Thirty first Dream

27 4 0
                                    

@LEI'S POV@

After a week na na confine ako sa hospital, nakauwi na rin ako sa wakas, hinatid pa ko nila Caleb at nung apat na babaeng chismosa dito sa bahay.

"Salamat sa pagbabantay sakin sa hoapital, at sa paghatid sakin, pahinga na muna ko, bahala na kayo dito, do what you want, feel at home lang!" Matamlay kong sabi saka na sila iniwan at umakyat.

Pagdating ko sa kwarto ko, alam kong hindi pa umuuwi yung sampung dalaw ko, Humiga lang ako sa higaan ko at pumikit.

"Hay Diyos ko Lord, alam kong hiningi ko sa inyong sana kapatid ko na lang din sya, pero hindi ko alam na ibibigay nyo yung hiling kong yun, sana hindi ko na lang pala hiningi para hindi nyo binigay, edi sana ayos pa kami ngayon" sabi ko habang nakapikit at tumutulo ang luha.

"Bakit kasi sa dinami dami ng tao, bakit sya pa? Bakit ganto yung mga problemang hinaharap ko? God nahihirapan na po ako" dagdag ko pa habang umiiyak.

Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama,

"Pano ko i-sosolve tong problema ko kay Ian, kung yung problema ko kay Grae hindi pa tapos?" tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko na alam ang dapat gawin, nadadamay na lahat ng kaibigan ko sa nangyayare. Kakaiyak ko hindi ko namalayang nakatulog na ako, nagising na lang ako ng kumatok si Lea.

"Ate, okay ka na po? dinalhan kita ng gatas, bukas uuwi na daw si mama, kaya may makaka-usap ka na" sabi nya pagkalapag nya ng gatas sa side table.

"Salamat Lea" mahina kong sabi.

"Knock! knock !" sabi ni Xena na nakasilip sa pinto ko, kung kelan bukas ang pinto saka sya kakatok, pag nakasara hindi sya kumakatok! Utak talaga ng babaeng to nasa talampakan!

"Nag-uusap ba kayo?" tanong nya.

"Hindi po ate Xena, dinalhan ko lang po si ate ng gatas" sagot ni Lea.

"Can we talk best?" tanong ni Xena, tumango naman ako, pumasok sya at umupo sa tabi ko.

"Lea, baba ka muna" utos ko kay Lea na ginawa naman nya.

"Oh best, tungkol saan ba yan?" tanong ko agad.

"Naka-uwi na sila, kanina pa, ngayon, ano nang balak mo?" diretsya nyang tanong sakin.

"Balak saan?" patay malisya kong tanong.

"Best, malamang sa problema mo" sagot nya in a sarcastic way.

"Hindi ko nga alam best, eh, sabay sabay kasi" sagot ko, nang maalala ko si Lea, "Teka, alam na ba ni Lea?" tanong ko bigla.

"Oo malamang, nagtanong ka pa, eh, nadatnan mo na nga sila kaninang umaga" pambabara nya sakin.

"Hay naku best, tigilan mo ko sa pangbabarang tono mo, ah" saway ko sa kanya.

"Okay sorry best, ngayon, sagutin mo na ko, ano nang balak mo?" tanong nya ulit.

"Saan ba?" tanong ko.

"Malamang sa mga problema mo" sagot nya ulit.

"Best, marami akong problema, alin sa mga yun ang tinutukoy mo ba?" pabalang kong tanong sa kanya.

"Kita mo to, ikaw naman ang pabalang sumagot ngayon, kay Ian malamang" inis at dirediretso naman nyang sagot.

"Hindi ko alam, gaya ng sabi ko kay Caleb, hindi pa ko handa" sagot ko saka sumandal sa pader.

"Hindi ka handa o hindi mo tanggap?" tanong nya na parang may halong pang-aasar pa. Sasabunutan ko na tong babaemg to, eh, she's always making me look like a fool on front of myself!

"Parehas lang kaya yun" sagot ko na lang sa kanya.

"Hoy Lei tigilan mo ko, malaki ang pinagka-iba nung dalawang yun nuh"

Napabuntong hininga muna ako saka sya diretsang tinignan.

