Chapter 22: Plan

223 7 0
                                    

Plan

~~~~

Von POV

"Ano? Ginawa niya yun?" Gulat na tanong ni Van sa akin. Nandito ako ngayun sa hotel room nila ni Cleopatra. Pauwi na sana ako kanina ng makita nila ako.

Kinuwento ko kay Van ang nangyare ngayun at ang tungkol kay Yezrah.  At talaga namang nagulat siya ng sabihin ko ang mga yun.

"So it means, yung Lit na asawa ni Franco ay yung mapanakit na hinihintay mo?"tanong ni Van at napa hilamos sa mukha.

"Kung alam ko lang na siya yun dapat pala sinakal ko na." Dagdag niya kaya agad siyang tinapik ni Cleopatra.

"Puro ka kalokohan."sabi ko at sumandal sa sofa.

"Anong plano mo ngayun?" Tanong ni Cleopatra.

Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanilang dalawa.

"Wala."sagot ko.

"Naniniwala ka naman don sa Lit na yun na hindi mo anak si Yezrah ba yun?"tanong ni Van sa akin.

"Hindi ko alam." Sabi ko. "Pero malakas ang kutob ko na anak ko si Yezrah Van."dagdag ko.

"Kamukhang kamukha siya ni Leona nong bata pa si Leona." Dagdag ko.

"Kung ganon, anong gagawin mo?"tanong niya.

"Hindi naman sapat yung salitang binitawan ni Lit na hindi mo anak si Yezrah. Kahit sino pwedeng mag sinungaling."sabat ni Cleopatra kaya mas lalo akong natahimik.

"Ang hindi ko maintindihan, Bakit sabi ng bata sakin, papatayin daw sya. At... Bakit sinabi sakin ni Lit na mahal niya pa ako."sabi ko.

"Ang labo naman ata non."komento ni Van. "Sabi mo, pinag tatabuyan ka ni Lit. Tapos ngayun umamin siya sayo?"tanong niya.

"Siguro ay pinag lalaruan ka lang niya."sabi ni Cleopatra.

"Or baka psycho si Lit."biro ni Van kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Natawa lang siya.

"Pinapagaan ko lang ang atmosphere dito."sabi niya at niyakap ang isang unan.

"Para malaman natin ang totoo, Mag imbestiga tayo."sabi ni Cleopatra kaya napatingin kami sa kanya.

"Total nandito ka naman din. At nasa iisang lugar lang kayo ni Lit, mag iimbestiga tayo bukas na bukas."sabi ni Van.

"Pero Vacation niyo to ni Cleopatra." Sabi ko.

"Kakambal kita."pag dadahilan niya. Napa ngiti ako. "Mag pahinga ka muna don sa isang kwarto sa taas. Share nalang kami ni Cleopatra sa iisang kwarto." Sabi ni Van.

"Ulol ka, dito ka sa labas matulog."sabi ni Cleopatra at sa isang iglap ay nawala sa harap namin. Natawa kami ni Van.

Nawala ang ngiti sa labi ko ng maalala ko ang naganap kanina.  Posible nga na pinag lalaruan lang ako ni Lit.

"Cheer up bro, malalaman din natin ang totoo."sabi ni Van at ngumiti sa akin.

Kinabukasan ay sama sama kaming tatlo na mag umagahan sa rooftop ng hotel, sabi ni Van ay nirentahan niya ang rooftop ng hotel para daw talaga sa aming tatlo. Pakiramdam ko ay napakalaki kong third wheel sa kanilang dalawa ni Cleopatra.

"May magaganap na party mamaya sa baba." Kwento ni Van habang kumakain kaming tatlo.

"Kaninong party daw?" Tanong ni Cleopatra. Tahimik lamang ako dito habang kumakain.

"Party ng angkan ng mga Caserana, yung Fairies. ininvite ako ni Franco kanina nong nasa baba ako." Kwento niya, automatikong napa-angat ang ulo ko ng marinig ang pangalan ni Franco. Napatingin agad sa akin ang dalawa ng iangat ko ang ulo ko.

"Kasama ba niya si Lit?" tanong ko. Umiling siya at uminom ng wine. 

"Hindi ko nakita yung Lit kanina, kung nakita ko 'man yun ay kakausapin ko siya agad, pero hindi kasama ni Franco si Lit kanina. Siguro ay tulog pa si Lit or nasa kwarto nila.Pero  sigurado ako na kasama ni Franco mamaya si Lit sa party." Kwento ni Van.

"Maganda yun kung ganon." Sabi ni Cleopatra at tumingin sa akin. "Sumama ka sakin mamaya." Sabi ni Cleopatra kaya napa kunot ang nuo ko at ni Van sa sinabi ni Cleopatra.

"Anong ibig mong sabihin?"Tanong naming dalawa ni Van.

Uminom muna si Cleoptra ng tubig bago kami sinagot.

"Si Von muna ang magiging partner ko mamaya." Sabi ni Cleopatra dahilan para mabulunan si Van.

"Paano naman ako?"Tanong ni Van kay Cleopatra.

"Pupunta ka sa room nila Lit at kukuha ka ng ebidensya na nag sasabing si Von ang ama ni Yezrah." Sagot ni Cleoptra kay Van. Kita ko ang pag pout ni Van senyales na ayaw niya ang plano ni Cleopatra.

"Kung ayaw ni Van, ako nalang ang pupunta sa kwarto nila---" Hindi natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si Cleoptra.

"Akala ko ba Van gusto mong bumawi sa kakambal mo?"tanong ni Cleoptra kay Van kaya napatingin ako sa kanya. Huminga siya ng malalim saka tumingin sa akin.

"Okay, Ako ang pupunta sa kwarto nila Lit. Pero ano naman ang gagawin ni Von kung siya ang partner mo?"Tanong ni Van kay Cleopatra. Tumingin sa akin si Cleopatra.

"Babantayan niya ang kilos ni Lit." Sagot ni Cleopatra.

"Eh ikaw anong gagawin mo?"Tanong ni Van kay Cleopatra. Nilingon siya ni Cleopatra.

"Papatulugin ko si Franco at gagayahin ang itsura ni Franco." Sagot ni Cleopatra kaya natahimik kami ni Van at nagka tinginan.

"So ang mag yayare, Mag papanggap si Von na ako?"Tanong ni Van.

"Oo, Mag kamukha naman kayo, nunal lang ang pinag kaiba. Kayang kayang ayusin." Sagot ni Cleopatra.

"Tapos ako, pupunta ako sa kwarto nila Franco para maghanap ng ebidensya na nag sasabing si Von ang ama ni Yezrah habang kayong dalawa kaharap yung mag asawa?"Tanong ni Van. Tumango si Cleopatra bilang sagot.

"Tapos? Paano mo gagayahin ang mukha ni Franco?"Tanong ni Van kay Cleopatra.

"Ako na ang bahala don." Sagot ni Cleopatra.

"Pakiramdam ko sobrang laking mission 'tong papasukin natin." komento ni Van kaya natawa ako.

"Salamat." Sabi ko kaya ngumiti ang dalawa sa akin.

"Sows, para ka namang others."Pag bibiro ni Van.

"Ano nga palang oras mag sisimula ang party?"Tanong ko.

"After 30 minutes." Sagot ni Van at nilonuk ang kinakain na steak.

~~~

Tweet me redious-in

IG:rediousinpaper

Tiktok: rediousinpaper

Facebook: Arline Laure ll

YTC: Arlina Laure


Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon