PROLOGUE

180 15 3
                                    

PROLOGUE

Dream Land ang sinasabing lugar ng mga panaginip natin. Dahil nga dito pwede kang gumawa ng mga pangarap, maliit, malaki o kahit mas malaki okay lang yan, basta pangarap, dito sa dream land yun natutupad, dito lang talaga.

Mararating mo ang lugar na to pag tulog ka na, sa panaginip, pero pwede din namang marating to pag nag de-day dream ka.

Madaming tao ang gusto mamuhay na dito ng permanente, kagaya nalang ng bida natin. Dahil na rin siguro sa buhay na meron sya, pero syempre hindi naman pwede yun.

Kasi ang buhay natin parang Fairy tales yan, hindi yan kumpleto kapag walang mga problema, at higit sa lahat, super kulang yan pag walang thrill at syempre, pag wala tayong night and shining armor.

Pero sa estorya nating ito, hindi tayo papasok sa mundo ng fairy tales, kungdi sa mundo ng ating bidang simple yet sweet na si Lei.

Magbabago ang buhay nya dahil sa mga taong makikilala at papasok sa buhay nya!

Ang buhay niya na dati ay tahimik, walang gulo at binubuo lang nilang tatlo ng mama at kapatid nya, ay biglang iingay, gugulo at madaragdagan.

Kahit ang puso nyang iisa lang ang tinitibok, ay magugulohan na rin dahil sa pagpasok ng mga taong hindi nya aakalaing dadamayan sya at makakasama nya sa pagharap sa mga pagsubok nya sa buhay.

Imposible nga kayang makuha mo lahat ng ng pangarap mo???

Dream LandWhere stories live. Discover now