"Okay sige, masisisi mo ba ko kung hindi ko sya matatangap?" tanong ko sa kanya.

"Oo, bakit ba hindi mo sya matatanggap, kung ako sayo tinanggap ko na sya with open arms" sagot naman nya sakin sabay bukas pa ng dalawang kamay nya at umarte nang open arms niyakap nya pa ang sarili, abnormal!

"Bakit? dahil pogi, mabait, matalino, mayaman at sikat sya ganun ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo, saka ano ba best, hindi nya kasalanan na bunga sya ng pagkakamali, sabi nga nya, ngayon lang din nya nalaman na anak sya sa labas ng tatay nya, este, tatay nyo pala" sermon nya sakin.

"Ano?" tanong ko at pinanlakihan sya ng mata.

"Wala, basta, isipin mo na lang ganto, kung ikaw sya, tingin mo anong gagawin nya?" tanong nya sakin.

"Syempre gagawin nya rin kung ano ang ginagawa ko ngayon" sagot ko sabay irap sa kanya.

"Mali, kung sya ang nasa sitwasyon mo, tatanggapin ka nya with an open arms" sabi nya sakin, parang sure na sure pa sya sa sinasabi nya! Palibhasa wala sya sa sitwasyon ko!

"How sure are you?" taas kilay kung tanong.

"Kasi kapatid ka pa rin nya, isipin mo na lang ganito, pag si Lea nasa labas at umuulan, anong gagawin mo?" tanong nya in a serious tone.

"Syempre papapasukin ko" sagot ko.

"Oh ayun naman pala, edi papasukin mo na sa buhay mo si Ian" sabi nya sabay ngiti ng nakakaloko habang nagtataas baba pa ng kilay!

"Best, hindi naman kasi ganun yun kadali, syempre iniisip ko pa rin si mama, ano ba sa tingin mo ang mararamdaman nya pag nalaman nyang may anak yung asawa nya sa iba na mas matanda pa sa bunso nila?" paliwanag ko sa kanya. Napatayo naman sya.

"So this is all about tita naman ngayon, ibig mo bang sabihin, pag si Ian natanggap ni tita, tatanggapin mo na rin sya?" tanong nya,

hindi ko pa rin alam!

"Tignan natin" sagot ko na hindi sigurado.

"Alam mo best, ang daya mo, ang unfair mo, ang gulo mo mag-isip, kanina sabi mo iniisip mo yung mararamdaman ni tita. Ngayon tinatanong ka what if matanggap sya ni tita, hindi mo pa rin alam ang sagot mo" sermon nya sakin.

"Kasi best, kung ikaw ba ang nasa lugar ko matatanggap mo ba yung bunga ng pagtataksil ng tatay mo sa nanay mo?" tanong ko sa kanya.

"Dipende" sagot nya.

"See, hindi ka rin naman sure sa sagot mo, eh" sermon ko rin sa kanya.

"Tsaka iniisip ko lang din talaga yung mararamdaman ng mama ko" dagdag ko pa ulit.

"Best, minsan hayaan mo muna mangyare huh, hindi yung nag coconclude ka na agad"

"Eh, dun sa isa, anong balak mo?" tanong nya, I know that she's referring to Grae.

Hay problema, kelan ka mamamatay? Pakisagot agad nang makabili na ko ng biscuits at kape.

"Hindi ko nga rin alam, maybe I just need to talk to him" sagot ko.

"Kaya mo ba?" tanong nya na hindi ko pa din alam ang sagot.

"Galit ka rin ba kay Rhon?" tanong nya ulit, kaya tinignan ko sya ng seryoso.

"Nagtatampo oo, pero hindi naman ako totally galit" halos pabulong kong sagot. Lumapit sya sakin at hinawakan ang mga kamay ko.

"Alam kong naguguluhan ka sa sunod sunod na problemang dumarating, pero best, isipin mo lang na marami kaming handang dumamay sayo, kaya wag mong solohin huh!" Bilin nya saka ako nginitian "Sige na, maggagabi na, uuwi na ko, kinausap lang kita para gumaan naman yang nararamdaman mo kahit papano" paalam nya saka ako niyakap at tuluyan nang nagpaalam.

"Inggat best" paalam ko sa kanya.

Dream LandWhere stories live. Discover now