Dining Room
~~~~
Von POVMaaga palang ay nasa bahay na ako nila Cleopatra dahil sa inutusan ako ni papa na sunduin si Cleopatra.
"Ingat ka anak." Dinig ko pang sabi ng mama ni Cleopatra bago siya sumakay sa kotse ko.
Sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan at buong byahe ay tahimik lang kami.
Wala ako sa mood para makipag usap.
"Bati na ba kayo ni Van?"tanong bigla ni Cleopatra. Umiling lang ako. Napa pikit ako ng makitang traffic pa kaya medyo napatagal kami sa daan.
Nang makarating kami sa bahay ay ako ang unang lumabas ng sasakyan at papasok na sana sa bahay ng hawakan ni Cleopatra ang kamay ko kaya napa tingin ako.
"Kailangan sweet tayo sa harap ng papa mo."malamig niyang sabi kaya hinawakan ko nalang din ang kamay niya at sabay kaming pumasok. Malamang ay nasa dining room na sila.
"Sorry napatagal." Sabi ko dahilan para mapatingin sila sa amin.
"Medyo na traffic sa daan." Nakita ko pa ang pag taas ng kilay ni Van ng makita na naka hawak sa braso ko si Cleopatra.
"Eh di kayo na ang sweet." Dinig kong bulong ni Van.
"Hay salamat at makaka kain na din."sabi pa nito at naunang kumuha ng pagkain.
"Van, dito ka na muna umupo sa tabi ni Leana." Utos ni papa kay Van.
"Ayoko nga, ito ang upuan ko."pag tatanggi ni Van.
"Van." Nag babantang tawag ni papa.
"Papa, ito ang upuan ko kaya dito ako."sabi ni Van at tumingin kay sa akin.
"Kung gusto niyo, yung bisita nyo o di kaya yung mapapangasawa ng bisita niyo ang paupuin niyo don."dagdag niya. Hayst umiiral na naman pagiging immature niya!
"Inagaw na nga sakin si Aphrodite pati ba naman upuan ko aagawin."bulong pa nito kaya napa irap ako.
"Ako ng uupo don."sabi ko para wala ng gulo.
"Von samahan mo si Cleopatra sa pag organized ng kasal niyo dahil mamaya or bukas ay aalis muna ako." Sabi ni papa. Tumango lang ako.
"Van, kawawa ang tinapay sayo."napa tingin ako kay Van ng sabihin yun ni Von.
"Busog na ko. Sabi ni Van na halatang ayaw niyang makita ako at tumayo na. Akmang aalis na si Van ng tawagin siya ni papa kaya napa upo ulit siya, na halata namang labag sa loob niya.
"Kamusta kayo ng nililigawan mo?"tanong ni papa. Natahimik ako at nag patuloy lang kumain.
"Tumigil na ko." Sagot niya kaya napa tingin ako ss kanya. Ano?!
"Ano? Tumigil kang ligawan si Aphrodite?"tanong ni Leana.
"Why?"tanong ni Papa. Hindi ako maka tingin kay Van, alam ko naman na dahil yun sa pag halik ni Aphrodite sa akin. Ang kulit kase ng lelang ng lalaking yan sabi ko ngang ayaw ko kay Aphrodite eh.
"Inagaw siya eh."sagot niya dahilan para mapatingin ako sa kanya. Nakakawalang gana.
"Akala ko pa naman you guys are good together, nalaman ko na nag date kayo ni Aphrodite nong nakaraan."sabi ni Leana.
"Hindi yun si Aphrodite."sabi ni Van at pasimpleng tumingin sa katabi niyang si Cleopatra. Naka tingin lang siya sa pag kain niya.
"So, where is she now?"tanong ni Creed.
"Ewan, baka pupuntahan niya yung lalaking gusto niya."sabi ulit ni Van at tumingin sa akin.
"Diba, Von?"tanong niya kaya nag angat ako ng tingin sa kanya.

YOU ARE READING
Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)
WerewolfVaughn Series 4 VON FLOYD VAUGHN Half Vampire and Half Werewolf, meet Von Vaughn. The twin brother of Van Vaughn. He is waiting for someone to come back when he suddenly met Aphrodite.