Nineteenth Dream

32 4 0
                                    

@LEI'S POV@

Nakakatuwa naman ito, yung place na inayos namin kanina, para sakin pala. Kaya pala parang ito yung iniimagine kong gusto ko para sa debut ko.

San naman kaya nila nakuha yung idea? Parang hindi ko naman na kwento kay Xena na ganito yung pangarap kong debut.

Pero ang nakakaloka, wala akong 18 gift pero binigyan ako nitong lima ng 18 na gift. Yung 18 candles ko naman kasama syempre Sa Xena, Lea, Aicy, Kara, Shane, Patty, si Ma'am Karen, yung kapatid ni Caleb, yung manager nila na si Miss A, saka ang mama ko syempre at yung iba pa naming kablock.

Yung 18 Roses ko naman yung lima lang, una si Aki, si Arkin, si Caleb, si Ian saka si Rhon, tas ayun umu-ulit ulit lang, pero si Rhon talaga yung pang 18 ko.

Nakakatawa para sa mga manunuod siguro, pero for me, it's so sweet, pinilit talaga nila punan yung 18 Roses ko. Nakakaloka din tong limang to minsan, eh, angtataba ng mga utak.

"Okay, Mr. escort, pwede bang iupo mo muna ang ating debutant?" tanong ni ma'am Karen.

Pag-upo ko hiningian naman ako ng speech. My goodness, hindi ako prepared, kakanerbyos naman pala ito, kahit kilala ko lahat ng mga taong nandito.

"So Ms Lei, can we all asked for your speech?" tanong ni Ma'am Karen saka sapilitang inabot ang mic sakin.

"Ahm, sa totoo lang po, hindi ko po ito alam, kami pa nga yung nagayos ng venue kanina, eh" panimula ko.

"Ahm, ang masasabi ko lang syempre una sa lahat, salamat sa lahat ng may pakana nitong surprise debut party ko. Alam ko naman kung sino kayo, so super thank you talaga. Sa mama ko naman, ma, I love you po and ganun din sa kapatid ko, syempre sa best friend ko rin na si Xena. Salamat sa lahat ng nandito para maki-celebrate sa debut ko, and syempre salamat sa mga gift, lalo na dun sa power four kong mga kaibigan na sila Aicy, Kara, Shane at Patty, love you girls" pagpapatuloy ko saka na binalik kay ma'am Karen yung mic.

Bago kumain, blow the candles muna.

"Okay miss Lei, make a wish then blow the candle" sabi ni Ma'am Karen.

Pumikit ako sandali saka ko hinipan yung kandila. After ko mag blow ng candle kumain na kami.

Habang kumakain ang mga bisita ko syempre kumakain din ako. Pero habang kumakain ako, hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa mga nangyayare. Ito talaga yung patunay na dreams do come true.

Lumapit yung apat sakin, bineso ako saka ako binati at binigay ang mga gift nila for me.

"Lei, akalain mo yun, the Prince lang ang kasayaw mo sa 18 roses mo" Sabi ni Patty.

"Oo nga, eh, saka nakalimutan ko nga na birthday ko pala" sabi ko sa kanila.

"Well enjoy your special night girl, nandun lang kami" sabi ni Shane.

"Sige, enjoy nyo na lang din yung foods" sagot ko naman.

Habang lumalalim yung gabi, dumadami yung pakulo nila ma'am Karen.

Ang dami nilang shinare about me, tapos ang dami ring mga games for the visitors. Nagperform pa ang the Prince for me. OHA!

I feel so special tuloy, sobrang saya ng puso ko ngayong gabi.

"Okay, so tawagin naman natin ang best friend, mother and sister ng ating debutant" tawag ni ma'am kila Xena, mama at Lea.

"Dahil kayo ang pinaka close sa ating pretty and beautiful debutant, any message for her? syempre mother kayo po muna" sabi ni ma'am Karen saka inabot yung mic kay mama.

"Anak, syempre una sa lahat happy birthday. Alam ko naman na wala na kong dapat pang ibilin sayo kasi you're responsible enough to handle yourself, kaya all I can say is, stay who you are and just be nice to everyone, Ilove you anak" sabi ni mama at kiniss ako sa chicks.

"So ayan, habang nagmemessage sila sa ating debutant, yung isa naming staff ipakakalat yung message board natin, para makapagsulat lahat ng bisita natin ng message nila para sa ating beautiful debutant" singit ni Ma'am Karen.

"Ahm, ate happy happy birthday, I know na super saya mo today, kahit na hindi mo inaasahan ang party na to, I know na this is your dream party. I love you ate salamat sa pag-aalaga sakin, promise po susubukan ko na maging mabait kahit minsan, I love you ate ko" sabi nya.

Naiyak naman ako sa kapatid ko, niyakap at kiniss nya ko saka sinamahan na si mama dun sa table nila.

"Best, hayan, sino ba naman mag-aakala na yung kinaiinggitan kong venue ng party na inaayos lang natin kanina ay para sayo pala. Happy birthday best, ahm, gusto lang kita icongrats, kasi yung mga iniimagine mo lang dati, parang unti unti nang natutupad. So keep dreaming best, kasi alam kong hindi ka titigil sa dreams mo hanggang sa matupad mo ang mga yun, and I know you deserve them all" sabi nya sakin saka ako bineso at niyakap,l.

Natouch naman ako sa best friend ko.

"Ang ating mga nag-gagwapuhang bisita naman ang magbibigay ng message, go a head boys" sabi ni Ma'am Karen at inabot ang mic kay Arkin.

"Okay ako na muna, Lei, hindi ko talaga akalain na magiging kaibigan ka namin when we first met you here at kitkat. Pero I just want to tell you na, ikaw lang ang best friend na fan din namin at the same time. I Just wish you all the best in life Lei, sana napasaya ka namin tonight"

Niyakap at bineso ako ni Arkin after nya magmessage.

"Lei, I'll just make it short, stay who you are and what you are, and don't forget to thank God in every blessings that you were receiving, happy birthday!" sabi naman ni Caleb na bineso at niyakap din ako bago bumaba.

"Ako naman Lei, always remember, never mind your problems tawanan mo lang sila at kusa na silang mawawala, kung hindi pa rin mawala, hindi ko na alam, problema mo naman yan, eh, ang mahalaga mahal ka namin, happy birthday!" sabi ni Aki na kinatawa ko at ng mga tao, pero kiniss nya ko sa noo at niyakap saka na bumaba. Abnormal talaga sya.

"Ate Lei, thanks for being an ate to me, you don't know how much it means to me. You're such a nice girl and sana lagi ka lang maging masaya, and wag kang magbabago sa pagiging good sister samin ni Lea, happiest birthday to you, you deserve all the best in life" sabi ni Ian na bineso at niyakap naman din ako.

"Hay sa wakas ako na, Lei, alam mo naman na pinahahalagahan ka naming lima, kahit na lagi kita inaasar, salamat at hindi ka naman napipikon, alam mo naman na that's my way of saying that you're important to me. Alam kong alam mo na we treat you as a family na, kayo ni Xena, so wag na kayong mahihiya samin, so sana lang magtagal pa yung friendship nating pito, happy happy birthday, sana napasaya ka namin tonight" sabi naman ni Rhon.

Natapos ang party ng alas dos na ng madaling araw, pinatuloy muna kami ni Aki sa bahay nila since ito ang pinaka malapit sa Kitkat.

Wala na talagang hihigit pa sa birthday treat nang limang to para sakin, the best talaga silang lima.

Dream LandWhere stories live. Discover now