang ako."sabi ko at uminom ng wine.

"Saan naman?" Tanong ni Lit habang hinihiwa ang steak niya. Tumingin siya sa akin ng maka hulugan.

"Kailangan pa bang ipa alam sayo ng fiance ko kung ano ang ginawa namin kanina?"singit ni Cleopatra na nag patahimik kay Lit.

"Hindi ka naman siguro tsismosa para malaman pa kung ano ang ginawa namin kanina. partner thing."naka ngising sabi ni Cleopatra.

Nakita kong kumuha si Franco ng Seaweed at nilagay sa plato ni Lit.

"Allergic siya jan." Bigla kong sabi kaya napatingin ang lahat sa akin. Napa lunok ako at naramdaman ang kurot ni Cleopatra sa gilid ko kaya napa tingin ako sa kanya.

"I mean, allergic si Cleopatra sa seaweed. Share ko lang."sabi ko at tumingin sa gawi ni Lit na naka tingin sa akin. Natawa si Franco at Xanth.

"Nagawa niyang kumain kanina ng seaweed."sabi ni Franco kaya napa tingin ako kay Cleopatra. Inirapan niya ako at uminom ng wine.

"Uminom ako ng gamot Van, wag kang mag alala." Pag sakay niya sa sinabi ko.

"Saka unti lang naman ang kinain ko, walang mangyayare sakin." Naka ngiti niyang sabi kaya ngumiti ako.

"Same pala tayong may allergies sa Seaweed." Napalingon kami kay Lit na naka ngiting nakatingin kay Cleopatra.

"Coincidence."sabi ni Leana at naningkit ang mga mata.

"What? May allergies ka sa seaweed?"tanong ni Franco kay Lit kaya napa tingin ako sa kanya. Hindi niya alam? Paano pag naka kain si Lit niyan! Susumpungin na naman siya ng kati at lagnat, mahihirapan na namang huminga si Lit pag nag kataon.

"Hindi mo alam na may allergies ang asawa mo sa seaweed?"Tanong ni Leana kay Franco.

"Well, hindi naman kasi niya sinabi sakin ang bagay na yan." Sabi ni Franco kay Leana. Tumango tango si Leana na para bang naiintindihan niya ang sinabi ni Franco.

"Pero dapat diba inaalamn mo ang mga ganong details, What will happened to Lit pag nakain niya ang bawal sa kanya, hindi ako na inform na kahit pala kasal na, hindi parin kabisado ang isa't isa." Sabi ni Leana na nag patawa kay Cleopatra dahilan para mapatingin kami sa kanya.

"Buti nalang si Van alam niya na bawal ako sa seaweed." Sabi ni Cleopatra at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa mesa.

"How about Von, alam ba ni Von na may allergies ka?"Tanong ni Leana kay Lit. Kitang kita ko pa ang pag lunok ni Lit ng laway bago sumagot.

"Oo." Sagot ni Lit.

"Dapat kay Von ka nalang nag pakasal." Sabi ni Leana at ngumiti ng plastik ay Lit. "Kidding." Pag babawi ni Leana sa sinabi niya at  uminom ng wine, kita ko ang pekeng ngiti sa labi ni Franco bago tumayo.

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Where stories live. Discover now